Ano ang uunahin mo: Pamilya o Trabaho?



"Tutuloy ka pa rin ba sa trabaho? May sakit pa rin si Jake, di mo ba ako matutulungan sa pagbabantay?"

Yan lang ang hirap sa trabaho ko. Gusto ko man samahan ang aking asawa, wala akong magagawa. Ako ang sasalang para sa isang show mamayang gabi. Kailangan ko pa ring magpatawa kahit ang nararamdaman ko ay mabigat na.

"Pasensya ka na Gloria. Alam mo naman itong trabaho namin... Humanap na ako ng kapalit pero wala talaga... Bantayan mong mabuti si Jake. Babalik din ako agad."

Niyakap ko ng mahigpit ang aking asawa bago ako umalis. Yun lang ang magagawa ko sa ngayon, dahil kung di ako magtatrabho wala rin akong ipangpapagamot sa anak ko. Umaasa na lang ako na magiging ayos lang ang lahat, lalo na ang anak ko.

Tuloy pa rin ang pagpapakita ng ngiti sa kabila ng pighati. Tuloy pa rin ang pagpapasaya kahit kaybigat na ng nadarama. Buhay payaso nga naman... ikinukubli ang nararamdaman gamit ang mga pinta sa mukha.

Pagkatapos ng pagpapalabas, dali-dali akong nagpunta sa likod ng stage para mag-ayos ng gamit para makabalik kaagad sa piling ng aking mag-ina nang biglang tumawag si Gloria na naginginig ang tinig...

"Da... si Jake... kinumbulsyon na naman kanina..."

"Oh anu na ang nangyari Gloria? Ok na ba si Jake? Pabalik na ako d'yan!"

"... hindi na niya kinaya... wala na siya."

Parang tumigil bigla ang oras. Tanging pagtangis na lang ng aking asawa ang narinig ko sa kabilang linya... Napaupo na lang ako. Nanghina ang mga tuhod ko sa pagkabigla. Sabay ng pagbuhos ng ulan nung gabing 'yon ang aking mga luha.

Nang biglang may narinig akong boses mula sa aking likuran...

"Bakit po kayo umiiyak?"

Boses ng isang bata. Hindi ko na nilingon dahil alam kong isa lang siya dun sa mga batang nasa party na nakapanuod ng aking palabas. Pero hindi ko malaman, sinagot ko pa rin siya...

"Umiiyak ako kasi... hindi ko na muling makikita yung anak ko... kasing edad mo rin siya marahil..."

"Tahan na pa..."

"Jake!"

Paglingon ko'y wala akong nakitang bata... pero nasisiguro kong nasa likod ko lamang siya kanina... Tumingin akong mabuti sa paligid, ngunit ako lamang ang narito. Ang boses na yun... yun ang tinig ng anak ko...

Sabay ng pag-agos ng aking luha ay ang pagkabura ng pinta sa aking mukha. Kahit anu pang pagtangis ang aking gawin, di ko na muli s'yang maibabalik...


"Payaso"
-jep buendia

x-o-x-o-x

1. Naalala ko lang yung kwento ni Pokwang kaya naisulat ko ang kwentong ito.

2. Ang mga tao talaga sa amin, ang sunday ay official "videoke day". Palakasan ang laban? At kailangan sabay sabay? Grabe ang sakit sa tenga, kakabingi. Libre konsyerto dito. Nakalimutan ata nila na may mga kapitbahay din sila.

3. Malapit nang bumalik ang buhay ko sa dati may pasok na sa miyerkules! Makakausad na rin ang buhay ko :) Thank you Lord haha :)

4. Ikaw? Anu ang sunday sa inyong komunidad? *tagalog talaga*

Mga Komento

  1. nalungkot ako sa story :(
    kung kapitbahay mo ko isa ako sa mga bumibirit..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pasensya na kung nalungkot ka, si Pokwang kasi eh pinaalala sa kin yung kwento niya...
      siguro pag nandito ka, kaw na ang bestfriend ng mga mahilig bumirit dito :)

      Burahin
  2. Kinilabutan ako sa story-malungkot na kakatakot(duwag talaga ko, hehe)

    Maingay din samen pag Sunday, pabonggahan ng patugtog ng mga old songs, haha..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ganyan din dito sa umaga, old songs ang bida tuwing sunday :)

      Burahin
  3. 1. Short and sweet. Nice story. Bakit hindi ka na mag try magsulat ng isang screenplay? Ikaw na siguro ang makakasulat ng susunod na teleserye na kababaliwan ng buong bansa.

