Eeeee



2018 07 01 (Sun, 5:16 PM)

            The introvert person inside of me suddenly becomes anxious nung sinabi ni Clang na hindi kami magsasabay papunta sa isang (or 2-in1) binyag-birthday event. Hindi ko na rin tinuloy mag-english, nagka-anxiety agad me sa grammar. So, kinalma ko na lang ang aking sarili, I told myself “keri lang yan, makakapunta ka pa rin dun mag-isa”. Habang nasa byahe, nag-text si Clang na on the way na rin siya, sa tantya ko ay mag-aabot naman kami sa venue (syempre eh parehas lang naman kami ng pupuntahan), magkaiba nga lang ang aming dinaanan. Ang epic lang ng pangyayari dahil hindi namin namalayan na yung sinakyan kong bus ay parehong bus din na sinakyan ni Clang! LT yung tagpo na sa pagbaba lang namin napagtanto na nasa iisang bus lang pala kami, sa kabila ng mega-text pa kami kung nasaan na ang isa’t isa.

            Meron na akong bagong inaanak, yung bunso ni Ma’am D. Masaya ako na kinuha niya akong Ninong, kahit pa yung introvert kong pagkatao ay lagi na lang hesitant sa mga ganitong gathering. Gayunpaman, hindi ko binibigo (ay meron na pala) ang mga ganitong imbitasyon lalo pa’t minsan lang ako makuhang Ninong hahaha!

            Ngayon na lang ulit ako nakapasok sa simbahan. Ngayon na lang ulit ako nakarinig ng boses ng pari. Yung mga tugon sa simbahan, ganun pa rin naman, yung pag-upo at pagtayo, paulit-ulit pa rin namang ipinagagawa lol. Pero, amaze pa rin ako sa mga tao na malakas ang pananampalataya sa salita at sa gawa.

            Sa reception, ipinalangin ng isang pastor na asawa ni Ma’am E ang parehong nag-birthday (at yung isa ay binyag na rin) na magkapatid na anak ni Ma’am D. Di ko alam pero, sila Ma’am E, yung asawa niya, yung kaklase ko nung high school na si E (magkakasama silang tatlo sa iisang church), ay may pare-parehong aura, yung maliwanag at magaan; tulad din ng kaklase ko noong college na si E rin na isa namang born again, malimit kong sabihin sa kanya na napakaaliwalas ng kanyang aura. Ganun ata talaga ang malalapit sa Diyos (o baka dapat siguro ay letter E ang simula ng pangalan ko, para same aura kaming lahat, charot). Pero, ganun nga. Seryoso. Yung kahit ata mag-take ako ng Myra E eh hindi ko pa rin maa-achieve ang ganung klase ng glow.

            So ayun, tapus na ang 15 minutes. Na-observe ko na naman ang sarili ko na kapag nasa byahe (o ano mang tulala moments) I still wonder about a lot of things sa buhay. Haynaku.



Mga Komento

  1. Mapalad ka! Minsan ka lang kunin na ninong! Ako, dun samin, na factory ng mga bata, karamihan daw inaanak ko, eh di ko naman kilala. hahahaha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mas mapalad ka, ang dami mong angels na babantayan :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento