Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na daily life

Hulyo - Agosto 2020

  11:04 PM   7/21/2020   Na-miss ko na yung magpunta ng probinsya, sa Bicol. Yung sumakay ng bus palayo sa lungsod, sa ingay. Yung makarinig ng ibang salita. Yung makaamoy ng sariwang hangin, amoy dahon hindi polusyon. Yung tahimik na ang paligid kahit alas-siyete pa lang ng gabi. Yung madinig pati na mga kuliglig.   11:08 PM   7/21/2020   Na-miss kong manuod ng MTV Diyes, at saka MYX Daily Top 10.     12:21 AM   7/22/2020   Music na lang ang nagpapaalala sa akin na - okay lang yan, isang side lang yan ng buhay.     12:06 PM   7/22/2020   Pinag-work mode ko muna lahat ng Sims ko, hindi lang sila ang may tasks ano. ‘Wag nila akong kulitin.     12:13 PM   7/22/2020   Wala na pala yung contact lens ko. Mula noong nag-quarantine (nang mawalan ng pasok) hindi ko na nagamit yung contact lens ko. Nitong nakaraan, mag-contact lens sana ako, paglinis ko bigla na lan...

anyare June?

  11:02 AM   6/1/2020   Yung ate ko (yung pangatlo) eh may YouTube channel na. Una, mag-subscribed daw kami; tapus nag-send siya sa amin ng link ng una niyang vlog, panuorin ko raw para dumami ang views. Subscribe kayo, hahaha.   ‘Pag ako nagka-YouTube channel...     11:58 AM   6/1/2020   Unang vlog ni ate - paano gawing healthy ang instant noodles.   Ako blogging; si ate vlogging.     2:19 PM   6/1/2020   Inakyatan ulit ako ni ate (panganay) ng pagkain sa kwarto ko; nagulat siya kasi hindi niya alam na nasa zoom meeting ako buti na lang naka-turned off ang cam. Yehey, may merienda!     6:08 PM   6/1/2020   Zoom meeting. Bakit kung kelan ako nagpulbos at nagsuklay (for the first time) eh saka naman hindi kinailangan na mag-video? Bakit noong ‘di ako nagsuklay at/o nagpulbos saka naman nagpa-video?     11:07 AM   6/3/2020   Bago a...

anyare May?

  • 12:50 PM   5/2/2020 Bakit ba nakaka-anxious ang maghintay? Naghihintay lang naman ako ng alas tres para sa isang webinar… Nga pala, meron na akong ‘official morning song’ na pakikinggan para sa buong buwan ng Mayo – ang ‘Kalachuchi’ ng bandang MuniMuni. Nakakakalma, at saka nakakaaliw yung music video. Sa totoo lang, ‘di ko ito napakinggan araw-araw. Naging consistent lang ako siguro nang mahigit isang linggo. Natuturete na kasi yung utak ko kakapakinig sa kanta, yung kahit tapus na eh feeling ko nasa isip ko pa rin ito. Sa madaling sabi, tinigilan ko. (6:54 PM   5/31/2020)   • 9:43 AM   5/21/2020 Ngayong araw na lang ulit ako nakakain ng almusal. Nang magsimula ang quarantine, dalawang beses lang ako kumakain – brunch at saka dinner. At yung brunch ko pa kung minsan eh mga ala-una o alas-dos na ng hapon, yung dinner laging alas-syete ng gabi. Parang ‘di na ako sanay mag-almusal. ‘Di na ako sanay na mabusog nang ganitong oras (umaga). Ang big...

anyare april?

  • 7:07 PM  4/4/2020 Ilan sa binili ko kanina sa grocery ay nail file, nail cutter, at saka cuticle remover. Natuwa lang ako kasi medyo may kalawang na yung nail file na kasama ng nail cutter kong luma, eh dahil sa may nakita akong nail file, binili ko na. Bumili rin pala ako ng kojic soap! Nagkakaubusan ng kojic soap kanina. Bakit ba kahit alam kong ‘di naman talaga ako puputi eh nagpapadala pa rin ako sa whitening soap na ito? Naka-imprint na ata sa isang sulok ng utak ko ang colonial mentality na magkaroon ng maputing balat kahit alam kong kayumanggi at kuntento naman na ako sa kulay ko.   • 4:44 PM  4/6/2020 Nakikinig ako ng podcast tungkol sa procrastination. Pinabagal ko ang bilis sa 0.75 para mas maintindihan ko kasi ingles eh, at saka may ginagawa kasi ako (SF 10) habang nakikinig. Hanggang sa napagtanto ko na hindi madaling mag-encode habang iniintindi yung pinapakinggan kong podcast, (lalo pa’t ingles, kailangan ng focus).      ...

ikaapat

  • 5:46 PM   4/19/2020   Pasado alas-tres kaninang hapon ay ang pang-apat na paglabas ko sa panahon na ito ng ECQ. Nagpunta kami ni ate sa Ever Supermarket para mamili (kung meron mang mabibili pa roon). Naglakad lang kami dahil wala namang masasakyang trike. Okay na rin, exercise! Ganun pa rin ang ambiance ng paligid – ang gloomy. May mga kakaunting tao pa rin naman sa labas pero lahat ng mga tao sa paligid ay literal na dumaraan lang; wala masyadong ganap. Doon kami dumaan ni ate sa shortcut sa may 'waterlily-han', tapus may naabutan kaming mga bata na nagpapalipad ng saranggola sa makitid na daanan na napalilibutan ng tubig at ng mga waterlily. Pagdaan namin, pinagsabihan ni ate ang mga bata na mag-social distancing, at akala ko ‘di siya papansinin, akala ko baka sumagot nang pabalang ang mga batang lalaki (like who the hell are you? ganern) kasi ‘di naman namin sila kilala; pero nagulat ako kasi sumunod sila kay ate, sinabihan nila ang isa't isa na dumista...

anyare march?

•   4:41 PM   3/17/2020 Nagtsi-check pa rin ako ng mga papel kahit mukha na akong tanga. Kasi ako lang yung busy-busyhan sa bahay. Di ba, bahay ‘to? Dapat relax mode lang eh. •   12:55 PM   3/18/2020 Hanggang sa tagpong ito ay nagtsi-check pa rin ako ng mga papel, pero konti na lang (ang pasensya ko). Habang gumagawa, nakikinig na lang ako ng mga music videos; yung mga na-download ko dati pa. •   1:09 PM   3/18/2020 Kung tutuusin, pwede ko naman checkan-keme na lang itong mga papel; but my annoying-ideal self would tell me – hoy nung student ka, gusto mo di ba tsine-checkan nang maayos yung mga gawa mo – tapus magpapauto naman ako. •   3:04 PM   3/18/2020 Medyo naiirita na ako sa ibang papel na tsine-checkan ko. Saan ka ba nakakita ng numero na dalawa ang decimal point? Ang sagot ng bagets ay 380.38.75 Joule. Anong basa mo dyan gurl? Halatang kopya, mali pa. Kaya gusto ko talaga na ako yung nagtsi-check eh, ...