Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na ganyan talaga ang buhay

2018 06 24

2018 06 24 (Sun, 10:28 PM)             Inakala ko na makagagawa ako ng 15-minute journal araw-araw, hindi pala. Minsan haggard na rin kasi pag-uwi; pero ayos lang, pwede naman ulit mag-umpisa.             Gusto ko sanang ikuwento ng detalyado yung mga nangyari noong nakaraang araw, pero hindi pwede dahil hindi ito matatapos sa loob ng labinlimang minuto.             Kaya kaunting recall na lang:             Natutuwa talaga ako kay student J, lalo na kapag naririnig ko yung feedback ng mga dating teachers nya; ibang-iba na sya sa kung ano dati. Maayos na ang kanyang behavior ngayon; pero dahil nga may mga na-experience na rin akong students na ningas-kugon lang ang pagbabago kaya di ko pa rin inaalis sa isipan na dapat pa rin syang bantayan, purihin ng ...

"...hopiang hapon o intsik?"

2018 06 18 (Mon, 8:47 PM)             Bago ako pumunta sa D.O., iniwan ko muna ang worksheet ng mga bagets sa guardhouse (naka-memo naman yung report; kaya nag-iwan ako ng gawain kung sakaling di ko sila maabutan sa oras ng klase ko). Ipinasuyo ko ang worksheets sa mga officers ng aking section, sa tingin ko ay okay naman, nakasunod. Sa katunayan, tuwing uwian ay nagre-report pa rin si Jhobert sa akin ukol sa mga nangyari sa klasrum sa maghapon, minsan sumasama pa ang ibang officers kahit alam kong uwing-uwi na sila. Naka-attend din si Jhobert sa meeting ng mga president kanina kahit pa hindi ko siya napaalalahanan. May potensyal naman ang mga batang ito, sana nga.             Pang-anim kami sa listahan, pero panglima kaming sumalang. Okay naman. Marami kaming natutunan sa pag-present ng aming papel kanina. Oo, matrabaho. Pero ganun talaga. Experience pa rin ang mahal...

"... ganyan talaga sa hapon.

2018 06 06 (Wed, 8:49 PM)                Kaninang umaga, nag-text ako kila Eldie at Neri. Ang sabi ko, ang unfair naman ata ng environment… kasi, naligo naman ako, nagsabon at naghilod pa nga tapus paglabas ko puro trak ang kasabay ko sa daan na namamahagi ng alikabok at usok, so balewala rin ang pagligo di ba.                Ang sabi ni Neri, ganyan talaga sa hapon. Okay.                Nakakapagod ang araw na ito. Kakaiba talaga ang Wednesday, parang taun-taon, miyerkules ang pinakapuno kong sked. Pero okay lang naman, mas gusto ko pa ngang marami ang klase kasi parang mabilis lang ang oras. Pero masaya rin ang medyo maluwag na break, marami ring magagawa or minsan tulala.                Hmm...

"...kaya naman pala hindi kami nanalo!" (my quiz bee story, pwede ba ito sa Kwentong Jollibee?)

2016 11 20 (Sun, 11:42 AM) School Year 2012-2013: Una akong nabigyan ng chance na maging coach ng quiz bee sa isang private school kung saan ako nagturo noon. Si Paulo ang una kong na-train para sa science quiz bee ng BulPriSA. First time kong mag-coach sa contest na ito na ang lagi kong sinasalihan noong ako’y estudyante pa. Hindi kami pinalad na manalo ni Paulo. School Year 2013-2014: Ikalawang beses na naging coach ako sa quiz bee. This time, si Kyle naman. Dahil sa experience ko sa nakaraang school year, kahit paano ay may idea na ako kung ano ang mga dapat na i-review, ang mag-budget ng time at ang maghanap pa ng mga references na pwede maging reviewer. Nagtapos si Kyle sa contest bilang 6 th place (masaya ako dahil nagka-medal sya); at kahit paano ay na-improve ang aming rank last year! Ito rin ang huling taon ko sa private school. Dalawang school year ang lumipas, bago ako ulit nabigyan ng chance na maging coach for quiz bee, this time para sa grade 10 level (nas...

OST ng buhay mo

                Nag-download ako ng mga soundtrack ng ilang pelikula; ang mga iyon kasi ang nagbibigay ng buhay at ‘tama’ sa mga makabagbag-damdaming eksena sa pelikula. Minsan naisip ko, bakit sa totoong buhay walang background music na ipini-play, halimbawa habang nakasakay sa bus at nag-eemote sa may bintana, o kaya naman biglang may upbeat music na maririnig kapag masaya ka! Di ba ang ‘amazing’ ng buhay kung may ‘official soundtrack’ din ang bawat eksena ng life? Laging merong award-winning moments!                 Pero, pano nga pala yun… kapag masaya ba ako, at nag-play ang masayang background music ko, maririnig din ng iba? Paano kung malungkot yung iba? O yung katabi ko? Siguro para hindi nakakalito o agaw eksena ang mga background music natin sa buhay, kanya-kanyang tunog na lang sa kani-kaniyang isip! Lol. O kaya kung pare...

'snob'

                “…all you have to do is call, and I’ll be there, you’ve got a friend.”                 - ang kinakanta ng matandang bulag na lalaki malapit sa may Central Station ng LRT.                 Natigil ako bigla sa paglalakad sa gilid ng UDM, hindi kasi ako mapakali. Naisip ko, bakit hindi ako naghulog ng pera sa donation box ng matandang bulag? Bakit ko siya nilampasan?                 Sa mga ganitong pagkakataon, lagi kong iniisip na gawin kung ano ang makapagpapanahimik sa aking saloobin, kaya humugot ako ng isandaang piso para maihulog sa donation box ng matandang bulag. Naglakad ako pabalik.            ...

huling post para sa 2016: kung bakit kami kahanga-hanga sa "kapit lang" at "humopia", at oo masaya yung bula-bula na blue :)

                Sa itinagal-tagal, akala ko ay napaka-problemado ko na. Pero, mas nahihirapan pa pala ang ilan sa aking mga kaibigan. Inakala ko na nahihirapan na talaga ako, pero mas mayroon pa pala silang pinagdaraanan kaysa sa akin. May mga panahon na dapat sana ay inilaan ko na lang para masuportahan ko man lang sila. Naipakita ko sana na ako rin ay may simpatya, na ako rin ay nakararamdam at naiintindihan din sila.                 Kung alam ko lang…                 Kung nalaman ko lang…                 Siguro ay kung nag-reach out pa ako.                 Siguro ay kung kahit saglit ay pinatahimik ko m...

Kahit saan mapunta, may magsasabing “Hi Sir!”.

                Nasalubong ko si Jasper (dati kong estudyante) sa footbridge. Nagkamustahan ng kaunti. Saglit kaming tumigil sa mismong hagdanan, mabuti na lang at kaunti lang yung dumaraan. Tinanong ko kung saan na siya nag-aaral; sa pagkakatanda ko kasi ang sabi niya sa akin noong nagpi-fill up siya ng form para sa senior high ay magti-TESDA siya. Ang sagot niya, siya raw ay nag-aapply na ng trabaho. Hindi ko na nausisa pa, dahil nasa hagdanan kami ng footbridge at baka kami ay makaabala, ‘good luck’ o ‘ingat’ ba ang huli kong nabanggit sa kanya, hindi ko maalala eh.                 Ang awkward o nakakatawang part ay yung mismong nagkasalubong kami. Sanay ang mga ka-batch na estudyante ni Jasper magmano sa mga teachers nila, pero sa kung anong dahilan hindi niya naituloy yung akmang magmamano sana siya sa akin, di ko na rin naiabo...

09 at 23

2016.11.09      Kung hindi ako mag-i-enroll ngayong sem, anu naman kaya ang gagawin ko tuwing sabado? …tatambay sa national library para doon magbasa, at mag-blog. …tumambay sa luneta o kahit saan pa sa maynila para mangalap ng istorya. …makitulog sa bahay ng iba tuwing byernes ng gabi at uuwi ng sabado ng gabi. …magpagala-gala sa malls? …mag-bike kaya sa umaga at tumambay sa tulay sa may Bulacan? …manuod ng movies? documentaries? …gumawa ng art crafts. …magtanim ng halaman at itala ang paglago nito bawat linggo. …magkulay gamit ang color pencils. …maglakad nang maglakad, kung saan man mapadpad.      Naalala ko ang klasmeyt kong si Steph na nag-aaya sa pag-attend ng The Feast, tuwing sabado raw iyon. Kaso lang, hindi ko alam kung bakit kapag nasimulan ko na ay di nagtatagal ang pag-attend ko sa mga ganito. Ano bang mga ayaw ko? Una ay yung cell group na tinatawag. Tapus meron kang cell group leader. At bawat isa sa...

Exciting din pala ang magkaroon ng electric fan.

Ika-02 ng Hulyo, 2015 Huwebes, 7:08 ng gabi             First time kong ma-excite para sa balita na kahit paano ay naayos na raw ang dalawang electric fan sa room namin, ayon sa text ng ka-partner kong adviser sa room na panghapon, kani-kanina lang. Okay lang kahit kami pa muna ang magpaluwal sa gastos, walang-wala yun sa pakiramdam na excited na akong makita ang advisory class ko bukas na nag-aaral nang may electric fan J Hindi rin kaya biro ang isang buwan na magklase sa loob ng room na halos lahat kami ay nagmumukhang ‘hot’ lol.             Kaya sana bukas, totoo! Hay… dahil kung hindi, hotness never ends na talaga.

"– may coke, royal, sarsi at sprite."

Ika-17 ng Abril, 2015 Biyernes, 8:54 ng gabi             Isang kulay asul na drum na may itim na takip na dati’y lalagyanan ng tubig ang pinuno ng maraming bote ng softdrinks at yelo – may coke , royal , sarsi at sprite . Naisip ko nun, kung yung mga matatanda ay naglalango sa alak, ako naman kasama ng mga kaibigan ko ay magpapabundat sa pag-inom ng softdrinks!             Hindi ko matandaan kung pang-ilang kaarawan ko na yun. Ikapito ata o ewan. Basta, pinagsabay-sabay ang birthday naming tatlo – ng kapatid ko at ng tatay ko; tutal iisang buwan lang naman pumapatak ang aming mga kaarawan at tig-isang araw lang naman ang mga pagitan.             Napakalamig ng mga nalusaw na bloke ng yelo sa loob ng drum . Saglit na mamanhid ang kamay sa kada kuha ko ng maiinom. Yung nasa ilalim pa yung pilit kong kinuk...

CRATER :)

Ika-06 ng Marso, 2015 Biyernes, 2:48 ng hapon             Ang awkward at sarcastic ng lesson ko kanina – The Sun, Earth and MOON .             Nag- enjoy ako sa pagdi- discuss tungkol sa parts ng sun at sa pagbibigay ng ilang amazing trivia , ganun din naman sa Earth . Pero sa pagdating sa moon … hay naku… hahaha .             Sa isang klase ko, ang sabi ni Angelo –                         “Sir di ba may CRATER ang moon?”                         Sa isip ko, ito na ang usaping crater , common knowledge naman na ito kaya maikling “Oo meron. Kasi walang atmosphere na nagpro...

"Ayokong magpaka-super hero."

Ika-02 ng Marso, 2015 Lunes, 6:02 ng gabi             Paggising ko sa umaga, naiisip ko, magkikita na naman kami ng mga ‘disturbed’ na bata. Papasok na ulit ako sa ‘bahay-kalinga’ . Sa pananaw ko ang mga paaralan ngayon, lalo na yung pampubliko, ay di na lang lugar kung saan ang mga bata ay dapat matuto. Nandito na lahat… lahat-lahat!             Mga matalino, matalinaw… mga may kaya, kinakaya, walang kaya… malinis, madungis… magalang, walang kamodo-modo… masayahin, bugnutin… malusog, malnourished … may magulang, pinabayaan ng magulang… pumapasok para mag-aral, pumapasok para hindi mag-aral… isip bata, mga isip na polluted ng kaisipang pang matanda… mga batang nagabayan ng tama, mga batang ginabayan ngunit walang nagagawang tama… mga pumasa, mga pinapasa na lang.             Hindi sa nawawalan ako ng insp...

"...di lahat ng ‘taken’ na ay masaya."

Ika-05 ng Enero, 2015 Lunes, 2:45 ng hapon Shrine of Our Lady of Grace - Caloocan.             1. May panahon para ayusin ang mga bagay sa buhay mo.             2. You only live once… be happy! You deserve to be the best!             3. Kung may nakikita kang kulang sa buhay mo, aksyunan mo agad ito.             4. Ang relasyon ay pinagtitibay, hindi pinagsasabay-sabay.             5. Move on!             Kahapon… araw ng linggo.        Nagbalik ako sa simbahan kung saan pinakauna akong nakapagsimba. Maraming nagbalik na alaala. Ganoon pa rin ang itsura. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong pu...

"...isipin mo na lang na ‘tomorrow is another day’ bilang pampalubag loob sa iyong nakaraan."

Ika-01 ng Nobyembre, 2014 Sabado, 6:41 ng gabi             Napakahaba ng dumaang linggo… damang-dama ko ang pagka-haggard ko.             Minsan pakiramdam ko ay dalawa ang katumbas ng isang araw. Naaalimpungatan ako kapag nakakatulog sa hapon. Nung huwebes, nagising ako ng 6:41 (oras sa aking cellphone) , muntik na akong lumipad patungong eskwelahan kasi akala ko late na ako… yun pala 6:41 PM… akala ko kinabukasan na ako nagising (eh 6:00 AM ang pasok ko) . Sumakit lang ang aking ulo.             Hindi ko alam kung masaya o malungkot na eksena ba ang sumakay ng LRT. Nakakatawa kasi na makita mo kung paanong nayuyupi ang mukha ng isang mananakay kapag ipinilit pa niyang makasakay sa tren na punong-puno na ng mga pasahero. Yung tipong pagsara ng pintuan ay dikit na dikit na ang kanyang face sa salamin. Nak...

"Bakit ang tahimik mo?"

Ika-22 ng Oktubre, 2014 Miyerkules, 5:19 ng hapon             “Bakit ang tahimik mo?”             Madalas itong itanong sa akin nung bata pa ako. Na pakiramdam ko ‘abnormal’ ba ako para tanungin ng ganitong tanong… kasi sa loob ko gusto kong sabihin na – “Bakit ikaw di naman kita tinatanong kung bakit ang ingay mo?” Lols.             Naalala ko lang yung klasmeyt kong transferee noong 2 nd year high school – si Rachel . Katabi ko siya sa upuan. Mas tahimik pa siya sa akin. Sa mga ganung pagkakataon, mas kaya kong maging maingay o makipag-usap sa mas tahimik pa sa akin. Alam ko kasi (o baka assuming lang ako hahaha) kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip o kung anong uri ng tao ang nasa loob ng ganung personality . In other words , nakaka- ‘relate much’ ako. Kaya mas madali kong ma- approach yung mga...