Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na shorTULA

"Naramdaman mo na rin ba ang ganitong klaseng eksena?"

Ika-04 ng Marso, 2015 Miyerkules, 7:55 ng gabi             Isang umaga na gumising ka,             Buhay mo bigla na lang naging parang pelikula.             Naramdaman mo na rin ba             Ang ganitong klaseng eksena?             Parang may ‘narration’ pa nga pagmulat ng iyong mata,             Ang nakakatawa boses mo pa,             Syempre meron ding background na musika.             Di man nila naririnig,             Ang pakiramdam na ito’y nananaig. ...

Puno ng dalamhati ang araw na ito. #SAF44

Ika-29 ng Enero, 2015 Huwebes, 7:52 ng gabi             Ang paniniwala             At pananampalataya             Ay hindi basehan             Para pumatay ng kapwa.             Ang pagkitil ng buhay             Ay hindi isang patunay             Ng paniniwala             At pananampalataya. x-o-x-o-x             Nakalulungkot naman ang nangyari sa Mamasapano.             Nakaka- disappoint na hindi man...

ALAALA

Ika-15 ng Enero, 2015 Huwebes, 3:48 ng hapon             Lumilipas ang mga alaala.             Naglalaho. Nabubura. Tulad ng isang ideya, Habang tumatagal Ay di na maipipinta. Mayroon din naman Mga alaalang di kumukupas. Nagtatagal. Di napapagal. Tulad ng sa pag-ibig, Malambing na tinig. Walang wakas na himig.             Dumaan man ang panahon Isip man ay makalimot, May mga alaalang sa puso'y Nanunuot.             “Alaala”             ( Ang inspirasyon sa pagsulat ay mula sa blogpost na “RIP Tatay Herb” ni Hi! I’m Lili! )

BANGAG

Ika-13 ng Setyembre, 2014 Sabado, 4:49 ng hapon             Tumitig sa dingding…             Parang praning.             Walang magawa…             Bukas kawawa.             Mag-iisip…             Mawawala sa isang ihip.             Gawa…             Ngawa.             Bukas may araw…             May kanin na bahaw.             Isasangag…   ...

DARK ROOM

DARK ROOM Animo’y larawang nakabitin, Ang pagmamahalan natin. Sa mga tagpong nakuhanan, Nakakubli ang nararamdaman. Mabuti pa ang mga larawan, Pagkatapos sa dilim ay masisilayan. Di tulad ng ating damdamin, Nagtatago’t namamalagi sa dilim. x-o-x-o-x #shorTULA

Kalam ng Kaluluwa

KALAM NG KALULUWA Patuloy kang gumuhit, Ng mga larawang kaakit-akit. Buong puso mong isulat, Mga kwentong nakapagpapamulat. Wag kang tumigil na lumilok, Ng mga pigurang mapanubok. Malinaw mong ipinta, Ang nakikita ng iyong mga mata. Iparinig mo ang iyong awit, Hanggang ito’y kanilang masambit. Buong lakas kang umindak, Di lamang para sa mga palakpak. Gawin mo ang iyong nais, Magpunyagi at magtiis. Walang hindi magagawa, Sa kumakalam mong kaluluwa. x-o-x-o-x #shorTULA #SigawNgKaluluwa

Panahon at Damdamin

PANAHON AT DAMDAMIN Nauubos din ba ang damdamin, tulad ng mga dahong tinatangay ng hangin? Damdamin ba’y di nagwawakas, kahit pa panahon na ng taglagas? Bumabalik din ba ang naranasang pait, dulot ng mga tagpong sinapit? Damdaming patuloy kang hinahabol, Kahit pa panahon na ng tagsibol. O baka naman puso mo’y nanlalamig at di na kaya pang umibig? Mga alaalang hindi mawaglit,  Animo’y nyebeng bumabagsak buhat sa langit. Tulad ng isang unos, Damdamin bigla na lang bumubuhos. Matatapos din ang mauulang araw, Bahaghari ay iyo ring matatanaw. x-o-x-o-x #shorTULA #TulalangTumutula

MEDALYA

MEDALYA Wala sa laki o ningning, Upang masabing ika’y magaling. Hindi sa bilang o dami, Para masabing ika’y mabuti. Tayo’y higit pa sa ‘ting medalya, ‘Wag magpadala sa sinasabi ng iba. Mabuhay ka bilang IKAW, Magtatagumpay ka balang araw. x-o-x-o-x About the photo…             Ang nasa larawan ay personal kong mga medalya nung ako’y nag-aaral pa. Kaunti lang naman dahil di naman ako katalinuhan… aral-aralan lang kumbaga lols . Wala pa yan sa mga halimaw kong kaklase, pati na rin sa mga nag- evolve na ‘ mamaw ’ na mga estudyanteng nasasaksihan ko ngayon hehehe . Ang Kwento…             Bilang ang aking #shorTULA ay tungkol sa medalya, hinalungkat ko ang mga iyan sa ‘ baul ’, inayos ng ganyan at ‘ piniktyuran ’.             Marso na kaya uso na naman ang pag-ani ng ...

SUNSET

SUNSET Bawat paglubog ng araw, Paulit-ulit aking pagpanaw. Liwanag na nawaglit, Ibinabalik na pilit. Sa mapupulang langit, Laging may sinasambit. Isa lamang ang hiling, Ikaw ay makapiling. x-o-x-o-x #shorTULA #GawaNaLangNgTula #LaloNaKungBadtripKa

Apat na shorTULA, sa Klasrum Nagmula

TROPHY Paghihirap ay di mababalewala, Makakamit din ang gantimpala. Huwag sumuko sa laban, Pag-asa'y laging nariyan. Walang kasing taas at kintab, Tagumpay na umaalab. Nasa amin na ang 'trophy,' Inangkin namin ang 'victory!' _ _ _ _ _ _ _ NAT (Test Booklet) Mga tanong na makukuNAT, Pilit na inuungkat. Lahat ay pasasagutan, 'One to sawa,' walang ayawan. Tunay na kaalaman, Mayroon ba talagang sukatan? Kung ma-'perfect' namin ang NAT, Kami ba'y magiging ANGAT? _ _ _ _ _ _ _ LAPIS Lapis na matulis, Mukhang kanais-nais. Animo'y bago, Walang naidulot na pagbabago. Lapis na pudpod, Niluma ng ubod. Tunay na ginamit, maraming nakamit. _ _ _ _ _ _ _ ANSWER SHEET Apat na letra, A, B, C at D ang makikita. Itiman ang napili, Tama man o mali. Buhay ay naglaan, Ng mas maraming pagpipilian. Malaya kang pumili, 'badtrip...

PANGUNGULILA

PANGUNGULILA Paano ko kamumuhian, Itong tanawing lagi nating pinagmamasdan. Na siya rin pa lang babawi, Sa pagmamahal na kaytagal kong minithi. Paano ko malilimutan, Matagal nating pinagsamahan. Kailanma’y di ka na maibabalik, Kahit pa sa dagat ako’y humalik. x-o-x-o-x Ang larawan ay mula sa  "The Many Faces of Love: Yahoo's Picture of the Day" . Ang larawan ay kuha ni  Donnie Tzaneva . x-o-x-o-x #shorTULA #EmotePaRinSaPebrero

MALAY MO...

MALAY MO Lunurin ang sarili, Sa mga bagay na makasarili. Malay mo bukas, Kalungkutan mo’y magwawakas. Ngunit ‘wag mong hayaan, Na sarili’y pabayaan. Malay mo bukas, Kalungkutan mo’y di na mababakas. x-o-x-o-x #shorTULA #EmoteKasiPebreroNa

BALAKUBAK

BALAKUBAK Tulad mo’y isang balakubak, Na hindi ko mabakbak. Kaydikit sa anit, Di maialis sa isip. Balakubak ay panandalian, Ikaw nama’y walang hanggan. Maglaho man ang balakubak sa anit, Sa puso at isip ko’y di ka mawawaglit. x-o-x-o-x P.S .             Hindi ko alam kung bakit binabalakubak na naman ako. Di naman ako ganun ka- stress , normal lang ang stress level na nararamdaman ko (according to myself haha) . O baka naman dehydrated lang ako, lagi kasing kape at softdrinks ang iniinom ko. O baka sa shampoo naming Palmolive (haha kontra-promotion pa) o baka ‘uso’ lang ang ‘dandruff’ ngayon, so naki-uso na ako lols …     x-o-x-o-x Tanong:               Alin sa mga shampoo na ito ang mabisa laban sa ‘ balakubak ’?  (as recommended by my co-dandruff-victims) A. Head and Shoulders Smooth and Silky B. Head and Shoulders...

BOLPEN

BOLPEN Bawat taong nakasalamuha ko, ay kahalintulad ng isa sa mga bolpen ko. May MANIPIS at MAKAPAL, meron ding MURA at MAHAL. May kani-kaniyang KULAY at TATAK, Sariling tingkad at gayak. Malabo man o hindi ang TINTA, Lahat ay mag-iiwan pa rin ng MARKA. x-o-x-o-x #shorTULA #MyBallpensInMyBlackPencilCase #BakitPencilCaseAngTawagKungMayBallpenDinNaman