    2. Kailangan mag ensayo ng mga lalaugan dahil kapag dumating ang panahon na hahamunin tayo ng China, lalaban tayo using our vocal chords. With one voice and once song, bibirit tayong lahat para mabingi ang 1 billion chinese. Magkakagulo sa China. The Philippine army will enter the country. China will be our colony. Kaya sige, tiisin mo na, o di kaya, maki join ka na rin.

    3. All play and no work, makes a broke boy. Kaya sige, todo sa trabaho na ito to the highest level!

    4. Ang Linggo sa aming pamayanan? Nagsisimula ang umaga namin sa church. Sa tanghali, ang buong pamayanan ay nagsasalu-salo ng pagkain sa canteen ng sambahan. Sa hapon, halos magkakasama pa rin sa mga practice, bible studies, at since summer ngayon dito, nasa galaan, picnic o sa dagat ang puntahan.

    Ako, matapos ako sumamba, derecho na agad ako sa trabaho. nagrereklamo nga ako minsan sa boss ko. Sabi ko sa kanya kung ang Diyos nga nagpahinga ng Linggo, ako pa kayang simpleng tao lang!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. wow :) gusto ko yang ideya mo ah :) hayaan mo kung sakaling humusay pa ako sa pagsusulat malay mo makagawa rin *ambisyoso lang* pang-hobby level lang kasi ako eh :)

      2. hahaha, dinaan sa kantahan ang laban?

      3. korek! nakakainis din pag walang work, feeling stagnant lang...

      4. napaka-productive naman ng iyong sunday :) sana ako din'

      Burahin
  4. 1. Aww.. Ka-sad naman po nung story.
    2. Sana sumali ka na lang po sa kantahan Sir. :P
    3. AT LAST! May pasok na din! Hahahaha :) kita kits Sir! :)
    4. Borrrring. Pagkatapos magsimba nung umaga, ayun, nahiga sa kama the whole day. Tinry ko lang naman tapusin ung 193 songs dito sa cellphone ko, kaso aabutin ata ako ng kinabukasan. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. yap, ka-sad nga, dahil di talaga lahat ay hapi ending'
      2. gusto ko man sumali, kaso baka madiscover ako, ayoko maging celebrity haha :) *kapal lang di ba?*
      3. naku, may pasok na naman, kilala nyo pa ba ako? lol :)
      4. nagtangka ka pa ng world record ah, 193 songs? 'lang tigil? :)

      Burahin
  5. ajajajajaja parang probinsya lang bongacious yung videoke .. gnyan in sa amin para malmn nila na may bagong sound sytem sila o kaya componenet at mic heheheh

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ah ganun ba ang purpose nun, eh matagal na naming alam na basag ang sound system nila pero go pa din haha :) tsk'

      Burahin
  6. ang lungkot naman po.. nakakaiyak... ramdam ko ang sadness sa story :'C

    TumugonBurahin
  7. Nakaka-relate naman ako sa istorya ng payaso. Pag malayo ka talaga sa pamilya, iiyak mo na lang. Minsan nga, nakita ko na yung lolo ko sa tabi ng kama ko at umiiyak eh matagal na siyang namatay. Mayroon pala siyang mensahe.

    Tahimik ako dito. Sunday is best spent at home, cleaning the house and then taking care of my garden. Minsan lang akong mamasyal, wa kasi katropa. Nalungkot na naman, hay!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kakilabot, nakita mo ang iyong lolo'

      napaka payapa naman ng iyong sunday, alam kong meron ka ding katropa makakasama mo rin sila :)

      Burahin
    2. Oo naman, pagkatapos ng ilang araw, nabalitaan ko na lang na namatay ang tito ko. (which is another story na nakakakilabot)

      Burahin
    3. at talagang nagpapakita sila sayo ganun?

      Burahin
  8. Naku po.. mahirap nga yan.. :(

    TumugonBurahin
  9. kakilabot ung story kaka lungkot din

    TumugonBurahin
  10. bakit niremove mo ung comment sa post k? lol

    TumugonBurahin
  11. First sentence pa lang, I had a feeling it was fiction. hehe. Nice one. Nakakasawa din ang puro bakasyon. Balik busy mode ulit. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento