2018
07 11 (Wed, 8:29 PM)
Medyo nahu-hook ako ngayon sa
panunuod ng anime. Sa fb ay may nakita akong nai-share na anime; hindi ko
inexpect na maaari pa lang gawing isang anime series ang tungkol sa ating mga
body cells; pinamagatan itong Cells at Work! (Hataraku Saibu), ang husay!
Entertaining na, informative pa! Tapus, sa fb ko lang din nakita at napanuod
ang isang anime movie na Your Name (Kimi no Na wa), tagalog-dubbed kaya madaling
maintindihan; hindi ako maka-move on sa story ng anime movie na ito,
pinag-isipan at well-researched talaga; lalo na yung lugar, kung ano ito sa
totoong buhay ay yun din ang pinakita sa anime movie. Gusto ko na tuloy
mapuntahan ang Itomori.
Sa katanuyan, kagabi imbes na
matulog ako ng maaga dahil may pasok na, inabot ako ng pasado ala-una ng madaling
araw para lang ipagpatuloy ang panunuod ng ilang episodes ng Naruto Shippuden.
Grabe, napakahaba ng labanan nila kay Madara, tapus ang dami pang flashback.
Gayunpaman, pinanuod ko pa rin; halos lahat na ata ng character doon ay nagkaroon
na ng flashback, at nakakabilib yung development ng character at ang
pagkakaugnay-ugnay ng kanilang mga stories.
Nakaka-relate ako sa ninja academy
sa anime na Naruto, bilang ako ay nagtuturo rin sa mga bagets na hindi nga lang
mga ninja pero mga mandirigma na rin (literally at figuratively). Kaya feeling
ko habang nagtuturo ako kanina ay mga future ninjas itong mga tinuturuan ko
hahaha; hindi nga lang ninjutsu, genjutsu o taijutsu ang tinuturo ko. Napaka-kritikal
ng role ng mga teachers dahil totoo na sila (kasama na rin ang buong komunidad)
ang humuhulma sa mga kabataan. Gusto ko rin ma-feel yung naramdaman ni Kakashi
sa mga dati niyang estudyante na sila Naruto, Sakura, at Sasuke; yung feeling ni
Kakashi na dati silang tatlo ay makukulit lang na mga batang ninja hanggang sa
lumaki na sila, naging malakas at may kanya-kanya na ring role na ginagampanan sa
komunidad. What a feeling na naging parte ka ng kung sino sila…
Nakakaadik din manuod ng Naruto.
Kahit kasi anime siya, maraming katotohanan sa buhay ang sinasalamin nito, at
inspiring din ang mga characters, mapa-bida man or hindi, tiyak ko na may
representation ang bawat manunuod sa mga characters na iyon. Hindi ito fairy
tale na mala-perpekto ang lahat; sa Naruto makikita ang maraming pagbabago na posible
at nangyayari rin naman sa totoong buhay (syempre minus the powers at mga ninja-teknik-whatever).
Dahil diyan, gusto kong maging mahusay na Sensei…
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento