hideout



            15 April 2018. Alas-dos ng hapon ang usapan ng pagkikita, sa Tagumpay Mall daw muna, dun sa Old-MacDonald-Had-A-Farm. Nagpasabi naman ako na mahuhuli ng dating, o sinadya ko kasi alam kong alas-tres pa naman magbubukas ang Lungga: Bahay ng Tsaa at Kape; hindi rin naman lahat ay eksakto sa oras dumating (sige, i-justify ko pa raw ang sarili ko lol), pero ako talaga yung pinakahuli, as in malapit na mag-alas-tres. Nag-iba kasi ako ng ruta, dun ako dumaan sa may masasakyan akong aircon na bus, ang init eh.

Ang sabi sa gc, nasa loob na raw sila ng Old-MacDonald-Had-A-Farm, sa itaas. Dali naman akong pumasok at pumanik sa second floor, lumakad ako palapit na hindi nila namalayan. At totoo yung “speaking of the devil” dahil saktong ako yung pinag-uusapan nila hahaha, nainip na siguro sila (ng konti), aktong magme-message / text na nga sila about my whereabouts. Pagkaupo ko, tuloy pa rin ang kwento. Di na namin namalayan ang mga tao sa paligid; kumustahan-kwentuhan-tawanan ang ganap, kasi ba naman mula noong grumaduate kami sa kolehiyo (8 years ago na) ay ngayon na lang ulit namin nasilayan ni Darryl sila Joyce at Maigz! At ilan lang sila sa iba pang mga ka-bio (hindi kabayo) na nais din naming makita. Kung hindi pa pipigilin, di rin ata kami titigil; kaya para maka-bwelo na ay nag-decide na ang grupo na dumerecho na sa Lungga: Bahay ng Tsaa at Kape.

Patok ang Lungga na ito sa mga magbabakarda, sulit na rin ang presyo para sa group meal. Kung huhusgahan ko ang lasa ng 1 to 5… pwede na ang 3.75, at dahil okay naman ang kanilang service at isama na yung ambiance ng lugar, overall i-round off na sa 4! Matamis nga lang para sa akin ang kanilang frappe; takaw-tingin ang mga toppings nitong sugar and spice and everything nice (yun ata yung nagpatamis eh).

Masaya kami para kila Joyce at Maigz. Si Joyce ay masigasig na nag-apply sa public school, at heto na nga, pasok na sa banga! Si Maigz naman ay iniinggit kami sa mga komisyon niya charot; ang totoo niyan, naisip namin yung feeling ng trabaho ni Maigz, yung pagkauwi niya eh time out na talaga, hindi gaya ng sa amin (sa eskwela). Pero ang mahalaga, ay ang maging masaya sa ginagawa (pampalubag statement na may magic touch ng reality).

Masasabi ko na kahit walo o higit na taon pa ang lumipas, hindi pa rin naman masyadong nagbago ang isa’t isa; maaaring sa trabaho at experiences, oo; pero yung pagkakaibigan na nabuo, nandun at naroon pa rin (cheesy).

Kaya kung inakala namin ni Darryl na hindi na nanghahampas si Maigz, mali kaya… eng sheket sheket pa rin niyang manghampas! Ganyan siya magmahal sa mga kaibigan 😊

 
Ang nabigong pagsalag ni Darryl.  |  15 April 2018 (Sun, 3:23 PM)

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento