Mga Pahina

Sabado, Disyembre 31, 2016

huling post para sa 2016: kung bakit kami kahanga-hanga sa "kapit lang" at "humopia", at oo masaya yung bula-bula na blue :)


                Sa itinagal-tagal, akala ko ay napaka-problemado ko na. Pero, mas nahihirapan pa pala ang ilan sa aking mga kaibigan. Inakala ko na nahihirapan na talaga ako, pero mas mayroon pa pala silang pinagdaraanan kaysa sa akin. May mga panahon na dapat sana ay inilaan ko na lang para masuportahan ko man lang sila. Naipakita ko sana na ako rin ay may simpatya, na ako rin ay nakararamdam at naiintindihan din sila.

                Kung alam ko lang…
                Kung nalaman ko lang…
                Siguro ay kung nag-reach out pa ako.
                Siguro ay kung kahit saglit ay pinatahimik ko muna ang ano mang nasa loob ko.

                Etong mga kaibigan ko, minsan kahalintulad ko rin ng pag-iisip. Di bale nang may dinadala, wag lang makaperwisyo ng iba. Naisip ko, siguro nga sa mundong ito, may mga pinipili tayong labanan nang tayo lang… ng ating mga sarili lang.

                Ipinagpapasalamat ko yung mga taong naging malapit sa kanila nung mga oras na sila’y nasa mahihirap na tagpo. Kahit na hindi man ako, mahalaga para sa akin na malaman na may kahit na isang tao na umalalay sa kanila. At sana ay may magawa naman ako at ang bawat isa sa amin sa mga susunod pang pagkakataon.

                May kani-kanya kaming pinagdaanan sa taong ito – 2016. May mga ibinunyag, mayroon ding hindi. Kahanga-hanga ang bawat isa sa amin. Patuloy na nabubuhay sa ilalim ng araw kahit pa may kaunting pag-ulan. Nagsasama-sama kahit di man sa lahat ng tagpong mahihirap; pinagbubuklod pa rin ng paniniwala na “masaya” ang buhay (lalo na kapag may kainan hahaha).

                Hindi maipapangako sa kahit sino na mas magiging magaan o masagana ang susunod na taon -2017. Pero para saan pa ang “kapit lang” at sanay na rin naman tayong laging “humopia” sa mga bagay-bagay sa ating buhay.

                Tatlo lang muna ang naisip kong importante sa ngayon – pamilya, mga kaibigan, at pananampalataya. Happy new year everyone!


P.S. Wag nating kaibiganin si Anghela (Seklusyon). Pero pwede nating gayahin yung bula-bula sa bibig nya na kulay blue, masaya kaya! Hahaha.



Martes, Disyembre 20, 2016

cherie encounter 02


Si Cherie, Neri, Eldie at Ako. (2016 12 19 - Dalandanan, Valenzuela City)

o-O-o

Ako: Ang ganda ng uniform n’yo Che!
Cherie: Oo, para kaming taga-munisipyo.

Cherie: Last year pa ‘to, tumaba na ako…
Ako: Di naman, baka lumiit lang yung damit, nag-shrink…

Ako: Bakit di ka sumali ng chorale?
Cherie: Bakit mukha ba akong baboy?

:)

o-O-o

2016.12.19
Christmas Party
Valenzuela City Astrodome


Narito ang link para sa 'biglaan with cherie'.


Huwebes, Disyembre 15, 2016

full time


                “Full Time” ang napili kong tema para sa susunod na taon – 2017! Ang korni, pero parang nakagawian ko na ang magtakda ng tema para sa bawat taon. At oo, madalas ay wala naman talagang kinalaman ito sa buhay ko sa araw-araw, o sa bawat buwan. Parang automatic na kapag mga huling buwan na ng kasalukuyang taon ay bigla na lang akong nakakaisip ng tema kuno ng aking buhay. Idagdag pa na kahit pala bawat buwan ay meron din hahaha; ganun kalala! Pero at least di ako tulad ng iba na puro *insert month here* be good to me ang peg. Ito na marahil ang subconscious na pamamaraan ng aking isip kung paano ko nai-envision ang life for the next year (o kahit pa nga every month).

                Pero epic pa rin sa aking memorya ang tema kong “chasing dreams” hahaha. Sobrang korni! At saka, sa lahat ng naisip kong tema, ito lang ang di ko nalimutan; nalimutan ko man kung anong taon ko ito ginawa, pero yung mismong tema hindi; kasi, chasing dreams, pero parang wala naman akong na-chase lol!

                Bakit “full time” para sa 2017? Na-realize ko lang na napaka-half-hearted ko sa mga bagay na itinuturing kong uncertainties in life, wow hahaha. I mean, kung susubukan lang din, wala namang mawawala, instead I gain experience and wisdom pa nga.

                Gusto kong mag-full time; ibig sabihin ay maglaan ng panahon para sa mga bagay na kailangan kong gawin, lalo na sa mga bagay na nais kong gawin. Marami pa. At unti-unti nang lumalabas ang mga platform para maisagawa ko ang mga bagay na ito. Ano ba yung platform? Na-type ko lang eh lol. Saka paniwala ko lang naman yun na meron na; na may mga pag-aaksayahan na ako ng oras, mind conditioning lang ito hahaha.

                Pero marami talaga akong nais na i-look forward sa susunod na taon. Na dapat ay kakaiba o ibang-iba (pwede ring iba’t iba, maidagdag lang).

                Natutuwa ako dahil meron na akong instagram! Ngayon ko lang ito na-appreciate. Siguro dahil bago pa lang ang aking account kaya payapa pa ang effect o dating nito sa akin. Hindi katulad ng fb na napaka-palasak, maingay at maraming mema. Feeling ko, sa instagram ko mailalabas ang aking creative juices sa photography hahaha. Kung meron. Parang napaka-mainstream na ng fb para sa gawaing pang-blog, pagbibigay ng opinyon at pagkuha ng larawan. Ang fb ay parang isang river… isang body of water… na polluted. Kumbaga sa isang workplace, ito ay toxic na tagpo. Lalo pa nga’t ang dating personal ko lang naman na account ay connected na rin sa aking trabaho. Hindi naman yun masama, pero hindi ko na makita ang linyang naghahati, naghihiwalay o tumutukoy sa kung ano ba ang facebook –  ukol pa ba ito sa akin? O ukol pa rin sa aking trabaho? Ang gulo, pero gets ko ang sarili ko lol. Maaari naman akong gumawa ng isang mas personal na account, pero hindi ko ma-gets ang lohika o kahit meron pang valid reason ang paglikha ng pangalawang account. Sa isip ko kasi, isa lang naman ako, so dapat isa lang ang fb ko hahaha. Ganun.

                Masaya rin ako sa aking twitter! Mas akma para sa sarili kong mga opinyon ang twitter. Mas malaya. Mas hindi nagmumukhang nagpi-fish ka lang for likes hahaha. Ang tanging ayaw ko lang sa twitter ay yung mga random na account na nagpa-follow at nagla-like, tapus pag-chineck mo naman ang account nila ay mga taga-ibang bansa na hindi nga marahil nakakaintindi ng kahit na anong tagalog.

                Ang blogger ay isa rin sa mga alternative kong virtual na mundo. Dito ay mas may kakayahan akong i-expound ang wala namang significance kong mga ideya hahaha. Pakiwari ko ay nasa blogosphere ang mga tunay na nagbabasa nang nakakaintindi (kumpara sa fb?).

                Isang mahalaga pa rin namang tool ang facebook sa mundo ng social media. Ito ang malakas, ito ang popular, ito ang sikat! Ito ang ulam na paulit-ulit na kinakain ng madla, parang noodles ganun. Kaya ito pa rin ang mukha nating lahat .

                Marahil ang paggamit ko ng blogger (o blogspot ba ang tama?), twitter at instagram ay reliever ko sa nakakaumay na mundo ng fb. Ganun lang. At oo, nag-fb pa rin naman ako.

                Ang pinakamahirap talagang part ay ang ending. Tulad nang kanina lang ay mas mabilis pa sa pagtipa ko ang aking mga mema ideas, tapus bigla na lang nawala. Parang natapon, nag-evaporate, nablangko. Kumislap-kislap na kanina pa ang cursor sa akin bago masundan, pero di ko talaga malagayan ng ending.



Miyerkules, Nobyembre 30, 2016

Kahit saan mapunta, may magsasabing “Hi Sir!”.


                Nasalubong ko si Jasper (dati kong estudyante) sa footbridge. Nagkamustahan ng kaunti. Saglit kaming tumigil sa mismong hagdanan, mabuti na lang at kaunti lang yung dumaraan. Tinanong ko kung saan na siya nag-aaral; sa pagkakatanda ko kasi ang sabi niya sa akin noong nagpi-fill up siya ng form para sa senior high ay magti-TESDA siya. Ang sagot niya, siya raw ay nag-aapply na ng trabaho. Hindi ko na nausisa pa, dahil nasa hagdanan kami ng footbridge at baka kami ay makaabala, ‘good luck’ o ‘ingat’ ba ang huli kong nabanggit sa kanya, hindi ko maalala eh.

                Ang awkward o nakakatawang part ay yung mismong nagkasalubong kami. Sanay ang mga ka-batch na estudyante ni Jasper magmano sa mga teachers nila, pero sa kung anong dahilan hindi niya naituloy yung akmang magmamano sana siya sa akin, di ko na rin naiabot ang kamay ko kasi magmumukha na naman akong matanda, eh bata pa naman ako lol.

                Parang nung kailan lang, sa parehong lugar hindi nga lang sa footbridge; dahil nung araw na yun ay mas pinili kong tumawid na lang sa kalsada kaysa mapagod sa pag-akyat at pagbaba sa footbridge para lang makasakay ng jeep, samantalang ilang lakad lang kung sa mismong kalsada tatawid (pasaway); may bigla na lang ako nakasabay sa daan.

Natawid ko na ang kalahati ng kalsada, saglit akong tumigil sa gitna dahil marami pang sasakyang dumaraan, nang biglang may nag-“Sir!” na isang babae sa gilid ko sabay nagmano. Estudyante na siya sa kolehiyo, hindi ko alam kung tama ba yung pagkatanda ko na Datamex yung nasa id lace nya, at hindi ko na rin nabasa yung pangalan niya sa id, kaya “Oh kamusta?” na lang ang nabanggit ko sa kanya. Pero sa totoo lang di ko talaga siya matandaan hahaha.

                Ang daming mga tagpong ganito ang maaring mangyari at nangyari na; mga “unexpected-encounter-with-my-former-students”. Karamihan, ay may moments ng pagkabigla, pagkagulat na masaya, pero hindi lahat ay masaya.

                May ilang ‘patago-effect’ kahit na nakita mo na sila, yung kulang na lang paliitin nila ang kanilang sarili para di mo lang sila mapansin, nagtataka naman ako kung bakit ganuon lol.

May ‘pa-dedma-effect’ tulad nung minsan ay may inihatid akong current student ko na may sakit; sa daan ay napansin ko ang dati kong estudyante, noong nahagip ko siya ng tingin bigla namang iwas niya na para bang bawal niya akong makita. Lumilingon-lingon kung saan, kaya di ko na rin pinansin pa, at saka yung may sakit kong estudyante ang concern ko noon.

                At ang first time at kaisa-isahang encounter na di ko malilimutan ay yung tignan ako ng masama ng isang dati kong estudyante na samantalang yung isa nya pang kasabay noong araw na yun na ka-batch niya ay magiliw at abot-ngiti akong binati, tapus sya tinaliman ako ng tingin, pashneya! Lol.

Nagbalik tuloy sa alaala ko na sana ay hindi ko na lang siya pinasa; sana pala hindi ko na lang siya inintindi na tawagin at papasukin sa klase sa tuwing mas pinipili nyang maglaro ng volleyball sa labas during class hours; sana pala ay hindi ko na lang ni-recognize na may husay din sya kung hindi nga lang siya nagkukulang ng atensyon sa pag-aaral; sana pala ay hindi ko na lang siya binigyan ng chance na ma-prove muli ang kanyang sarili nung nakita kong parang hindi na siya kasing-sipag tulad noong unang markahan.

At sana ay may marating siya sa ‘attitude’ niyang ganun. Dahil ang saklap naman na ma-attitude na nga siya, di pa nga siya tapus ng senior high ay ang taas na ng tingin niya sa kanyang sarili. Kahit di na niya ako guro, hangad ko ang kanyang tagumpay (#charot! Haha).

Sa kabuuan, masaya namang lahat ang mga encounters na ganito with my former students. At habang tumagatagal ata ang isang guro sa kanyang propesyon, mas lalong dumarami ang ganitong tagpo. Kahit saan mapunta, may magsasabing “Hi Sir!”.



Miyerkules, Nobyembre 23, 2016

09 at 23


2016.11.09

     Kung hindi ako mag-i-enroll ngayong sem, anu naman kaya ang gagawin ko tuwing sabado?
…tatambay sa national library para doon magbasa, at mag-blog.
…tumambay sa luneta o kahit saan pa sa maynila para mangalap ng istorya.
…makitulog sa bahay ng iba tuwing byernes ng gabi at uuwi ng sabado ng gabi.
…magpagala-gala sa malls?
…mag-bike kaya sa umaga at tumambay sa tulay sa may Bulacan?
…manuod ng movies? documentaries?
…gumawa ng art crafts.
…magtanim ng halaman at itala ang paglago nito bawat linggo.
…magkulay gamit ang color pencils.
…maglakad nang maglakad, kung saan man mapadpad.

     Naalala ko ang klasmeyt kong si Steph na nag-aaya sa pag-attend ng The Feast, tuwing sabado raw iyon. Kaso lang, hindi ko alam kung bakit kapag nasimulan ko na ay di nagtatagal ang pag-attend ko sa mga ganito. Ano bang mga ayaw ko? Una ay yung cell group na tinatawag. Tapus meron kang cell group leader. At bawat isa sa mga myembro ng cell group ay maaaring maging potensyal na leader sa hinaharap na siya namang magha-handle at bubuo ng sarili niyang cell group. Parang recruitment ang dating. Parang clan.

     Mag-jogging sa UP?... Tutal yun naman ang laging bukambibig ni Dreb. Kaso ang layo naman kung para sa pagja-jogging lang. Pwede naman akong mag-jogging dito sa lugar namin, na minsan maputik kung maulan at madalas mausok dahil sa mga trak at sasakyan.

     Sumagi rin sa isip ko yung maki-‘sit in’ sa klase na nabasa ko sa isang post ni Pete. Pwede kaya akong maki-sit in kahit di naman ako dun kasalukuyang nag-aaral? Gusto ko rin ma-feel na ma-inspire ng marami pang iba. Kung mabasa man nya, sana ay ayain nya kami nila Eldie at Neri. Naalala ko, parang field study lang namin noon, nakiki-observe sa klase ng mga teachers.

     Tapus itong si Jord, na nitong nakaraan lang ako na-add sa fb ay nakikita kong laging may isini-share na tungkol sa mga NGO’s (kung hindi ako nagkakamali), basta tungkol sa mga social works ganun. Anu kaya kung maging parte ako ng isang NGO? Maging volunteer? Naalala ko tuloy yung isunulat ni cher Kat sa isa sa mga post sa kanyang blog; ang sabe nya ang ilan sa kanyang mga post ay naglalaman ng mga “what-ifs, could-have, at would-have” thingy. Nung nai-type ko ang “Anu kaya…” bigla na lang rumehistro sa isip ko yung nabasa ko sa kanyang blog. At na-realize ko (sa marami nang pagkakataon) na “ako rin pala ganun”.

     Nung isang araw, sa seksyon na pinakapaborito ko sa lahat; pinaka-peyborit ko sanang pag-walk-out-an hahaha; ang sabe ng isang bata – “ang bilis pala ng oras kapag alam mo yung lesson kasi nakinig ka”shet, gusto kong mag-celebrate! Isa sa mga di palakinig sa klase, naringgan ko ng ganun, gusto ko nga sanang batukan pa eh kasi patapos na ang 2nd quarter, ngayon nya lang yun na-realize?... Paano kung nakita nyang bagsak pa rin ang kanyang marka? Kasi ang tamad nya. Madi-discourage kaya sya?... Tapus “ang sarap daw sa feeling ” na makatapus ng activity, palibhasa minsan lang magawa ng gawain. Na-observe pa nga nila na noong araw na iyon ay first time nilang nakita na makapal ang hawak kong mga output, ibig sabihin maraming nagpasa. Saglit lang naman ang “celebrate-life-feeling” na yun, kasi subok ko na ang seksyon na ito, minsan nagsisipag, madalas mga tamad. Pinayuhan ko ang sarili kong ‘wag umasa’ dahil ningas-kugon lang nila yan.

     Gusto ko pa ring patuloy na sungitan ang ilang mga estudyante. Paminsan-minsan, o madalas para sa iba. Para matanggal naman ang apog ng kaangasan at ka-“feeling close attitude” nila sa mga teachers. Hindi ko gusto ang ilan sa mga ugali ng kabataang mag-aaral ngayon, dagdag pa, very distracted sila sa pag-aaral dahil sa kung anu-anong social media, games or apps o iba pang gawain na pinag-aaksayahan nila ng oras. Gusto kong ibalik yung attitude/ugali ng mga estudyanteng may galang, may sipag at tiyaga sa pag-aaral. Hindi mga pabaya. Hindi yung mga makapag-aral lang.


2016.11.23

Nag-enroll pa rin ako this sem. At oo, mukhang walang matutupad sa mga nailista ko sa itaas. So, good luck sa haggard kong pagkatao.


Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

"and"


Sa photocopy-han…

…may nagtanong ng presyo ng ink ng printer –
“Magkano yung ink na BLACK and WHITE?”

Nag-‘kru-kru’ ang paligid. Di ko siya ‘gets’.
                Deo ba un, or anu?
               
Pero ‘peyborit’ ko pa rin yung –

                “Pa-photocopy nga, BACK and FORTH.”

Kasalanan talaga yan ng “and”.



Miyerkules, Nobyembre 9, 2016

umaasa-kind-of-thinking


2016.10.02

Nagsusulat ako dahil halos isang buwan na hindi ko na rin nagagawa ang pampalipas-oras na gawaing ito. Sa sobrang dami ng nangyari noong nakaraang buwan ng Setyembre, hindi ko magagawang sabihin yung madalas i-post ng iba sa fb na “September, be good to me!” Lumipas na ang Setyembre at hindi ito naging mabuti sa akin hahaha. Ang naging mabuti lang ay kung paano ako naka-survive sa mga moments ng pagka-haggardness. Siguro, sanayan lang... at nasanay na lang siguro akong maging haggard. Tutal ang sabe, base sa nabasa ko nuon tungkol sa ating perceived self-efficacy, kung mas marami ka nang nalampasan na mahihirap na tasks o mga gawain na nahirapan kang tapusin ngunit napagtagumpayan, tumataas ang paniniwala natin sa ating sarili na malalampasan ang kasalukuyang mahirap na gawain. Kumbaga, kung ang mga “iyon” nga ay nalampasan mo, ang mga “ito” pa kaya. Kaya kahit maraming factor ang humahadlang para maka-survive, maging hopeful tayo sa theory na iyon ni Albert Bandura.

                At hindi naman talaga natatapos ang mga gawain. Anu pa bang bago? Kaya sana ay nasa mabuti kayong kalagayan, at hangad ko ang inyong kaligayahan, sana ganun din kayo sa akin lol.


2016.11.09

Isa marahil sa maituturing na negatibong epekto (parang nag-backfire lang) ng paniniwala ko sa theory of self-efficacy ay ang mismong paniniwala ko na matatapos ko rin ang mga gawain. Ang resulta, kakapaniwala ko, wala na tuloy ako maumpisahan, o kung meron man pahirapan pa. Parang false hope; parang umaasa-kind-of-thinking. Pero kapit tayo sa motto ng Maynilad - “dadaloy din ang ginhawa.”


Lunes, Nobyembre 7, 2016

...ang titik M.


2016.09.25

Mabuti na lang, kahit paano ay napilit ding gumana ang ilan sa mga sirang keys dito sa keyboard ko. Nasira ang huling mouse na ginagamit ko dahil nabagsak ko ito nang hindi sadya noong mga araw na may problema ang kuryente dito sa bahay. Nakabili naman ako ng bago, yun nga lang, maliit lang siya, sa laki ng kamay ko hirap akong hawakan ito; nakakangalay gamitin. Kung naabutan ko lang sanang bukas ang cd-r king eh di sana ay nakapili pa ako ng mas akmang mouse kesa sa ginagamit ko ngayon; at kung di ko lang talaga kailangan, eh di sana ay di muna ako bumili. Napakabilis ng paggalaw ng cursor, paano ba ito pabagalin? Pag binago ko naman yung setting parang sa touchpad lang applicable at hindi sa nakakabit na mouse. Kaunting galaw lang kung saan-saan na napupunta ang cursor sa screen… ganito siguro talaga ang mouse na tig-150 lol.

Na-miss ko na ang pagsulat ng kahit na anek-anek lang at saka ang magbasa ng mga blogpost. Pero sa dami ng mga gawain na nakakaumay nang gawin, di ko na nagagawang magbasa ng mga blogs. Dagdag pa na ngayon ay kapag umuulan ay nawawala ang signal ng internet dito sa bahay.

Gusto kong magpakulay ng buhok… yung dark copper brown.


2016.11.07

1. Nakasanayan ko na lang din na gamitin itong maliit na mouse na may effect pang kulay blue na LED light kapag ginagalaw. Ang lakas maka-jejemon ng mouse na ito tuwing ginagamit ko lol.

2. Sa kabutihang palad, nabalik na ang ulirat ng anim na pasaway na keys ng keyboard ng primitibong netbook ko na ito. Ngayon ay maginhawa na ang pagtipa. Yun nga lang may bagong nagloloko, isa lang naman at hindi pa malala… ang titik M.

3. Hindi pa rin ako nakapagpapakulay ng buhok ng dark copper brown. Itim at puti pa rin ang mga hibla. At hindi ko na rin naman balak pa.


Lunes, Oktubre 31, 2016

ito na ang una at huli...


                Okt. 29, Sabado – sa LRT, sa di ko na matandaang istasyon, sumakay ang isang grupo ng mga kabataan na mga maiingay. Masikip na nga, maingay pa. Pinag-uusapan nila ang kung ‘anek-anek’ na output na kailangan nilang ipasa. Sa tantiya ko, kung hindi sila mga estudyante sa kolehiyo, mga senior high school students sila. Sila ay nasa bandang kanan ko nakatipon, sa dulo  malapit sa pintuan ng tren (Pinto pa rin ba ang tamang term kapag  tren? Feeling ko may iba pang tawag dito hahaha).

                Sa kaliwa, bandang likuran, isang maliit na grupo naman ng kabataang kalalakihan. Mga mukha o may lahing chinese ang iba, mahihinuhang sila ay mga estudyante ng isang private school. Malinis at mayaman tignan, pero hindi ko naman sinasabi na madumi at mahirap tignan yung naunang grupo lol. Napaka-judgmental. Pinag-uusapan ng maliit na grupong ito ang tungkol sa outer space, ang nebula, ang black hole, ang pagkakatuklas sa isang planeta na kahalintulad daw ng Earth; at tinatanung ng isa sa kanila kung ano ang mangyayari kung sakaling higupin ang isang bagay ng black hole, o kung posible bang mabuhay sa planetang natuklasan na kahalintulad daw ng Earth. Sa dinami-rami ng pag-uusapan, ang mga bagay na iyon pa talaga. Kung may mga konkreto lang din akong sagot eh di sana ay nakisabat ako hahaha. Pero, tanung ko rin ang mga katanungan nila. At pareho lang din kami ng mga sagot; mga hinuhang sagot batay sa kakaunting nalalaman.

                Sa dami ng ‘ganap’ sa buhay ngayon (mga makatotohanang pagkaabala sa buhay at pagkatulala kung minsan), lumipas na ang halos dalawang buwan na walang update sa blog kong ito. At bago man lang matapos ang buwan ng Oktubre, at least nakapag-post ako ng isa. Achievement na! Lol.

                Ito na ang una at huli kong entry para sa buwan ng Oktubre.


Huwebes, Setyembre 1, 2016

"nakakaumay ang pagkayas sa makating gabi..."


                May twitter account na pala ako (actually, iyon ay binuhay na account lang; mabuti nga’t natandaan ko pa ang password). Sa palagay ko kasi ay mas payapa sa twitter.

                One time, nakita ko na naka-follow na si Neri (at tatlo pa, ang dami na hahaha). Sa twitter ko sinimulang ibahagi ang ilan sa mga recent na nagagawa kong blogpost. So, ngayon marahil ay alam na ni Neri (pati na si Eldie) na mayroon akong blog. Na madalas, sa mga nakalipas kong posts, ay nababanggit ko sila, dahil sila lang naman ang lagi kong kasama tuwing weekend (sa eskwela, sa pagkain at kaunting gala).

                Binalak ko rin naman na i-share ito sa kanila. Pero di ko lang talaga magawa. Ang una kong rule ay para lang ito sa makakatuklas nang hindi ko sinasabi (at sa ilan, wala pang sampu, na sinabihan ko, so ako talaga ang naunang nag-break ng sarili kong rule).

                May mga naiisip na akong ideya na maaari kong idagdag sa blog na ito sa tulong nila Eldie at Neri (kung willing lang naman sila na suportahan ako sa ‘eklat’ na ito). Feeling ko may mabubuo na akong staff hahaha.

                Maiba lang. Kanina ay kinakayas ko ang mga stalk ng gabi para makakuha ng fiber (na kakaunti lang naman) para makagawa (sana) ng handmade paper. Habang nakakaumay ang pagkayas sa makating gabi, naisip ko na maganda sigurong summer activity para sa mga pamangkin ko ang paggawa ng recycled paper at/o ng handmade paper na mula sa mga halaman. Kahit pa naniniwala ang ilan sa mga pamangkin ko na hindi ako 'teacher' dahil ang teacher daw ay nasa school, so dahil nasa bahay nga naman ako tuwing kasama sila, kaya di nila ako maituturing na teacher hahaha. Oks lang din. Ayoko rin naman magturo sa mga makukulit… pero na-visualize ko lang na maganda rin ang mga ganung activities sa kanila para makapag-bonding at para di lang harutan at panggugulo ng bahay ang ginagawa nila tuwing sila ay nandito.

                Nabasa ko sa isa sa mga librong nabuklat ko (habang nanggagalugad sa SM noong sabado) – ang sobrang stress at pressure ay may hindi magandang dulot; dahil sa mga ito kaya minsan ay nahihirapan tayong mag-focus, na ang resulta ay hindi tayo nakagagawa ng maayos at tama. Kaya kahit ano pa man ang ating mga gawain at pinagdaraanan… kalma lang! Pasasaan ba’t maiiyak ka rin sa sobrang stress at pressure hahaha. Pero, tulad ng nakabitin dito sa may curtain rod sa aking kwarto, ang nakasulat ay “Don’t Quit.” (Huwag gumamit ng kuwit… korni).



Lunes, Agosto 29, 2016

topaz 05: Storm


                Pinalitan na namin si Storm bilang presidente ng aking klase. Ito ay dahil sa napakaraming pagliban niya mula noong matapos na ang training at laban nila sa volleyball. Sayang, dahil malaki pa naman ang potensyal ni Storm bilang leader; sa katunayan, siya pa nga ang captain ng volleyball team. Nabanggit niya na noong siya ay nasa grade 9 ay dati na rin siyang napalitan sa pagiging class officer – napalitan siya dahil di na niya magampanan ang kanyang “tungkulin” sa kanilang pangkat.

                Naalala ko, isa si Storm sa mga aktibo na nagpa-participate sa klase… kaya nanghinayang din ako sa kanya… ipinagtaka ko pa nga ang maraming line of 7 na marka niya sa card noong siya ay grade 9 gayong may husay din naman siya sa klase… pero ngayon alam ko na kung bakit. Resulta iyon ng kanyang mga absences dati… na nangyayari na naman ngayong siya ay grade 10 na.

                Nung minsan ay bigla na lang ulit pumasok si Storm… kinamusta ko siya at tinanong kung bakit napakatagal na niyang absent sa school. Ang sabi niya dapat daw ay magpapagawa siya ng sulat sa kanyang magulang (na siya ay nagkasakit) para pagtakpan ang kanyang mga absences pero sinabi naman niya na ang dahilan ng kanyang pagliban ay dahil sa kanyang katamaran – ramdam ko naman ang kanyang sinasabi noong araw na yun, walang motivation ang batang ito sa kanyang pag-aaral.

                Tinanong ko na lang kung bakit siya pumasok noon ding araw na iyon… ang sabi niya – may nakita raw kasi siyang isang elementary pupil (na nakausap niya saglit) na pumapasok kahit na hindi kalakihan ang baong pera; na-realize raw niya na kung yung bata nga na iyon ay pumapasok pa rin kahit maliit lang ang perang baon bakit hindi siya na kumpleto naman ang baon sa eskwela.

                Akala ko naman dahil doon ay magbabago na siya; makalipas lang ang ilang araw nawala na naman siya sa klase… at kung kelan malapit na ang periodical test ay saka naman papasok. Hindi lang naman siya ang ganito sa aking klase, ililista ko na rin sina Balbuena at Gozon.

Pahirapan pang makausap ang kanilang magulang, hindi ko tuloy malaman kung aware ba ang mga magulang ng batang ito sa nangyayari sa kanilang mga anak; walang contact number, hindi naman umaattend sa GPTA… yung iba namang magulang kung hindi nagta-trabaho sa ibang bansa ay magkahiwalay naman kaya kung kanino na lang ata na relative ibinilin ang anak; mabuti sana kung katulad nila ang tita ni Borjal na bumibisita talaga sa eskwelahan (kahit pa nga hindi ko naman ipinatatawag) para malaman ang mga updates ukol sa kanyang pamangkin.

Naalala ko noong nakaraang school year, sila Erica at Alfred ay binisita ko pa sa kanilang bahay para lang maibalik sila sa eskwelahan… mukhang napaaga naman ata ang paghingi ng tungkulin na “home visitation” para sa mga hawak ko ngayon… makaahon lang ako sa ibang gawain, magkakaroon sila ng di inaasahang bisita.



Biyernes, Agosto 26, 2016

dagli 17: "...bahala na ulit si Batman."


                Mas malaki pa ang keyboard na gamit ko ngayon kaysa sa aking primitibong netbook. Sira pa rin ang ilang mga keys nito (pinaasa lang ako kamakailan nang bigla na lang gumana ang lahat, pero makalipas ang ilang araw ay bumalik na naman sa dati nitong depekto)… kaya pansamantala, kinuha ko muna itong keyboard sa desktop na matagal naman nang hindi nagagamit. Nakakapanibago lang sa pagta-type dahil mas kailangan dito ng “diin” sa pagtipa… kumbaga mala-typewriter ang peg; pero mas gugustuhin ko na ‘to kaysa naman palipat-palit ang kamay ko sa keyboard at mouse para lang ma-click sa on-screen keyboard at ma-encode ang ilang mga characters.

                Ang lagay ng buhay ngayon ay “whirlwind” pa rin ng mga gawain… ang sabi naman eh “tough times don’t last; tough people do”. May mga gawain na okay din sanang pag-ukulan ng effort at oras, pero dahil nagsasabay-sabay ang mga ito “I can only do so much”.

                Ang tanging winner para sa week na ito ay nang mapalitan ko na ang aking table; ibig sabihin ay hindi na ito ang dati kong messy na table, kaya in other words ay nakapag-organize na rin ako ng aking mga gamit (kahit di pa 100% pero at least na-sort ko na ang mga bagay-bagay kaya nagkaroon na rin ng kaliwanagan ang aking kwarto, sa wakas kwarto na ito! Nag-evolve na mula sa pagiging bodega). Hindi na rin nakalagay sa plastic box, kahon ng sapatos at ilalim ng kama ang mga libro ko dahil nailagay ko na silang lahat sa isang bookshelf. Kaya kahit haggardness ang mga things-things na dapat gawin feeling fresh pala ang dulot ng isang table na hindi napupuno ng mga gamit at/o kalat pati na rin ang makita na kahit paano ay may kaayusan na ang kwarto ko.

                Ang tanging tanong ko lang para lahat ng mga dapat kong gawin at tapusin ay “Paano ba ako makaka-survive?” Syempre, bahala na ulit si Batman.



Miyerkules, Agosto 10, 2016

anino atbp.


                Sabado.

                Ang sabi ni Prof. M (tatagalugin ko na lang) “kahit na ang ating anino ay iiwanan tayo sa dilim; kaya nararapat lamang na may mga bagay tayong nagagawa nang mag-isa… yung hindi umaasa sa iba.” Hindi ko alam kung ito ba ay ‘hugot’ nya noong araw na iyon, o sadyang tinadhana na ipatama sa akin hahaha. Kaka-text ko lang din noon kila Eldie at Neri, magpapasama sana akong bumili ng uniform sa SM Manila o North o kahit sa Divi (kung saan meron at kung sila ay available). Ito ay sa kabila nang napakalapit ko naman at madaraanan ko pa pag-uwi ang SM Manila… hindi ko lang talaga feel ang magpunta at maglibot doon nang mag-isa.

                Sakto namang huli na nang mabasa nila Eldie at Neri ang text ko, pauwi na sila (galing sa library ng ibang unibersidad). Maaga ring natapos ang klase; gustuhin ko mang tumambay muna sa library ay lowbat naman itong primitive kong laptop na may anim na keys na hindi gumagana, da best talaga! Kaya minabuti ko na lang na mag-stay sa klasrum at mag-charge muna habang kausap ang isang klasmeyt sa likod about sa kanya at sa ilang mala-MMK na buhay at pakikibaka ng isang buhay-guro. Yung ibang kasama namin ay mas pinili na lamang na matulog (siguro ay may last subject pa sila, o nagpapahinga lang bago sila umuwi; yung iba naman ay nag-ubos na lang muna ng oras sa panunuod ng Korean movie o tv series ba yun (di ko na kasi inusisa eh) sa kanilang mas high-end na laptop, ang alam ko lang emote sa reaksyon ang klasmeyt namin na yun habang nanunuod).

                Lumabas na rin ako ng eskwelahan matapos magpaalam ng aking kakwentuhan; pupunta raw muna siya sa library at gagawa ng assignment sa Statistics. At parang holiday lang ang madalang na pagdating ng mga jeep sa labas. Napansin ko, habang naghihintay ng masasakyan, na nakabukas ang gilid na gate ng San Sebastian Church na dati namang nahaharangan lang ng mga nakaparadang sasakyan. Kaysa naman tulalang creature lang ako sa gilid ng kalsada, doon na lang muna ako nagpunta. Doon ako dumaan sa noon ko lang nakitang bukas na gate sa gilid ng simbahan.

                Kaya naman pala, sa gilid kasi nakatayo ang isang pop-up library (ng The Book Stop Project) at dali-dali pa akong naglakad papunta doon na akala mo ay mauubusan ako ng espasyo at pwesto samantalang isang babae lang naman yung nakaupo at nagbabasa sa pop-up library nung mga oras na iyon. Hindi ako nagmadali nang dahil kay girl, nagmadali ako dahil excited akong makita kung anu-anong mga libro ang naroon hahaha. Sad to say, ang kaunti na lang ng mga libro, naisip ko naunahan na akong mamiyesta ng iba. Ang sabi, maaari kang kumuha ng librong nagustuhan mo pero dapat ay magdo-donate ka ng kapalit, o kaya naman ay pwede ring hiramin at ibalik. Ang tanging dala ko lang na libro sa aking bag ay ang “Erick Slumbook” na hanggang ngayon ay tinatapos (o tinatago na lang hahaha) ko pa rin – nasa mga dulong pahina na rin naman ako, kaunting sipag na lang, mapipirmahan ko na ang dulong pahina (pinipirmahan ko kasi na may kasamang date ang pinakahuling pahina ng bawat libro na matatapos kong basahin… yun ay kung matapos ko ngang talaga lols).

