Oh Gener 'anyare?
1. Isang linggo talaga kaming nawalan ng pasok dahil sa bagyo. Kahit di na ganun kalakas ang ulan, napakatagal namang humupa ng baha. Nag-enjoy sa pagtambay.
2. Kung alam ko lang na 1 week mawawalan ng pasok, umalis muna sana ako sa lugar namin. Stranded. Di makalabas ng bahay. Ayoko rin lumusong sa baha, dirty eh! :) *arti* Lam mo na maselan... Baka mabasa ang 'maselang bahaghari' lol. Hirap nun pag inatake ng germs :) *ang kati?*
3. Sya nga pala, wala na akong ibang kaharap at kausap kundi ang monitor. Nabubulag na nga ako eh kakatitig sa kanya.
1. Isang linggo talaga kaming nawalan ng pasok dahil sa bagyo. Kahit di na ganun kalakas ang ulan, napakatagal namang humupa ng baha. Nag-enjoy sa pagtambay.
2. Kung alam ko lang na 1 week mawawalan ng pasok, umalis muna sana ako sa lugar namin. Stranded. Di makalabas ng bahay. Ayoko rin lumusong sa baha, dirty eh! :) *arti* Lam mo na maselan... Baka mabasa ang 'maselang bahaghari' lol. Hirap nun pag inatake ng germs :) *ang kati?*
3. Sya nga pala, wala na akong ibang kaharap at kausap kundi ang monitor. Nabubulag na nga ako eh kakatitig sa kanya.
x-o-x-o-x
Dear Charot,
Di ko naman sinasadyang masaksihan ang isang eksena kanina... Malay ko ba? Isa lamang akong tulala na nilalang kanina sa bintana dahil pinagmamasadan ko ang baha... sosyal nga eh, umaagos na ang baha ngayon, may waves at kuryente pa:)
Nakita ko ang neighbor naming lasengga with her julalay friend, nag-aaway sila ng kanyang boyfriend at ganito nga ang nangyari....
-tingininginingning- *sound effect yan*
EKSENA
-jep buendia-
(ang tubig baha ay lampas tuhod)
Mga Tauhan: *di tunay na mga pangalan*
Elsa - ang lasenggang brokenhearted
Beth - ang kaibigan ng brokenhearted
Ron - ang manloloko
"Walanghiya ka! Kapal ng mukha mo... Sige ano pa bang panloloko ang ginawa mo?!" Ang taray lang ng linya ni Elsa, kaya yung pagkakatulala ko sa bintana ay nagambala. Na-excite ako eh :) feeling ko may 'shooting', pang-teleserye ang level. Kaya dun ko tinuon ang aking priceless attention...
Basa na sila ng tubig baha, pero tuloy pa rin ang eksena... Tinulak-tulak ni Elsa si Ron, kasi nga gusto niyang paaminin yun sa mga kasalanang ginawa niya habang sila pa. Alalay lang sa trip ni Elsa si Beth, si Ron naman super sorry sa kanyang sin...
Beth: Tama na Elsa, umuwi na tayo, lasing ka eh...
Elsa: Bitiwan mo nga ako, hayop tong lalaking to eh! *sige pa rin ang pagtulak at pananapok niya kay Ron*
Ron: Sorry na... ano ba? *sinasalag ang mga palo ni Elsa*
Tumagal ng ilang segundo ang ganung eksena nang biglang...
Elsa: Umalis ka nga sa harapan ko!!! *habang dinuduro si Ron*
Umatras naman talaga si Ron kasi nga masakit na ring salagin ang mga palo niya... Yun nga lang pag-atras niya saktong pasugod si Elsa, eh lasing ang bruha, kaya pag-move forward niya ay wala siyang napalo... nawalan siya ng balanse at...
Boom! LUBLOB ang lola mo sa baha:) *super tawa talaga ako*
Pero wag ka... bumangon "wet look" haha :)
Syempre pahiya ng konti. Bumangon talaga siya... yung tipong parang nagmula sa lupa haha :) PLAKDA kasi yung pagkakasubsob niya eh. Da best talaga kung nasaksihan nyo lang.
Ang ending, kahit nalublob si Elsa sa nangingitim na tubig baha mega sugod pa rin siya kay Ron *makaganti lang*. Dun na natapos ang pag-oobserve ko, kuntento na ako dun.
Siya nga pala, yung kaibigan niyang si Beth, mega-tawa lang din nung malublob si Elsa sa dirty water... walang ginawa. Tsk'
Mahirap talaga pag brokenhearted... naluLUBLOB sa baha.
x-o-x-o-x
Pagsusuri: Ibigay ang iyong opinyon sa mga sumusunod:
1. Masama na ba ako dahil tumawa ako sa nasaksihan ko?
2. Anong payo ang maibibigay mo kay Elsa?
3. Mabuti ba talagang kaibigan si Beth? O epal lang siya sa eksena?
4. Kung ikaw si Beth anong gagawin mo?
una sa lahat humagalpak talaga ako ng tawa dito bwahahahaha!
TumugonBurahin1. mas masaya sana kung nakunan mo ng video sigurado ako magiging youtube sensation si Elsa
2. sa susunod magdala ng goggles!
3. hindi kumpleto ang eksena kung wala si Beth
4. mahirap pigilin ang tawa lalo na sa mga ganong eksena..
ako rin super tawa sa eksena :)
Burahinhello ser! salamat at nagustuhan mo ang aking TUGON. hehe! wala ba kong plus 5 diyan or kahit ipagmalaki mo man lang ako sa klase? haha! *teacher's pet*
TumugonBurahin- di ko mapigilang maisip ang nagagawa ng pag ibig sa tao... pati na din ang alak.
1.hindi masama ang pagtugon sa nasaksikan. nag respond ka lang sa stimuli. nakakita ka ng nakakatawa kaya tumawa ka matakot ka kung iba ang naging reaksyon mo dahil iba na yun.. ang masama eh kapag pinagtawanan mo siya. iba ang natawa sa pinagtawanan.. gets? hehe.
2.Tumingin ka sa paligid mo Elsa. mas marami pang bagay ang dapat problemahin kesa sa panloloko ng jowa mo sayo. kasalanan mo din nagpaloko ka. gaya nga ng sabi nila walang maloloko kung walang magpapaloko. no one can make you feel inferior without your consent. masabi lang. hahaha! at wag din magpapakalasing pag baha ok? nakakaloka ka Beth! ipa face to face mo na lang yan kay tyang Amy. wahahahaha!
3.Kung ako ang nasa lagay ni Beth? malamang hindi ko din mapipigil si Elsa dahil sa tindi ng galit na nararamdaman niya kaya hindi siya masama di rin siya mabuti. wala lang. support lang. at least meron
4.nasagot ko na sa number 3 eh.. ganun din siguro eh di ko naman talaga mapipigil si Elsa eh at di ko rin mapipigil tumawa pag nakita ko siyang nalublob sa baha at bumangon na parang halimaw sa putik. hahaha!
okay sa akin ang iyong TUGON... dahil dyan tatatakan kita ng isang malaking star sa noo :) joke :)
Burahin1. get it! get it! :) iba nga ang natawa sa pinagtawanan.
4. halimaw talaga? :) hahaha :)
1. Hindi ka masama, gumawa sila ng eksena kaya dapat may audience, haha.
TumugonBurahin2. Wag mag-iinom at makikipag-away sa baha!
3. Epal lang, pinagtawanan pa yung kaibigan nya, wahaha, true friend siya, char!
4. Ahmm.. pagtatawanan ko din siya at iiwan kunwari di ko kilala
Siguro kung nakita ko yun, tatawa rin ako ng tatawa.. pero hindi rin ako lulusong sa baha, kaderder eh..
1. agree :) audience impact lang talaga ako dun :)
Burahin4. yan talaga ang true friend... nang-iiwan hahaha :)
tama... ok lang makulong sa bahay, wag lang lumusong sa baha.
1. You're just the type of person who see the glass half full. Masyado kang optimistic kaya kahit todo sa drama eh tawa ka pa rin. Pasalamat ka at hindi ikaw ang nasa trip ni Elsa.
TumugonBurahin2.Sa susunod, wag magpakatanga na susugod ng lasing. Remember, revenge is best served cold. Kaya ayun, siya ang napalublob sa tubig baha. Dapat dumating siya na sober para may focus at energy siya na ilublob sa tubig baha ang lalaking-may-titing-gala. But then, nagpakatanga na rin siya magmula nang sinagot niya ang bastardo. So my advice is, wag kang pumulot ng basurang lalaki mula sa baha. Dami pa rin diyang matitino.
3. In this case, epalepsy is required. Hindi natin alam baka kung anong mangyari kay Elsa. In case na napatay niya yung gago, at least there's somebody who will help her to hide the body. yes, always have your best friend beside you in times like this.
4.gagatungan ko pa! At i-pressure ang gago!
1. normal pa rin pala ako :) optimistic lang ang lagay ko :)
Burahin3. i learned something new: "epalepsy"
4. :)
1. Yes, pero dahil nakakatawa talaga yung nangyari, no na lang. Hahaha :)
TumugonBurahin2. Kung ako sa kanya, hindi na lang ako maglalasing, dahil wala itong naidudulot na mabuti sa kalusugan. :D
3. Para sa akin. yes (oo). Dahil pinipigilan niya si Elsa na makipagaway. Pero dahil natawa din siya sa nangyari, yes pa rin. Dahil nakakatawa naman talaga ung nangyari. hehehe :P
4. Ganun din. Kung ano ung ginawa niya sa kwento, ganun din gagawin ko. :)
7 Saturday classes na naghihintay satin Sir! -.-
1. buti naman pumanig ka sa akin, kung hindi... hahaha :)
Burahin2. check!
4. haha, tatawa ka na lang din :) ako rin ganun :)
saturday class? ano yun? bago yun ah... *state of denial*
bwahahaha, mala-teleseryeng tagpo ang nasaksihan mo! Kabog ang eksena sa telebisyon
TumugonBurahintama :) best in cinematography and special effects :)
Burahin1.hindi nmn
TumugonBurahin2.wag maging tanga,haha ang alak nakaklaki lng ng tyan di nkakasolve ng rob
3.oo nmn basta nandyan ka sa tani ng kaibigan mo khit wa ka magawa oks naun
4.tatampalin ko si elsa ng magising haha
dapat kaw na lang talaga si beth, nang matampal mo ng lubos si elsa :)
Burahin1. Hindi, karaniwan na sa atin ang matawa kahit na may nadapa, nasubsob, o natapilok.
TumugonBurahin2. Elsa, kausapin mo ang iyong sing irog kung hindi ka lasing para magkaintindihan kayo.
3. Si Beth ay saling pusa, kung baga, extra sa eksena.
4. Ron, halika na, hindi natin siya kilala.
1. agree :)
Burahin4. haha panalo to :)