Lumaktaw sa pangunahing content

21



2018 07 10 (Tue, 4:38 PM)

1. What is your favorite food?
Wala na ata akong favorite food. As of now, gusto ko lang i-try yung mga Chinese food, mga noodles na maaanghang na maraming herbs o gulay, sahog at iba pang pampalasa (halimbawa yung mga Indonesian noodles na nakikita ko sa IG), mga street food sa China, Japan at Thailand (na napapanuod ko naman sa youtube). At saka gusto ko rin pala kumain ng Bicol Express ngayon, nakita ko kasi sa fb eh, nakakatakam, eng sherep keye. Wala akong favorite pero ang dami kong gustong kainin, kalurkey.

2. How do you spend your weekend? Do you like to sleep or party hard?
SLEEP!!! SLEEP!!! SLEEP!!! (Tig-tatlong exclamation point para intense).

3. Which song can you listen over and over again without getting bored?
Hmmm… basta mga kanta ng Ben&Ben at mga cover songs ni JeromeVentinilla.

4. How do you want your dream home to look like?
Gusto ko minimalist yung style, neutral lang yung mga colors na may kaunting highlight (parang buhok ah lol), very artistic ang dating at lahat ng espasyo ay napapakinabangan. At sa tingin ko ay importante rin na malayo ito sa mga kapitbahay naming gold medalist at hall of famer na sa videoke.

5. If given an option, would you choose a holiday at the beach or in the mountains?
Sa beach sana kaso ang daming tao dun (in-assume ko na agad lol) at saka ayoko naman mangitim or maligo, hindi na masyadong appealing sa aking ang mga bitch este beach. Kaya sa bundok na lang na may sea of clouds tulad ng sa Sagada. Camping sa bundok ay okay na sa akin, tapus magdadala ako ng libro para may mabasa during idle time, kukuha ng picture, pwede rin magsulat o mag-emote. Basta kahit wala naman sa question yung gusto kong gawin, ang sagot ko ay sa bundok.

6. Have you ever cheated in the exams?
Oo. Sa ilang mga quizzes lang, di naman as in exam (may difference ba? Lol). At ako rin yung nagpapakopya, pero nakapangopya rin ako hehehe, pero ulit at true ito na hanggang first year high school lang after noon hanggang makatapos ako ng college hindi talaga ako nangopya, promise! Noong masteral na lang ulit, charot!

7. Have you ever played the role of opposite gender in the school drama?
No… kahit madrama ako, wala akong ganuong role at hindi rin naman ako pang-drama sa school because I believe well, my family’s role for me is so important because there was the wa- they’re, they was the one who’s very (laughs). Oh I’m so sorry. Um, my family, my family. Oh my god. I’m…

8. What makes you happy?
            Wala… wala na ring specific na bagay ang nagpapasaya sa akin as of now (wow bato). Para sa akin ang kasiyahan ay nagmumula sa mga random na bagay o pangyayari sa buhay. Ang ibig kong sabihin, ang kasiyahan para sa akin ay hindi inaasahan. So, anong nagpapasaya sa akin? Hindi ko alam. Napakadali kasing maging masaya sa mga bagay na alam mong magpapasaya sa iyo; pero ito ba ang tunay na kasiyahan? (Ang daming sinabi, pwede namang wala na lang hahaha).

9. What is that one thing which makes you lose your temper?
            Kapag hindi direct na nasasagot yung tanong ko (coming from me na hindi naman din sumasagot ng derecho sa mga questions dito lol). Ano pa ba… ah alam ko na, yung mga small talks na ginagawa ng ibang tao na pwede ba shut up na lang lalo na kung hindi naman talaga gustong makipag-usap or hindi naman importante, o kaya gagamit pa ng small talks tapus liligoy din sa ibang bagay. Pero minsan, naa-appreciate ko rin ang small talks, siguro depende rin kung sino yung kausap ko. Oh ang sabe sa tanong “one” lang… dami ko na namang sinabi.

10. Have you ever failed in your school?
            Oo. Birit nga ni Jessie J “No, no, no, no, no, no, no, nobody's perfect!”

11. When was the first time you bunked your school?
            Hindi ko maintindihan yung “bunked” eh (or kung ano ang ibig sabihin ng tanong). Skip question, hahaha! Na-bombay na ata ako, lol.

12. When was the first time you had tasted the alcohol?
            When my mother splashed the alcohol on my face because I am so magalaw habang nililinis niya ang aking wounded… feelings, charot!

Noong may inuman sa bahay namin (yung tatay ko at mga katrabaho niya) mga 6 or 7 years old pa lang ako; eh galing ako nun sa labas at gusto kong uminom ng tubig, so naisip ko makiinom ng tubig sa mga nag-iinuman sa bahay kasi tiyak may malamig silang tubig, bigla ko lang kinuha yung baso tapus nilagok ko, akala ko tubig, gin pala! Kumaripas ako ng takbo sa labas dun ko niluwa. Pagbalik ko sa bahay nagtataka sila kung sino ang tumagay kasi bigla na lang nawala… sabi nga eh kung “gaano kabilis nag simula, gano'n katulin nawala” – Kathang Isip, Ben&Ben.

13. What is your dream job?
            Yung dream job ko ay yung naglalakbay ako lagi, tapus marami akong natututunan, at nagsusulat ng content tungkol sa experience na iyon. Ano bang job ito?... PM me, asap.

14. Are you a mama’s boy/girl?
            Mama’s boy.

15. What is the most daring thing you have ever done?
            Hmmm… dari crème? Hahaha. Wala eh, ang bait ko kaya. Kung meron man… pero wala talaga… at saka bakit ko naman sasabihin… eh wala nga eh.

16. If you had the power to turn someone into an animal, who would you like to turn and into what?
          Kabayo. No comment.

17. If you are made the president of the United States, what would be the first thing that you will do?
          Ayokong maging president ng US eh. At saka ayoko maging pulitiko.

18. Are you fetish about something? If yes, what is it?
            Ang ibig bang sabihin ng fetish dito ay tulad ng sexual fetish? Hahaha! Charot! Wala eh. Wala rin akong mga ganitong trip sa buhay. At saka ang tanong lang naman ay kung meron ba, eh di ang isasagot ko ay “wala” para hindi ko na kailangan pang sagutin ang follow up question na kung ano ito, pero at least ang haba ng sagot ko diba, pang 5 points na ito sa essay.

19. Which comic character do you love the most?
            Nanuod kasi ako ng mga English-dubbed episodes ng Naruto sa youtube kagabi. Kaya as of now, favorite ko lahat ng nasa Naruto. At saka pala yung Your Name na anime movie.

20. If given a chance to meet 3 most famous people on the earth, who would it be, answer in order of preference.
            Si Joan Rivers! Kaso wala na siya eh, so paano pa ako makikitawa sa kanya… Sino pa ba… ay si Alessia Cara. Di ako makapag-decide if sino yung pangatlo kasi pag iniisip ko si ganito, maiisip ko sayang naman si ganyan (sineryoso ang tanong lol). Hmmm, yung pangatlo siguro ay kahit na sino sa mga hindi ko pinili, okay na yun para walang tampuhan.

21. If you could change one bad quality of yours, what would it be?
            Yung pagiging introvert ba ay bad quality?… Hmmm, minsan gusto ko lang i-try mag-walwal personality hahaha! Pero kung malabo, sige yung pagiging-overthinker ko na lang.



Mga Komento

  1. Hehehehe No. 4. True. Di lang tilaok ng manok at ang oink oink ng mga baboy sa kapitbahay, pati kapitbahay rin ang iingay.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. opo, naa-appreciate ko lang sila kapag napupuyat ako, kasi natutulungan nila akong maging gising :)

      Burahin
  2. Mga Tugon
    1. sir OP, sa awa ng Diyos (at ng mga instructors) pumasa pa rin naman :)

      Burahin
  3. Alter ego mo tong nagsusulat! I can sense na hindi ka ganito kawalwal IRL. HAHAHA. Bungisngis ako while trying to finish making basa!

    Mamamatay na yung hindi nangopya at magpakopya sa school, ever!Hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. grabe cher Kat, napa-google ako kung ano yung IRL hahaha! (hindi updated, RRL lang kasi yung alam ko eh)

      medyo may lagnat kasi ako nyan eh, kaya kahit ano na lang ang masagot...

      Burahin
  4. Discovery: nag mamasteral ka pala at a young age, galingan mo ha!!!!!

    Sino yung 16? #kaaway hahahaha

    Number 8 - paki define po muna naten ang happiness hahahahaha

    Temper - feeling ko hindi ka naman yung tao na nawawalan na ng temper at composure. Pero sabi nga nila, don't lose your temper... nobody wants it anyway hahahah

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku ate D (feeling close ako lol), di nga ako naka-enrol ngayong sem... pero sisikapin ko pa rin;

      di ko siya kaaway, pero bad vibes kasi ang pakiramdam ko sa kanya lol;

      undefined ang happiness as of this moment :) i'll try again tomorrow

      Burahin
    2. Okay na yung Ate D, wag lang Tita D, Lola D at masaklap.. may tumawag pa sa akin na MOMMY D!!! Konti na lang Aling Dionesia na AHAHAHAHAHAHAAH

      Kaaway and BV are part of life... pagtawanan mo na lang minsa (me telling to myself hahahah)

      At uma-undefined ka na ha, anu ka equation lang :D

      Burahin
    3. parang bet ko yung Mommy D hahaha :)

      minsan kasi feeling ko ang manhid ko na para makaramdam pa ng kasiyahan, charot!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...