Mga Pahina

Lunes, Hunyo 26, 2017

“What makes a good life?”


                “What makes a good life?”

                Ayon kay Robert Waldinger, ang ika-apat na director ng 75-year old study tungkol sa adult development, hindi lamang wealth, fame o achievement ang nagbibigay sa atin ng kaligayahan o satisfaction sa buhay; bukod dito, ang pinakamahalaga nilang natuklasan mula sa kanilang pag-aaral ay ang pagkakaroon ng “good relationships” sa pamilya, mga kaibigan at komunidad. Dagdag pa niya, ang mga taong malapit sa kanilang pamilya o mga kaibigan ay higit na masaya kaysa sa mga taong less socially connected; at hindi rin sa dami kundi sa “quality” ng relationships ang nakatutulong sa atin upang mapanatiling malusog ang ating pangangatawan at kaisipan. Sabi nga niya, sa pagtatapos ng kanyang talk – The good life is built on good relationships.

                Matapos kong mapanuod ang talk ni Robert Waldinger (noon pang buwan ng Enero), naisipan kong magtanong sa mga kaibigan ko sa fb (at random) kung ano ang tatlong bagay na pinakamahalaga  sa kanila sa taong ito 2017 (dahil nga kaka-new year pa lang noon). Na-curious lang ako sa kanilang isasagot, kung mangingibabaw din ba ang “relationships”, kahit pa parang hindi naman parallel yung tanong ko sa napanuod kong talk ni Robert Waldinger; pero di ba kung ano ang mahalaga sayo ay yun din ang kaligayahan mo sa buhay? Hindi ko alam kung konek lol, pero narito ang kanilang sagot:

                *At dahil nga napaka-random ng ginawa ko noon, di ko na naipagpaalam sa kanila na gagamitin ko ang kanilang  sagot sa blogpost na ito, kaya itago na lang natin sila sa mga codenames.

  •          Why so serious – health, money, cellphone.
  •          Naruto librarian – family, work, health.
  •          Travel buddy – people, travel, savings.
  •          Donya – relationship sa kapwa, time management, paglago ng pagkatao.
  •          The artist – career, family, love.
  •          DSWD – panahon, pera, relationships.
  •          Labanos – family, health, safety.
  •          Highschool friend – family, friends, work / career.
  •          Idol many license – health, relationship, wealth.
  •          From the Middle East – Diyos, pamilya, kalusugan.
  •          The very energetic & spontaneous – pamilya, pera, edukasyon.
  •          English man – gym equipment, new mcbook laptop, family.
  •          The German – family, lovelife, studies.
  •          Juris – family, career and investments, pay it forward acts.
  •          Airport – baby xia and husband, mama at papa, work.
  •          Novita & doraemon –health, family, career.
  •          K-pop fanatic – health, family, career.
  •          Metaphor – kalusugan, pamilya, kaibigan.
  •          Third world traveller – family, health, love for country.


Kung susumahin, sa 18 out of 19 makikita ang mga sagot na may kinalaman sa “relationships”. Kaya sa munting pa-survey na ito makikita na marahil ang sagot nga sa “What makes a good life?” ay ang pagkakaroon ng malapit na koneksyon sa ating pamilya, mga kaibigan at komunidad.

Kaya maraming salamat sa 19 na taong sumagot sa napaka-random at unexpected na tanong ko sa kanila noong araw na iyon! Yey!


x-o-x-o-x


P.S.

January, 2017

1. Dapat pala ay inayos ko ang tanong; hindi dapat ganuon ka-impulsive. Kaya siguro hindi sumagot ang iba dahil napaka-spontaneous nito (walang objective o paliwanag kung para saan ang tanong na iyon, kaya salamat talaga sa mga sumagot hahaha, sa tingin ko naman nakakuha ako ng napaka-raw answers dahil sa biglaan na paraan).

2. Nakakatuwa kasi bigla akong nagkaroon ng koneksyon sa mga taong matagal ko na rin hindi nakakasama o nakakausap. Yung kahit paano ay naka-chat ko sila sa fb kahit saglit lang.

3. Naging interesting ito para sa akin. Ang sarap sa feeling na magpa-survey nang walang kinalaman sa research sa school o pag-aaral; yung wala kang inaalalang pagpasa o deadline!



Sabado, Hunyo 24, 2017

When In Tawiran 02


Tawiran, Bulacan (2017 05 11 / Thu, 6:15 PM)

Tawiran, Bulacan (2017 05 11 / Thu, 6:16 PM)

Tawiran, Bulacan (2017 05 11 / Thu, 6:17 PM)


  • Ito ang ikalawang beses ng pag-bike ko sa may Tawiran, Bulacan.
  • Sayang, hindi ako nakapagtala.
  • Basta ang alam ko lang, masarap manuod ng sunset sa may tulay.


Lunes, Hunyo 19, 2017

Jasper 02: next time :)


                Homeroom (2017 06 16)

                Ang una ko talagang naisip gawin sa aming homeroom ay magpa-survey at humingi sa kanila ng opinyon tungkol sa paggamit ng red ballpen ng mga teachers sa pagtsi-check ng kanilang mga output. May article kasi akong nakita na nagbibigay ng suggestion na mas mainam daw ang paggamit ng green ballpen (pero actually di ko pa nababasa lol), narinig ko rin na ibinalita ito sa tv.

                Kung hindi man iyon, ang pangalawa kong naisip ay magkaroon kami ng isang group discussion sa isang bagay na maaari nilang pakinabangan; naisip kong pag-usapan namin ang isa sa mga video na meron sa The School of Life sa youtube. Halimbawa yung usapin sa paano ba maging mas confident, o kaya ay mapataas ang self-esteem o kahit na ano pang topic na may pakinabang sa kanila na hindi masyadong napag-uusapan o nabibigyan pansin sa mga regular na subjects na meron sila ngayon.

                Ngunit sakto naman na nagkaroon ako ng task sa scilab. Kailangan mailabas ang lahat ng gamit sa stock room dahil aayusin na iyon. Kaya kinailangan ko ang kanilang tulong para magawa ang task. Mabuti na lang at wala pa akong nabanggit tungkol sa gagawin namin sa homeroom kaya hindi naman ako nabigo sa kanila.

                Ang nakakatuwa pa, halos lahat talaga sila ay may naitulong at nagawa. Kahit pa paglilipat lang ng gamit ang task namin, sila na yung nag-volunteer na magpunas sa mga lamesa, mga bintana, walisan ang stockroom, pati na magdilig ng halaman. Sana ay lagi silang ganun, lalo na paniguradong hindi ito ang huling pagkakataon na kakailanganin ko ang tulong nila.

                Kaya sa susunod na homeroom na lang namin gagawin ang naisip ko.



Sabado, Hunyo 17, 2017

patayin at haluin :)


                Hindi ako mahilig manuod ng mga Korean teleserye (o K-drama series ba ang tawag dun?), kaya nga nagtataka ako kung bakit napakarami ang nahu-hook sa panunuod ng mga ganun. Manuod ng Korean movie pwede pa, dahil mahusay naman talaga sila gumawa ng pelikula, pero yung mga drama-teleserye-thingy… hindi talaga.

                Pero kanina, habang kumakain ako ng lucky me instant lomi with egg di ko sadyang napanuod ang The Legend of the Blue Sea sa channel 2 (nakabukas ang tv eh). Natawa ako sa ilang eksena, tulad ng may kakayahan pala yung lalaki dun na masagap sa isip nya ang kung ano mang naiisip ng babae, kahit kasi di literal na nagsasalita yung girl eh ang dami-dami naman nyang naiisip, tapus yung ibang eksena ganun din laughtrip!

Uso rin sa mga estudyante ngayon yung salitang “oppa”; oppa ng oppa; minsan kairita sarap “oppa”-kan ng mga bibig hahaha. Hindi pa naman siguro ganuon kasama ang sobrang pagkapanatiko ng mga kaibigan, kakilala, at pati na mga estudyante ko sa mga Korean… sa tingin ko hindi pa naman. Kahit na feeling ko parang virus ito na lumalaganap (parang yung The Flu lang). Yung nakikita ko na ang profile pic nila sa fb ay isang Korean guy, pati na sa wallpaper ng cellphone ay Korean pa rin, wala pa naman sigurong masama doon hahaha. Pero sana talaga wag naman tayo sobrang malunod sa kanila, kasi baka malusaw naman yung sa atin.

Nito ring nakaraan, habang nag-aalmusal, at syempre bukas ang tv, napanuod ko sa CNN Philippines (channel 9) ang tungkol sa iba’t ibang grupo na gumagamit ng ating mga indigenous na bamboo musical instruments. Sa isang bahagi ng palabas ay ininterbyu ang isang lalaki tungkol sa kanilang adhikain na mapalaganap, maipakilala at maipagamit lalo na ng mga estudyante ang ating sariling mga instrumento.

Naalala ko nung nakapagturo ako ng MAPEH (isang quarter lang), isa sa mga topics ay tungkol sa musical instruments ng Cordillera. Napakahirap ituro iyon dahil unang-una wala namang mga bamboo musical instruments na available kaya hanggang video na lang nauuwi ang pagtuturo ko noon ng Music. Tama ang sinabi ng lalaki, mahalaga na matutunan din ng mga estudyante kung paano ito gamitin, na meron talagang mga ganitong instruments na nag-eexist (hindi lang sa picture at video o makikita lamang sa mga bulubundukin). Ngunit dahil nga sa kakulangan ng kagamitan hindi nama-maximize ang pagkakataon na mapalalim pa ang pagkilala sa sarili nating kultura.

Na-imagine ko lang, what if bawat isa sa atin ay mayroong indigenous bamboo instrument, napaka-unique siguro at ang saya ng jamming! Sa ngayon, bamboo flute lang ang meron ako, nabili ko lang ng 50 pesos sa Sagada hahaha. At oo, di pa rin ako makatugtog ng kahit na ano gamit iyon, sintunado pa rin ang lumalabas na tunog, parang boses ko.

Nung miyerkules naman ng gabi, sa hindi ko mawari kung bakit, nanuod ako ng ilang mga fliptop battles sa youtube (pamilyar lang ako sa fliptop kasi ginagawa yan ng mga bata dito sa labas namin pero hindi ko alam na isa rin pala itong malaking subculture(?); ang mga napanuod ko ay ang laban nila badang vs zaito; loonie vs shehyee; at sinio vs shehyee. Ang masasabi ko lang (bilang first time ko silang napanuod) – magaling maghabi ng mga salita si Badang (kaso sayang nagka-kaso siya); laughtrip  na ka-battle si Zaito; iba ang mga suntok ng linya ni Loonie; si Shehyee naman sa tingin ko ay mas ok siya sa mainstream; at si Sinio magaling naman siya pero nung napanuod ko ang laban nila ni Shehyee saka ko lang naintindihan yung sinio-issue noon sa fb, eh hindi ko pa naman kilala noon kung sino si Sinio.

Ang pinaka-natutunan ko sa araw na ito ay kung paano maging creamy ang lucky me instant lomi at maging evenly distributed ang egg sa sabaw nito. Dapat pala nakapatay na ang apoy, tapus ilalagay mo na ang itlog sa sabaw, at hahaluin ng dahan dahan, hanggang makita na mala-hibla hibla na ito. Ganun pala yung teknik, now lang ako ng nagbasa ng instruction sa likod ng pakete. (So hindi pala dapat hinahalo agad ang itlog at sabay na pinakukuluan kasama ng noodles lol.)


2017 06 15



Miyerkules, Hunyo 14, 2017

When In Tawiran


Sunrise at Tawiran, Bulacan (2017 05 01 / Mon 6:05 AM)


                Sa Lanzones lang dapat ang overnight swimming ng grupo, pero napakaraming tao para sa isang maliit na resort. Nauwi sa Villa Elena kung saan huling nakapag-swimming na kumpleto ang barkada (taong 2013 pa).

                Naka-bike kami ni Olan, nag-jeep naman ang iba; sa daan ay napatigil ako sandali para kunan ang pagsikat ng araw sa may Tawiran.


2017 05 01



Martes, Hunyo 6, 2017

Jasper 01: "Sana naman amazing!"


                Wala ako masyadong ideya sa kung sinu-sino ang mga estudyante na kabilang sa advisory class ko ngayon taon (10 – Jasper); maliban na lang sa iilan na kilala ko na dahil naging estudyante ko sila noong grade 7. Kaya malinaw na dalawang beses kong silang matuturuan sa junior high.

                Naalala ko tuloy yung mga estudyante ko noon sa private school; ako na nga yung science teacher nila ng 3rd year, ako pa rin ng 4th year. May awkward feeling tulad ng paano ako ulit makapag-i-establish ng bagong routine eh nakasama ko na sila? May advantage rin kahit paano dahil alam ko na ang likaw ng kanilang bituka – mga kakulitan, kalokohan at attitude sa pag-aaral; gayunpaman, lagi namang may bagong discoveries.

                Ang nakaka-excite lang sa para sa ilang estudyante na kilala ko na sa advisory class ko ngayong school year ay yung makita kung gaano na ba sila nag-mature mula noong una kong silang naturuan noong grade 7. Physically, kitang-kita ang pagma-mature nila; yung mga dating hindi naman lumalampas sa balikat ko yung height, ngayon yung iba sa kanila halos mas matangkad pa sa akin; yung mga dating maliliit lang tignan sa klase, ngayon malalaking bulas na. Sana lang, nag-mature na rin ang kanilang attitude sa pag-aaral.

                Ito ang unang araw na nakita ko ang karamihan sa kanila. Una kong nakilala sila Edilbert, Bhenedick, John Mark, Erica at L J, sila kasi ang nakatulong ko sa pagbibigay ng mga libro. Ito na rin marahil ang unang tala ko tungkol sa kanila bilang adviser ng “Jasper”.

                Kaya good luck sa amin this school year! Sana naman amazing!


2017 06 01



Linggo, Hunyo 4, 2017

bike


                May mabuting dulot din ang mag-bike kahit pa isa o dalawang beses lang sa isang linggo. Dati ay hingal ko pang mararating ang tulay ng Tawiran at haggard na manunuod ng sunset; pero ngayon napansin ko na nakakuha na ako ng tyempo sa pagba-bike, hindi na ganun kahingal o kapagod. Natutunan ko na ring mag-adjust sa kalsada, pamilyar na kumbaga sa mga lubak at sa mga pababa o pataas na daan pati na sa mga tao at sasakyan, pinakamahirap sa bandang palengke ng Paco dahil doon laging maraming tao.

                Malalaman ko na maganda ang makikitang sunset sa tulay kapag narating ko na ang palaisdaan na may matataas na tulos ng kawayan; kapag doon pa lang ay halos humihiwa na sa mga siwang ng ulap ang liwanag ng araw, siguradong dramatic iyon pagdating sa tulay; o kaya naman ay kapag nakita kong namumula na ang langit ay magpi-pedal na ako ng mas mabilis maabot lang ang ganuong eksena sa tulay ng Tawiran.