Sa madaling sabi, hindi ko nagawang ipagpalit ang “Erick Slumbook” ko sa alin mang libro na naroon. Dagdag pa, kung may nakita man akong interesting na science book eh luma na (yung tipong hard-bound at brown na ang kulay ng mga pahina); at saka may sentimental value na sa akin ang libro kong iyon – para ko na ngang naging kapitbahay sila Fanny at Roli, at animo’y nasubaybayan ko na rin ang paglaki at pag-develop ni Erick. Kaya matapos ang ilang pagtingin sa mga titles ng book (at hindi kay girl hahaha) ay nagtungo na lang din muna ako sa loob ng simabahan para kahit paano ay makapanalangin ng world peace. Char-mander.

                Unang pwesto ko sa loob ng simabahan ay sa bandang dulo na mga upuan. Kaso di naman ako makapag-concentrate dahil sa init at saka mas marami ang mga taong nauupo sa bandang likod kaysa unahan; kaya naisipan kong lumipat sa bandang gitna kung saan nakabukas ang malaking pintuan sa magkabilang gilid kaya tagusan ang hangin! Ikalabing-tatlong row ng upuan mula sa pinakauna sa harapan – yan ang bilang at eksaktong pwesto ng fresh na fresh na spot sa loob ng simbahan. Natakot lang ako dahil pagtingala ko ay umuugoy ang chandelier na halos nakatapat na sa akin. Dahil sa ginhawang dulot ng hangin, di na ako umalis pa sa aking pwesto… pero nakakabahala rin ang bawat “klink-klank” ng mga piraso na glass ng chandelier. Ang ipinag-aalala ko talaga ay yung masabihan akong “tanga” kapag tuluyan na nga itong bumagsak hahaha; alam ko na ngang malakas ang hangin at umuugoy ang chandelier pero dun pa rin ako pumwesto, nasaan ang aking logic?! Pero dahil matibay naman ang tension force ng tali/kordon na sumusuporta sa chandelier at bilang di naman sapat ang torque na nililikha ng hangin bilang unbalanced force na nagdudulot ng pag-ugoy nito kaya safe and sound pa rin naman ako hanggang ngayon.

                Ang ikinairita ko lang ay hindi ko matapus-tapos ang panalangin kong may kinalaman sa world peace, dahil una nadi-destruct ako sa dalawang lalaking nasa unahan ko na akala ko ay nagko-confess sa isa’t isa pero yun pala ay nag-uusap tungkol sa mga principal nila hahaha (o baka mali rin ako ng pag-intindi sa aking narinig). Dagdag pa na sa mismong likod ko ay may mag-jowa rin na kwentuhan nang kwentuhan at ginawang park ang loob ng simbahan. Pinag-uusapan nila ang kanilang midterm, mga schedule ng bayarin sa eskwelahan, kanilang mga kagustuhan o preference sa buhay, ang kanilang buhay-estudyante at marami pang iba. Kaya in-enjoy ko na lang ang hangin (pati na yung pag-klink-klank ng chandelier… oh sige pwede na ring idagdag yung pakikinig ko sa usapan nila, no choice eh!).

                Alas-kwatro na ng hapon nang lumabas ako ng simbahan, at nakita ko na mas marami nang tao sa may pop-up library; kukunan ko sana ng picture kaso nahiya naman akong magmukhang stalker ni girl (na nakaupo pa rin doon at nagbabasa).

                At nagpunta akong mag-isa sa SM Manila. Habang patungo ako sa BookSale ay sinalubong ako ng mga nag-aabot ng kung ano mang paraphernalia na hindi ko na mabasa dahil kulang na lang ingudngod nila ito sa bawat tao na makakasalubong nila. To appreciate their effort, kumuha ako ng isa, akala ko kasi parang mga flyers lang na kapag kinuha mo sa kanila ay solve na! Yun pala may sulat-sulat pang event. Inabutan ako ng pulang bolpen ng isang agent (na lang ang itatawag ko sa kanya) at sulatan ko daw muna. Ginulo-gulo ko ang sulat ko, kunwari ay cursive na pang-doktor. Alam ko na rin naman ang susunod na mangayayari, sasabihin na ito ay raffle-thingy tapus hahanapan ka ng ID pati na ATM. Sa sarili kong pananaw, hindi dapat hinahayaan ang ganitong mala-harassment na pagbibigay ng info, at saka bakit ako magbibigay ng info sa tulad nito na hindi ko naman lubos na naiintindihan. Pinakita ko na lang ang student ID ko, sinabi kong wala akong dalang ATM o kahit na ano pang ibang ID; echos kong pinirmahan ang pirasong papel na sinulutan ko nung una. Iniwan niya sa akin ang mas malaki pang bahagi, sinulat nya ng kanyang numero, i-text ko raw siya pag nanalo ako… nye!

                Lumakad at umakyat na ako gamit ang escalator para hanapin ang Department Store. Tapus, hindi ko mabalanse sa isip ko (kung meron man) kung bakit kapag mayaman ay bagay sa kanila ang magpunta ng mall kahit pa nakapambahay lang – may nakita akong nakasuot ng lumang sando, naka-shorts at tsinelas, pero dahil halata naman sa kutis at itsura na may sinasabi sa buhay itong si kuya ay parang okay lang na ganun syang magbihis at magpunta sa pampublikong lugar gaya ng isang mall. Kasi inimagine ko na kung ako yung may suot ng outfit nya baka di ako papasukin ng guard! Hahaha.

                Nilibot ko ang section ng Men’s Wear para maghanap ng kakulay at halos kaparehas na design na polo-barong na uniform namin ngayon. Meron naman nung kulay white na hinahanap ko, yun nga lang wala nang ibang size kundi large (naubos na raw agad). Meron din nung hinahanap kong off-white… pero gusot-mayaman lang ang tela. In other words, bigo ang nararapat na salita.

                Ang tanging tagumpay ko lang nung araw na iyon ay nang magawa kong magpunta, maglibot at magtanung sa sales clerk nang mag-isa – ito lang naman talaga ang nais kong ipabatid sa aking istorya.



Linggo, Agosto 7, 2016

dagli 16: lights out


                Wala kahit na kaunting pangamba kong inakyat ang ikatlong palapag ng bahay. Umuulan kasi nang malakas, nag-alala ako na baka nakalimutan o may hindi naisara na bintana (ang lagay eh aanggi ang tubig-ulan sa kwarto, masisisi pa ako lols).

Wala rin ni isang ilaw na nakabukas kahit pa sa may hagdanan. Walang-wala lang din sa isip ko ang pumanik kahit na madilim, binuksan ko ang pinto, kinapa sa kanang bahagi ng pader ang switch. Nang mag-on at magliwanag ang kwarto, inisa-isa ko ang bawat bintana, mabuti na lang lahat naman ay nakasara… walang problema.

