Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na kwentong barbero

OST ng buhay mo

                Nag-download ako ng mga soundtrack ng ilang pelikula; ang mga iyon kasi ang nagbibigay ng buhay at ‘tama’ sa mga makabagbag-damdaming eksena sa pelikula. Minsan naisip ko, bakit sa totoong buhay walang background music na ipini-play, halimbawa habang nakasakay sa bus at nag-eemote sa may bintana, o kaya naman biglang may upbeat music na maririnig kapag masaya ka! Di ba ang ‘amazing’ ng buhay kung may ‘official soundtrack’ din ang bawat eksena ng life? Laging merong award-winning moments!                 Pero, pano nga pala yun… kapag masaya ba ako, at nag-play ang masayang background music ko, maririnig din ng iba? Paano kung malungkot yung iba? O yung katabi ko? Siguro para hindi nakakalito o agaw eksena ang mga background music natin sa buhay, kanya-kanyang tunog na lang sa kani-kaniyang isip! Lol. O kaya kung pare...

Sige na nga, sabihin na nating year-end post ito.

                 12.31.2015 (9:56 PM) Dalawang oras na lang bago mag-2016!                 Yey! Di naman talaga ako excited hahaha. I am full of hope (or hopeful, same lang ba yun? Lol) para sa darating na taon pero very usual na lang din ang event na ito. Lagi rin naman akong inaabot ng past twelve midnight bago matulog. Mahirap din naman magkaroon ng event sa labas; ang daming putukan at saka nakakasulasok kaya ang amoy ng pulbura.                 Kaya ngayong gabi, balak ko sanang abutan ng bagong taon na nagbabasa sa gitna ng kaingayan hahaha. Well, balak lang naman; pwedeng di rin matuloy. Ako pa ba!                 Gustong-gusto ko yung statement na nabasa ko sa speech ng isa sa naging prof ko – “...

to crop somebody...

You don't know what it's like, Baby, you don't know what it's like To crop somebody To crop somebody The way I did to you . x-o-x-o-x *Hango sa kantang "To Love Somebody" ng Bee Gees. *Setyembre na! Dami nang agiw sa kwarto at blog kong ito.

Lagi bang may RAINBOW after the RAIN?

Ika-06 ng Mayo, 2014 Martes, 5:35 ng hapon             Ako lang ba ang mahilig mag kape sa hapon? Yung mainit ang panahon pero nagkakape pa rin ako sa harap ng electric fan (na dinugyot ng panahon hahaha) . Nakakaantok kasi sa hapon kaya kailangan ko ng pampagising. Oo alam ko na pwede akong mag- ice-cold-coffee , pero parang di ko na kasi ramdam ang kape kapag malamig. Iba ang aroma at lasa ng kape kapag mainit, lalo na kung bagong kulo pa ang tubig! Hmmm!             Yung pagkatapos mong uminom ay para kang nag- exercise o nag- jogging , tumatagaktak ang aking pawis. Butil-butil na pawis sa mukha hahaha . Ganun.             Ang problema nito, mamayang gabi ay gising na naman ako, pero okay lang. Mas gusto ko talaga na gising kapag gabi kaysa umaga. Mas naiintindihan ko ang mga ingles na pelikula haha...

Blogging sa Lesson Plan :)

"Kapag ako'y nababato, nagba-blog sa lesson plan ko. Sarili'y tinatanong, ng kung anu-ano." 2 / 27 / 14 (while in my class… morning schedule…) Q1: Where do you want to go? A1: I want to be in a place where there are many people who are busy living their life doing passionately the thing that they want to do. Q2: Who do you want to meet? A2: I want to meet an old guy who is about twice of my age, full of wisdom and has many stories to share. Q3: What are you thinking today? A3: I’m thinking of the people I’m going to meet in the future… I’m thinking of traveling with some fellow bloggers. Q4: If you were a writer, what do you want to write about? A4: I want to write about how it feels to love and be loved, and be hurt because of love. Q5: Are you feeling good today? A5: I’m not feeling well actually… I have a sore throat… I have ‘low tolerance’ on ‘sweet things’… Q6: Are you living the life of your dream? A6: Not e...

LIEBSTER AWARD 2014

Intro:             Salamat kay  Ma'am Yccos  para sa LIEBSTER AWARD!   Sana lang ako talaga yung Jep Buendia sa list mo haha, kasi baka may kapangalan ako, tapus ang labas eh 'assuming' pa pala ako lols . Narito ang aking mga sagot para sa mga nilikha mong tanong: 1. Bakit ka nga ulit nagboblog?             Hindi naman talaga ako matutuloy sa pagba- blog kung hindi nagkaroon ng computer at internet connection sa bahay. Dati kasi sa mga notebooks lang ako nagsusulat ng kung anu-anong naiisip ko. Eh para hindi naman masayang ang computer at internet , nag- try na rin akong gumawa ng animo’y online journal ko.             At bakit ba ako nagba-blog? Una, di naman lahat ng nasa isip mo ay maaari mong sabihin ng direkta sa mga kausap mo. Halimbawa, pag may naisip kang maikling tula, hindi mo naman ito iri- recite...

My Thoughts and Issues :)

            Hindi ko alam kung awkward bang masasabi kapag gumagala akong kasama ang nanay ko hehe . Eh kasi naman, mga ilang buwan ding hindi ko nakasama ang nanay ko sa galaan, hindi na rin kami masyadong nakakapagkwentuhan dahil lagi na lang akong nakaharap sa netbook , may ginagawa o gabi na kung umuwi.             Nasabi kong awkward kasi hindi pala magandang gumala kasama ang iyong nanay tuwing araw ng sabado. Yung eksenang nakasakay kami sa jeep at mga 55% ng pasahero ay mag-dyowa haha . Yung mari- realize mo na wala kang lovelife , na isa kang nga-ngang nilalang pagdating sa usaping relasyon o pag-ibig, na yung tanging pampalubag-loob mo na lang ay maaari nilang isipin na kaybuti mong anak dahil sa edad mong bente-kwatro ay kasama mo pa rin sa galaan ang nanay mo lols .             Gayunpaman, kahit nakakainggit sa puso ang mg...

Hopia!

Hindi naman halata na sa larawan pa lang ay isa na ako sa mga ‘ die-hard-fan ’ ng hopia haha. Kaya nga kung mabubuhay lang sa totoong mundo si Doraemon, magkakasundo kami!             At isa nga sa mga ‘ peyborit ’ kong hopia ay ang murang-mura lang at ‘ afford ’ ng lahat na ‘ Baker’s Fair Specialty Hopia ’ ( ube at mongo, mapa-dice or round pa yan ), Php 100 lang per box! Mainit-init pa kung bibilhin, so freshly made talaga. Hindi naman ako binayaran ng Baker’s Fair dito, pero kung mabasa man nila ito, pwede na ang ‘ one year supply ’ ng hopia lols.             So, temang kababawan lang naman ang post na ito na patungkol lang sa ating mga minamahal na ‘ comfort food ’, yung tipong kapag sobrang pinagkait na ng kapalaran ang kaligayahan ay ikakain mo na lang ito ‘ to the patay-gutom level ’ haha. Kwentong ‘comfort food’… 1. Kapag badtrip, tatlong pagkain lang...

Luhang KABIT ng Pamamaalam

KABIT -jep buendia- "Alam ko na darating din tayo sa puntong ito. Malungkot man pero, sabay nating lilisanin ang mundong ginawa natin. Inasahan ko na rin na baka mangyari nga... na baka nga di talaga pangmatagalan... baka nga... siguro tama sila. Pero... nais kong malaman mo na, nung mga oras na yun...masaya ako. Ang hirap pala ng ganito... Akala ko kasi wala nang katapusan yung mga oras na magkasama tayo... pero... yun na nga... dumating na." Nung mga oras na yun... Walang ibang naramdaman si Lyn kundi panlulumo at awa. Wala man lang ni isang salita s'yang nabanggit sa pamamaalam ni Ricky. Batid niya na wala siyang karapatang ipagtanggol ang sarili... isa lang siyang kerida. Kabit. May pamilyang dapat balikan si Ricky. Samantalang siya... akala niya'y makakaalis na siya sa dati niyang gawi. Pero hindi pala. Natapos din ang mga masasayang panaginip. Ito ang pinakamalungkot para sa kanya. Walang namutawi sa kanyang bibig. Unti-unti...

Mahirap 'Pag Brokenhearted

Oh  Gener  'anyare? 1. Isang linggo talaga kaming nawalan ng pasok dahil sa bagyo. Kahit di na ganun kalakas ang ulan, napakatagal namang humupa ng baha. Nag-enjoy sa pagtambay. 2. Kung alam ko lang na 1 week mawawalan ng pasok, umalis muna sana ako sa lugar namin. Stranded. Di makalabas ng bahay. Ayoko rin lumusong sa baha, dirty eh! :) *arti* Lam mo na maselan... Baka mabasa ang 'maselang bahaghari' lol. Hirap nun pag inatake ng germs :) *ang kati?* 3. Sya nga pala, wala na akong ibang kaharap at kausap kundi ang monitor. Nabubulag na nga ako eh kakatitig sa kanya. x-o-x-o-x Dear Charot, Di ko naman sinasadyang masaksihan ang isang eksena kanina... Malay ko ba? Isa lamang akong tulala na nilalang kanina sa bintana dahil pinagmamasadan ko ang baha... sosyal nga eh, umaagos na ang baha ngayon, may waves at kuryente pa:) Nakita ko ang neighbor naming lasengga with her julalay friend, nag-aaway sila ng kanyang boyfriend at ganito nga ang nangyari.... ...