Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Short Story Raw Edition 2014

SAYUKI

SABURUKO (SERVING GIRLS) Pangunahing Tauhan: Sayuki (isang ‘saburuko’ na nabibilang sa mababang antas) Tagpo / Panahon: 7 th century sa bansang Japan kung saan nahahati sa dalawang antas ang mga saburuko . Ang mga nabibilang sa mataas na antas (may mas pinag-aralan) ay nagsisilbi sa mga high-class o aristocratic na mga pagtitipon, samantalang ang mga nabibilang naman sa mababang antas ay nagsisilbi kapalit ng pita ng laman. Eksena / Oras: Ito ay maikli lamang, walang mga dayalogo na manggagaling mula sa karakter, tanging mga paglalarawan. Isang maulang gabi.             Lumuluha man ang langit, banayad pa ring pumapatak ang tubig. Natatakpan ng maiitim na ulap ang buwan na dulot ay madilim na kapaligiran… nakikiisa sa kanyang nararamdaman.             Di malinaw kay Sayuki ang kanyang gagawin. Alam niyang sa pagpasok niya sa silid na ito,...

May Hihigit pa ba sa Pag-ibig?

Tagpo / Oras: Sa isang maliit na silid. Hapon. Eksena: Excited si Elsa na iakyat ang kanyang mga pasalubong kay Itok.             Pagkabukas ng pintuan, dali-daling lalakad si Elsa (habang bitbit ang mga ipinamili)  tungo sa isang maliit na lamesa katabi ng higaan ni Itok. Medyo madilim ang silid, bagamat nakatabing ang kurtina sa bintana, may sapat pa ring liwanag na tumatagos mula rito.             “Oh Itok!... May dala ulit ako sayong mga pasalubong. Binili ko yung mga gusto mo!” pagmamalaki ni Elsa. Isa-isa niyang inilabas sa supot ang mga ipinamiling kakanin. Nais sana niya itong ayusin sa lamesang katabi ng higaan ni Itok, ngunit napupuno pa rin ito ng nakaraan pang mga binili niyang pagkain.             “Nakakatampo ka naman!... Ang dami ko na ngang binili sa’yo, hindi mo pa rin kinaka...