Nasa tarangkahan na ako ng pintuan para patayin na muli ang ilaw nang maalala ko ang isang pamilyar na eksena sa pelikula na Lights Out... naisip ko kapag pinatay ko na ang ilaw sa kwarto mababalot na ako ng dilim. Ang ginawa ko – binuksan ko muna ang ilaw sa may hagdanan para kung papatayin ko na ang ilaw sa kwarto ay meron pa ring liwanag, at mabilis ko nga itong pinatay dahil ayokong makita si Diana! Ayokong magbukas-sara ng ilaw tulad ng sa pelikula. Kaya imbes na papatayin ko pa ang ilaw sa may hagdanan bago ako bumaba ay iniwan ko na lang itong nakabukas hahaha.


Huwebes, Agosto 4, 2016

dagli 15: P ; : “ . ‘ ?


                Sa kagustuhan kong maintindihan pa at maayos ang ginawa kong proposal, nag-download ako ng ilang pdf na maaari kong mabasa o gawing reference… ganun din ang ginawa ko para naman sa naging take home na prelims. Marami akong na-download na babasahin para dun sa take home na prelims (yung iba ay swak sa topic, others are related lang); napansin kong may mga files na nasa mga 20-30 pahina (may ilan na aabot ng 100 pages na); nagdalawang isip na nga akong i-download dahil baka di naman sapat ang oras para mabasa ko yun lahat. PERO… dinownload ko pa rin (feelingerong masipag magbasa, samantalang ang isang libro nga ay inaabot pa ng ilang buwan bago matapos… ang dahilan ko naman kasi ay BUSY lols).

                Wala naman kasi akong isasagot kung hindi ako makapagbabasa, hindi naman kasi opinyon ang hinihinging mga sagot; halos lahat ay kailangang i-discuss, ikumpara na may mga factual basis as support. Kaya kahit marami akong nai-download ay okay lang, naisip ko, pwede namang mag-skip read sa ibang mga parts na hindi naman ganuon ka-importante. Ang mahalaga ay may mapagkunan ako ng idea.

                Nakagawian ko nang mag-anticipate muna ng mga gawain; halimbawa, kung gaano karami ang dapat kong basahin, tignan yung mga pages na may relevant info, pagtantya sa oras kung gaano ko ito katagal gagawin. In short, naging panatiko na ata ako nag pag-o-OVERTHINKING. At oo, tunay na nakakapagod (sa isip) ang pag-o-overthink kong ito… na minsan umaabot sa puntong umiidlip muna ako.

                Ang sabi nga eh – “life is full of surprises!” At na-surprise talaga ako nang magising ako ng alas-kwatro na ng madaling araw! Nasaan ang idlip doon? Na-derecho ko na sa tulog! Kailangan ko ring maagang makaalis or else late na naman sa first class ko.

                I kept myself calm habang nasa byahe… pampalubag-loob ko na yung katotohanang may break naman in-between classes so pwede pa akong makagawa. Sa school canteen na lang ako nag-lunch with caldereta ba yun (hindi ko ma-recognize hahaha) at saka yung refreshing na avocado shake! Feeling recharged, dumerecho na ako ng library para makapagbasa at mag-type.

                Alangan akong magbasa habang nasa library, nakikita ko kasi yung battery ng laptop ko na low level na, wala naman akong mahanap na saksakan sa lib… kaya imbes na dun na lang sana ako gagawa kasi aircon, pumunta na lang ako sa room namin para makapag-charge. Nadatnan ko ang ilan sa mga kaklase ko sa room, lahat sila ay relaxed lang (chika mode) at mukhang na-accomplished na nila ang kanilang paper. Samantalang ako, haggardness at beast mode sa paggawa. At dagdag “challenge” at “surprise” pa ng buhay ang sira kong keyboard (hanggang sa mga oras na ito, at ilang buwan nang nakalipas). Sira ang mga keys ko para sa mga characters na –
P             ;               :               “              .               ‘               ?

                Kaya kini-click ko pa sa on-screen keyboard gamit ang mouse (dahil hindi naman-touch screen ang laptop ko at pasaway na rin ang touchpad kong ito kaya kinakailangan ko pang mag-mouse) kapag kailangan ko ang mga characters na iyon. Isipin na lang ang dilemma ko sa pagta-type – yung letrang P ay kina-copy-paste ko pa (Ctrl-V) para lang maging dere-derecho ang pagtipa ko sa keyboard, pero kapag kailangan ko nang tuldukan ang isang pangungusap (o gumamit ng colon o semi-colon) ay palipat-lipat na ang mga daliri ko sa keyboard at mouse… at dahil dun, ang saya talaga!

                2:30 ng hapon nagsisimula ang huli kong klase. Tinantya kong dapat alas-dos ay tapos na ako, bababa pa kasi ako mula 3rd floor hanggang sa labas para makapag-print; inisip kong ilaan ang 30 minuto para dun at saka nang di naman ako maabutan ng prof na haggardness hehehe. Dalawang pahina lang ang nagawa ko at sa humigit-kumulang sampung files na-download ko –  isang article (at nakapag-open lang ako ng 1-2 na related) at sinamahan ko lang ng ilang ideya na nakalap ko sa mga nakaraang discussion. At hindi talaga ako satisfied sa gawa kong iyon, pero worst scenario na ang turing ko kung sakaling di ako makapagpapasa. Naulinigan ko na lang mula sa aking sarili yung lagi kong binabanggit sa aking mga estudyante na nagpapasa ng late – “sige magpasa pa rin kayo, pero di ko na yan mabibigyan ng mataas na score, pero at least hindi kayo zero” – feeling ko, pinaringgan ko lang ang sarili ko lols.

                Alas-dos pa lang, eksaktong kaka-shut down ng aking laptop ay dumating na si Sir M. Pagkabati, hiningi agad ang aming output… umexcuse ako saglit, bumaba, nagpa-print (nasaktuhan kong ako lang ang magpapa-print sa computer shop) kaya nakabalik ako agad in less than 10 minutes…

                …at nagpasa. Hindi 100% feeling relieved. Dahil ang alam ko lang ay nagpasa ako.

                Ilang saglit pa, nang makita ni Sir M na wala naman na siyang hinihintay pang iba (lalo na’t marami rin ang absent nung araw na yun, na ang tanong ko rin ay “bakit?”) ay dinismiss na niya ang aming klase.

                Minsan ang buhay ay parang “whirlwind” ng mga gawain.

                “Hay naku!” – Onyok, Ang Probinsyano (2015).



Lunes, Agosto 1, 2016

dagli 14: reporting


                Nagmadali akong pumunta ng library matapos kumain ng lunch. May report ako; nabasa ko na yung ilang bahagi, ang problema ko na lang ay ang powerpoint… di pa ako nakapag-prepare ng presentation. Ang ginawa ko, ipinares ko na lang yung template o design dun sa mas inuna kong tinapos na report (na hindi ko naman nai-present; sa puyat ko makatapos lang ng kahit na isa, feeling-haggard na ako para mai-present pa ang isa sa natapos kong report… sa madaling sabi, pinauna ko na lang yung ka-partner ko, para di naman masayang ang suot nyang polo hahaha. Alam kong parehas kaming nag-anticipate na makapagri-report noong araw na iyon, pero sa natirang oras matapos nung nauna sa amin, isa na lang ang pwede, kaya pinauna ko na siya.

Ang target ko pa naman noong sabado na iyon ay mai-present na ang nagsabay kong dalawang report; pero dahil nagparaya ako sa isa, ang lagay eh dun pa ako masasalang sa hindi ko masyadong napaghandaan. Pagtingin ko sa wall clock sa library, isang oras na lang bago ang sunod na klase. Naalala ko yung cartoons na Jimmy Neutron - feeling ko naramdaman ko yung adrenaline rush nya sa tuwing nag-iisip sya ng ideya. Habang nag-outline ako ng report sa bawat slide, sya namang sulat ko din ng notes sa notebook ng mga mahahalagang keywords na dapat kong mabanggit para mapadaloy ang ideya ng diskusyon. Tipa sa keyboard, sulat sa notebook… salitan para walang sayang na moment.

Ang ending… okay naman ang kinalabasan ng isang oras na preparasyon para sa powerpoint. Nakatulong din yung may nabasa na ako kahit paano at sakto na medyo related ang report kong ito sa nauna ko nang natapos na subject. Dagdag pa, mabuti na lang at naging participative ang aking mga kaklase; naging relatable naman o nakaka-relate ang topic kong may kinalaman sa sistema ng edukasyon lalo pa nga’t hot topic pa rin ang K-12, ang senior high at samu’t saring karanasan ng mas may experience pa sa akin na mga guro. Dahil sa kanilang mga input, ang naging role ko na lang ata ay tagapagdaloy at taga-synthesis ng kanilang mga sinabi at kung ano pa man ang natira sa aking isip na hindi pa nila nabanggit.

To make it short, naka-survive naman ako noong araw iyon.

Hay naku.



Biyernes, Hulyo 8, 2016

topaz 04: mahiwagang notebook


                Noong martes, nabanggit sa akin ni Storm (presidente ng klase) na may gustong lumipat sa aming section. Ang sabi ko, kung sino man sya wag na hahaha. Pinayuhan ko na, bago mangyari iyon ay kelangan muna kausapin ng student na yun ang kanyang adviser, year-level chairman at ang beis-officer. Ipinaliwanag ko na hindi basta-basta ang paglipat ng section, lalo na kung ang rason lang ay para makasama yung gusto nyang maging kaklase (hindi mapapayagan kung hindi naman mabigat ang dahlian ang ibig kong sabihin). Sa personal kong preference, ayoko na may madagdag pa sa section na hawak ko dahil nag-aayus na ako ng listahan at mga school forms dahil gusto ko sana ma-finalized na ang lahat, pero kung aapruban naman ng nasa ‘higher-itaas’ anu naman ang magagawa ko (at saka kung makabubuti naman sa bata, why not). Ehem.

                Papalabas na ako ng room, lumapit si Robles para kunin ang kanyang chip sa recitation at nagsabi sa akin ng “Sir pwede ba lumipat ng section?” Sa loob ko alam kong nakikisabat na naman ang batang ito dahil narinig nya ang naging usapan namin ni Storm. Tinanong ko na lang siya ng “Bakit?” Ang sabi niya – “Sir, ang higpit eh (raw sa section namin), lahat na lang napapansin, tapus isusulat ka pa sa mahiwagang notebook (yung anecdotal ang tinutukoy niya).” Muntik na akong matawa, nginitian ko na lang tapus ay sinabihan ko ang buong klase na maaari na silang mag-recess. Sa isip ko, “okay ah, affected sila” kaya mas lalong hindi ako titigil sa pagdisiplina hanggat hindi nagtitino ang mga makukulit na bata.



Miyerkules, Hulyo 6, 2016

topaz 03: anecdotal record


                Dapat sana ay homeroom ang schedule ko sa Topaz kanina, pero dahil wala naman akong naitakdang gawain para sa homeroom, nag-proceed na lang muna ako sa quiz namin (tutal sabi ko naman sa kanila ay ngayong lunes iyon; saka yun naman talaga ang inihanda ko para sa unang araw ng week na ito. (At bakit ako nag-eexplain hahaha).

                “Kala ko ba homeroom?” pahagip-hangin ni Robles.
                “Gusto mo ba mag-homeroom?” ang balik ko sa kanyang tanong.
                Pailing-iling si Robles, sabay sabi ng “Hindi po sir.”

                Mabuti na lang at hindi na sumagot pa si Robles nang “oo”, sasabihin ko sana “sige, mag-homeroom ka mag-isa” hahaha. Oo, bad yun. Di ko naman nasabi eh, muntik lang. Ayoko lang kasi silang nakatunganga.

                Habang nagsasagot sila, minabuti kong hingin kay Angelica (secretary ng klase) ang listahan ng mga na-late kanina sa flag ceremony. Isinulat ko ang petsa at ang detalye na “late – flag ceremony”, tinawag ko sila isa-isa at pinapirma (sa anecdotal record).

                “Sir, parang blotter? Hindi na po ba yan mabubura pag bumait na?” siya na naman (si Robles).
                “Eh di sana di ko na lang binolpen… hindi ba kayo sanay na may anecdotal record?” my reply.
                “Hindi po.,” sagot ni Robles.
                “Sanay po, meron po kami nyan dati,” sabat ng isa sa gilid.

                Kaya naman pala, palibhasa sinabi ko na sa kuhaan ng card ay ipababasa at papipirmahan ko sa kanilang magulang ang kung anu mang naitala sa anecdotal, para di ako mapagod sa kasasalita sa mga magulang tungkol sa kanilang mga anak. Naisip ko, nakadalawang tala na kasi si Robles, first-time pa ata na napunta sya sa klase na may anecdotal, at syempre mababasa yun ng kanyang magulang, kaya alam na hahaha.

                Nakakalutang talaga ng isip kapag puyat.


2016.07.04 (Monday)



Lunes, Hulyo 4, 2016

dagli 13: pango


                Kahapon ay naliwanagan na ako sa kung sino ang tinutukoy ni Clang na naospital sa NKTI (yan, ayon kay Clang, ang pangalan ng ospital). Nang tanungin ko siya kung sino, ang naging sagot niya ay si “pango”; napaisip ako, isa lang naman ang maaari naming asarin na “pango” sa grupo lol. Ang ipinagtataka ko lang, kung sya nga iyon, bakit hindi nag-organize ng pagkikita at pagdalaw ang grupo? (tulad nang nakagawian)… naisip ko na lang ulit, baka kasi busy. Mabuti na lang at nagkahuntahan kami nila Clang atbp sa faculty bago kami umuwi. Iba pa lang “pango” ang tinutukoy nya.


2016.07.02


Sabado, Hulyo 2, 2016

topaz 02: concept map


                Mabuti pa ang Topaz ko, matinong gumawa kanina ng kanilang activity. Masasabi kong effective na pang-summary o pang-generalize ang paggawa ng sarili nilang concept map. Malaking bagay na yung makita kong nakagagawa sila ng maayos na concept map; ibig sabihin kaya rin nilang ma-organize ang kanilang mga natutunan. Kaya kanina, sa klasrum, nakapagbasa pa ako ng report ko, habang pamasid-masid sa kanila. Nakukuha naman sila sa tingin, kahit pa si Miguel na hindi mapirmi sa upuan.

                Kabaligtaran naman sa… *(hindi na lang ibabahagi; mapanirang-puri lols)


2016.07.01



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...