2018
07 03 (Tue, 8:33 PM)
Bakit ba hindi ako nakagawa ng
journal kahapon? Pagkauwi ko, ewan ko ba feeling pagod na pagod me, kaya minabuti
ko na lang magpahinga. Sa katunayan, kaninang umaga paggising ko, akala ko weekend
na, di pa sana ako babangon dahil gusto ko pang bumawi ng tulog, then
na-realize ko na katatapos pa lang ng lunes at martes pa lang, sad…
hahaha! Gusto agad mag-weekend?
Pride march noong sabado (June 30),
kaya kahapon habang nasa faculty ako ay tungkol sa sexual orientation, gender identity
and expression ang usapan. Si sir A ang bangka, bilang isang social science
major. Napakalawak na pala ng usapin na ito at nakakatuwa na malaya itong napag-uusapan
sa faculty (habang break namin, para malinaw lang lol).
Sa homeroom ng mga bagets, nagpanuod
ako ng dalawang video. Yung commercial ng Mcdo tungkol sa pagmamahal ng nanay
at tatay, at yung commercial naman ng Jollibee tungkol sa tatay. Then,
nag-process kami tungkol sa napanuod nilang video. May naiyak ng konti, pero
karamihan nahihiyang magsalita o mag-share. Hindi pala madaling pag-usapan ang konsepto
ng pamilya para sa mga bagets; parang napaka-sensitive nitong topic at mahirap
ding i-deliver kasi iba-iba ang background nila.
Hindi ko napanuod ang laban ng Gilas kontra Boomers kagabi pero yun pa rin ang trending kaninang umaga hanggang sa ngayon
lalo na sa fb at twitter. Ewan, wala akong ma-say sa nangyari, may kahanga-hanga
pero meron din na sana ay hindi na lang nangyari (so akala ko ba wala akong
ma-say di ba).
Yun lang. Ang hirap mag-recall ng
mga events pag nakalaktaw ng isang araw na journal tapus yung kinokontra mo pa yung
haggardness at antok at the moment habang nagta-type, lol. Hanuna…
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento