Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na ibahagi natin

read at your own risk.

Naalala ko lang. Sabi ng isang kaklase ko noong kolehiyo, kung bibigyan siya ng chance to live another life ang pipiliin niya ay ang maging isang porn star! Syempre, alam naman namin na   nagbibiruan lang kami sa usapan na iyon, kaya tawanan na lang kami like ‘ wtf ano yang pinagsasabi mo .’ Tapus, may isang tagpo noon na hinayaan niya kaming basahin ang isinulat niyang kwento na medyo erotic; yung parang katulad ng nababasa sa mga tabloid, mala-xerex ang genre ganun. Pinabasa niya sa namin yun para malaman niya kung mahusay na ba ang kanyang pagkakasulat (peer review ba, char). Yun ang pinagkakaabalahan namin habang naghihintay na magsimula ang klase. Di ko na matandaan kung tungkol saan ang kwento, pero hanggang ngayon ay tanda ko pa rin yung ilang words / metaphor na ginamit niya roon, tulad ng 'ice cream', ‘hindi nauubos na ice cream’ – mga double meaning. Nakasulat lang yun sa isang pilas ng papel. At ang eksena pa, habang binabasa ng isa, maku-curious yung iba, ha...

mibf, bbw, at iba pang chuwariwap ng layf

            Sa Manila International Book Fair (MIBF) ko talaga gusto magpunta. Kaso, mga tatlong taon ata ako nag-attempt na makapunta pero hindi natuloy. Yung hanggang tingin na lang ako sa Instagram ng mga nabili nilang libro, tapus makikita ko yung ilang libro na nabili nila ay yun din ang gusto ko. Ilan sa mga dahilan kung bakit hindi ako natutuloy sa MIBF: una, walang kasama, ang lungkot naman mangalkal ng books mag-isa; pangalawa, madalas sa buwan ng September ang MIBF, may panahon noon na pupunta sana ako kaso maulan, kaya di rin ako nakaalis; pangatlo, budget, na kung pupunta lang din ako, dapat may nakalaan na budget para sulit! Tapus, ayun na nga… after how many attempts na walang natupad, tinabangan na ako sa kagustuhan kong makapunta sa MIBF.             Naalala ko, tinarget ko rin pala na mapuntahan yung mga warehouse sale dati tulad ng sa Anvil Publishing H...

edX

            Natutunan ko na maaari pala magsimula ang opioid addiction sa simpleng prescription lamang ng isang physician. Ang opioid ay isang pain reliever na gamot. Nalaman ko rin na hindi ito basta ibinibigay sa mga pasyente dahil maaaring hanap-hanapin ng katawan ang bisa nito. Dito sa ating bansa, karaniwang ibinibigay lamang ang opioid para sa mga terminally ill patients o kung talagang kinakailangan. Ang opioid ay may ibang uri din tulad ng fentanyl at heroin; at ang nakakaloka, ay may panahon na ang mga ganitong uri ng narcotics ay pinu-push pa ng ilang pharmaceuticals na nagsasabi na nakapag-produce sila ng ganitong uri ng gamot na mas “safe” gamitin (sa ngalan ng marketing at business syempre), kaya ang resulta ay isang opioid addiction crisis lalo na sa Estados Unidos.             Si DU30 na rin ang nagsabi na minsan ay napasobra siya sa prescribed na dosage ...

G A L A

            20 May 2018. Pagkatapos ng fun run (kick-off activity ng Brigada Eskwela para sa school year na ito) kasabay kong kumain ng almusal sa Masayang Bee sina Darryl at ang co-teacher niya sa senior high na si Sir D. Masama pala na nag-i-fb si Darryl habang kumakain, kung ano-ano ang nakikita lol. Hindi ko matandaan kung sa fb ba niya nakita na libre ang entrance fee ng Ayala Museum para sa araw na ito, o kung si Sir D ba ang nagbanggit habang kumakain kami. Basta, ang sumunod na eksena ay natagpuan namin ang mga sarili na nasa byahe na patungong Maynila. Nagkaudyukan na kaming gumala. Kahit hindi ko sigurado kung sapat ba yung dala kong pera (dahil wala naman ito sa plano) ay gumora pa rin kami, tutal nandyan naman si Darryl kapag na-out of budget kami ni Sir D. Idagdag pa na wala man lang akong dalang pamalit na damit, o kahit ano like payong kasi summer ang inet, pero dahil parehas lang naman ang aming mga kalagayan, g...

ART PROTIS | Federico Aguilar Alcuaz

            07 April 2018. Pumunta kami ni Clang sa Recto para bumili ng mga gintong medalya na ibibigay sa mga bagets; bale bumili kami ng tig-25 na piraso. Mabilis lang kami nakabili dahil halos wala na rin namang pagpipilian pa, pero bongga na rin yung nakuha namin. Syempre, ininstagram ko muna ang medalya ng mga bagets bago ko ito ipinamahagi sa kanila :)             Sinabi ko kay Clang na after namin bumili ay dadaan pa ako sa SM Manila kasi na-miss na ng mga kamay ko na salatin ang mga maaalikabok ng libro sa BookSale charot, at pupunta rin ako sa National Museum dahil target kong makita doon yung mural na gawa ni Carlos “Botong” Francisco na naka-exhibit sa Old Senate Session Hall ng National Museum of Fine Arts, at saka para maglibang na rin. Sa madaling sabi, sumama si Clang (yun lang talaga ang gusto kong puntuhin, pero syempre dapat maraming paligoy). ...

hindi pito, hindi lima... anime! :)

2018 07 11 (Wed, 8:29 PM)             Medyo nahu-hook ako ngayon sa panunuod ng anime. Sa fb ay may nakita akong nai-share na anime; hindi ko inexpect na maaari pa lang gawing isang anime series ang tungkol sa ating mga body cells; pinamagatan itong Cells at Work! (Hataraku Saibu), ang husay! Entertaining na, informative pa! Tapus, sa fb ko lang din nakita at napanuod ang isang anime movie na Your Name (Kimi no Na wa), tagalog-dubbed kaya madaling maintindihan; hindi ako maka-move on sa story ng anime movie na ito, pinag-isipan at well-researched talaga; lalo na yung lugar, kung ano ito sa totoong buhay ay yun din ang pinakita sa anime movie. Gusto ko na tuloy mapuntahan ang Itomori .             Sa katanuyan, kagabi imbes na matulog ako ng maaga dahil may pasok na, inabot ako ng pasado ala-una ng madaling araw para lang ipagpatuloy ang panunuod ng ilang episodes ng...

samot-sari: pandesal midnight snack party

2018 06 16 (Sat, 1:11 AM)             Oha! Gising pa rin ako sa mga oras na ito. Sabi ko kasi kanina iidlip lang ako, tapus na-derecho ng tulog, kaya ngayon mulat na naman. At oo, kakakain ko lang. Naiiba na naman ang mga oras ng kain at tulog ko (bakit ganun parang napaka-lazy ko, lol).             Ang palabas sa tv kanina ay yung OA Shopping, este O-Shopping pala. Ganda ng mga products, lalo na yung zero gravity chair na Php 3,000.00 lang, at take note isa lang yung makakaupo di ba, pa’no yan eh apat kami sa bahay, eh di ibibili ko na lang yun ng sofa!             Kanina, habang nagtitimpla ako ng tea na may kape at coffee mate, iniisip ko kung may kinalaman ba ang genes na meron ako (makonek lang dun sa nabasa ko sa blog ni ate Dianne… ate? yare hahaha) kung bakit ako late sleeper? o may kinalaman ba ang p...

Panata

National Museum of Anthropology - Philippines 2018 01 06 | Sabado Panata: Faith and Devotion to the Black Nazarene National Museum of Anthropology - Philippines (4th Floor, Reception Hall) Mula ika-22 ng Disyembre 2017 hanggang ika-28 ng Enero 2018, naglaan ng isang gallery ang National Museum of Anthropology na naglalaman ng iba't ibang kuhang larawan na nagpapakita ng debosyon ng mga mananampalataya ng Nazareno.

IT'S A MENS WORLD | Bebang Siy (hindi ito isang review)

IT'S A MENS WORLD | Bebang Siy                 Ito yung libro na binabasa ni Clang habang nasa bus kami na hiniram niya kay Budang. May pupuntahan ang buong faculty noon kasama ang non-teaching staff; hindi ko na matandaan ang petsa at kung saan kami nagpunta, basta matagal na. Hiniram ni Clang ang libro para may mapaglibangan sa byahe, pero makita-kita ko, nakatulugan na rin naman niya ang libro… maganda raw sabi niya, hahaha.                 Hiniram ko rin ito kay Budang,  hindi ko nga lang agad nabasa. At kung kelan naman kukunin na niya ang libro saka ko naman naumpisahang basahin, kaya di ko natapus. Tanda ko pa, tinalun-talon ko ang pagbasa, curious kasi ako sa mga susunod na pahina, wala rin naman akong napala, di ko rin naman naintindihan. Hindi ko maalala kung sinabi ko ba na hindi ko natapus ang libro o kung n...

bnw

"Tree of Life" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 11:47 AM "La Mujer En Reposo" | Isabelo Tampinco y Lacandola National Museum of Fine Arts | 2017 10 29 | Sun, 2:41 PM "Prehistoric Man" | Isabelo Tampinco y Lacandola National Museum of Fine Arts | 2017 10 29 | Sun, 2:38 PM White-breasted Waterhen | Amaurornis phoenicurus javanica National Museum Collection | 2017 09 23 | Sat, 4:14 PM "random shot lang... hindi ito from museum lol" | 2017 05 06 | Sat, 1:17 PM

random people at the museum

"Pila" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 9:33 AM "Pag may tiyaga... may pila, lol." | 2017 10 29 | Sun, 10:02 AM "Walk-ins" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:27 AM "Last man standing lol." | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:37 AM "Chill" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:38 AM "Pakikinig" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:42 AM "Rafflesia" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 10:51 AM "Lolong" | National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 11:03 AM National Museum of Natural History | 2017 10 29 | Sun, 11:38 AM "Spolarium... with them lol" | National Museum of Fine Arts | 2017 10 29 | Sun, 2:24 PM 1.            Nagkaroon ng isang araw (Oct. 29, 2017) na preview...