                Marami rin akong nakakasabay na nagbibisikleta sa daan, pero hindi lahat ay papunta sa tulay. Iba’t ibang grupo rin ng tao ang naroon – may pamilya na nagpapalipas oras o nagpapahangin kasama ang kanilang mga chikiting; may mga lovers in tulay din; mga soloista tulad ko; at magbabarkada. Karaniwan lahat ng nagpupunta roon ay naka-bike rin, meron ding iilang mga nakamotor. Kahit pa nga mga pumapasadang jeep at ibang pang commuters ay binabagalan ang takbo kapag narating na nila ang tulay para lang mapagmasdan ang paglubog ng araw.

                Minsan napakaulap ng langit, minsan maaliwalas. Napakaganda panuorin ng sunset doon, mula kulay orange hanggang sa mamula-mulang langit, at saka naman unti-unting magdidilim.

                Camera phone lang ang gamit ko sa pagkuha ng larawan, minsan sayang yung ibang eksena, kasi hindi ko makunan ng maayos kahit pa naka-lowlight o night mode na ang setting ng camera; epektibo lang ito sa liwanag. Kaya nakaka-challenge rin kumuha ng larawan gamit ang kung ano lang na spec ng cellphone ko.

                Mas okay din sana kung merong handy cam na pang dslr na ang peg tulad nung nababasa ko sa blogger ng “I dreamed of this”, meron siyang review at mga shots nya gamit ang sony RX100 III at ricoh gr II. Ganda! Magkaroon lang ako ng isa dun keri na ang street photography!

                Madalas kong ayain ang grupo sa may tulay, lagi kong sinasabi sa aming group chat sa fb na kung sakali man na pupunta sila ay sa tulay na lang magkikita-kita… pero kahit isang beses, sa buong buwan ng Mayo na ang sipag kong mag-bike ay di ko sila nadatnan kahit isa man lang sa kanila hahaha. Well, busy rin kasi at may iba’t ibang ginagawa ang bawat isa. Bukod pa dun, hindi naman lahat sa amin ay marunong mag-bike (pero sa isip ko pwede namang mag-commute hahaha mahirap nga lang pauwi). Kaya kapag nagka-dslr cam ako, “who u” talaga sila akin hahaha (joke lang).

                Sa pasukan, di ko sigurado kung mapapadalas pa ba ang pagba-bike ko, pero salamat sa buwan ng Mayo, itong pagbibisikleta ang naging physical activity ko.


2017 05 31


Biyernes, Hunyo 2, 2017

na-break na ang sumpa :)


Nag-text si Sarah na magkikita-kita ang grupo para sa birthday ni Tina. Nag-reply agad ako sa kanya dahil matagal ko na rin silang di nakikita; pero nagduda ako kung matutuloy ang pagkikitang ito, kasi ang alam ko (pati na rin nila) na may “usapan” kami na dapat daleyed ng 1 month ang pag-celebrate ng birthday dahil ganun yung nangyari kay Olan (na unang nag-birthday sa amin dahil month of January siya), isa pa ay mukhang hindi pwede si Ayz dahil yun din ang expected nyang mangyari.

                Pero, nagwagi si Sarah na ma-break ang sumpa! Kaya nagkitakits ang grupo ng 5pm sa Teapop. At syempre, di naman kami sakto pumunta dahil kung di si Olan ay ako ang matagal na kumilos bago umalis. Kagigising ko lang nun, nag-muni-muni pa bago maligo, nag-ayos at hinanap pa ang keychains na ipamimigay namin ni Olan sa grupo.

                Sa madaling sabi, nauna na si Clang at Sarah, at saka naman ang pagdating namin ni Olan, hanggang sa maya-maya ay dumating na rin sila Ayz at Nhie kasama ang cute na si baby Naru! Maraming ring mga kakilala ang nakita ko sa Teapop – mga kasamahan sa trabaho (na nasa ground floor); mga dati kong advisory class (na actually nung una ay hindi ko agad na recall ang mga pangalan samantalang tatlo lang naman silang naroon, pagkauwi ko ng bahay saka ko lang na-recall ang kanilang mga pangalan, kung hindi ako nagkakamali sila Remaylyn, Ana Mae at Trisha); isang dating estudyante at mga kasama niya; at bago pa silang lahat una ko pa palang nakita ang magulang ng dati ko ring student sa private school na isa ring public school teacher.

                Isa na nga talaga sa mga perks(?) ng pagiging guro; kahit saan ka mapunta may kakilala.

                Kwentuhan muna habang naghihintay sa pagdating nila Mam Alo at Tina. Ikinabit ang tarpapel na gawa ni Sarah at syempre ang cute na si baby Naru ang sentro ng aming atensyon habang naghihintay.

                Napag-usapan na rin ang tungkol sa eskwela, nabanggit ko kay Clang na hindi pa ako excited sa darating na school year, kahit pa ina-anticipate ko naman ang mga bagong students, mga challenges at surprises na mangyayari sa school year na ito, pero hindi na katulad ng dati. O baka kasi di pa nagsi-sink in sa akin na pasukan na, yung tipong alam ko na pero di ko pa nari-realize (o dinadamang mabuti).

                Nakapag-order na kami nang dumating sila Mam Alo at Tina, sakto lang din para hindi kami masyadong maghintay. Makailang beses din sinubukang tawagan ni Mam Alo si Budang pero walang sumasagot.

                Di ko na madi-detalye ang kwentuhan at tawanan, mga catching up stories o ilang updates sa kani-kaniyang ganap sa buhay. Pero ngayon lang namin nalaman ang tungkol sa inguinal hernia ni Clang; mukhang hindi pa naman ito malala kaya sana ay maagapan niya. Iyon pala ang dahilan kung bakit siya nagpunta nitong nakaraan sa PGH.

                Bago umuwi ay dumaan muna kami ng Mercury, at hindi ko rin malaman kung bakit ako napabili ng V-cut (potato chips) at Mars (chocolate); ang alam ko, binibili ko lang ang mga ito bilang comfort food tuwing busy or stressful days.

                Dalawang bagay ang na-realize ko sa araw na ito –

(1) minsan, may awkward moment talaga kapag nami-meet mo unexpectedly ang mga dati mong students, pero hindi sa tatlo kong students na nakita kong magkakasama, masaya akong makita sila na close pa rin, naalala ko pa nga habang nasa trike kami ni Olan na ang batch nila ay graduating na this school year sa kani-kanilang kurso sa kolehiyo; at lalong hindi rin sa isang katatapos lang na student ko (sa junior high) na nagawa pa ngang magmano nung nakita ako;

(2) na it is always a good feeling to be with your friends! Napakaliit lang ng circle of friends ko, pinaka-kaunti na yung tatlo kami at pinakamarami na ata yung 12; may iba’t ibang grupo pero hindi rin ganun karami. With my personality na introverted, mahirap para sa akin ang laging nasa malaking grupo o maramihang grupo ng mga kakilala at kaibigan; una ay nanghihinayang ako na sa sobrang laki ng grupo ay hindi ko naman nakikilala nang lubos ang bawat isa, kaya lagi kong preferred ang small group na gathering; pangalawa ay magiging manipis lang ang attention at affection na maibibigay ko sa mga maramihan at malakihang grupo, mahirap para sa akin na i-accommodate yun. Hindi ko alam kung naiintindihan ba ito ng marami pero sa mga kapwa ko introvert marahil gets nila ‘to.

Ang exciting lang na isipin sa ngayon ay kung ano ang mga magaganap pa sa aming magkakaibigan like after 10 or more years, for sure malaki na si baby Naru pati na rin yung mga anakis nila Mam Yna at Marco; like sino naman kaya ang susunod na ikakasal o may bago na naman bang baby sa grupo?  Marami pang mga positibong bagay ang maaaring mangyari sa mga kaibigan, mga kaklase ko at mga naging students ko at pati na rin sa buong Pilipinas! Kaya let us hope for the best! Ganun.


2017 05 30



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...