Lumaktaw sa pangunahing content

topaz 05: Storm


                Pinalitan na namin si Storm bilang presidente ng aking klase. Ito ay dahil sa napakaraming pagliban niya mula noong matapos na ang training at laban nila sa volleyball. Sayang, dahil malaki pa naman ang potensyal ni Storm bilang leader; sa katunayan, siya pa nga ang captain ng volleyball team. Nabanggit niya na noong siya ay nasa grade 9 ay dati na rin siyang napalitan sa pagiging class officer – napalitan siya dahil di na niya magampanan ang kanyang “tungkulin” sa kanilang pangkat.

                Naalala ko, isa si Storm sa mga aktibo na nagpa-participate sa klase… kaya nanghinayang din ako sa kanya… ipinagtaka ko pa nga ang maraming line of 7 na marka niya sa card noong siya ay grade 9 gayong may husay din naman siya sa klase… pero ngayon alam ko na kung bakit. Resulta iyon ng kanyang mga absences dati… na nangyayari na naman ngayong siya ay grade 10 na.

                Nung minsan ay bigla na lang ulit pumasok si Storm… kinamusta ko siya at tinanong kung bakit napakatagal na niyang absent sa school. Ang sabi niya dapat daw ay magpapagawa siya ng sulat sa kanyang magulang (na siya ay nagkasakit) para pagtakpan ang kanyang mga absences pero sinabi naman niya na ang dahilan ng kanyang pagliban ay dahil sa kanyang katamaran – ramdam ko naman ang kanyang sinasabi noong araw na yun, walang motivation ang batang ito sa kanyang pag-aaral.

                Tinanong ko na lang kung bakit siya pumasok noon ding araw na iyon… ang sabi niya – may nakita raw kasi siyang isang elementary pupil (na nakausap niya saglit) na pumapasok kahit na hindi kalakihan ang baong pera; na-realize raw niya na kung yung bata nga na iyon ay pumapasok pa rin kahit maliit lang ang perang baon bakit hindi siya na kumpleto naman ang baon sa eskwela.

                Akala ko naman dahil doon ay magbabago na siya; makalipas lang ang ilang araw nawala na naman siya sa klase… at kung kelan malapit na ang periodical test ay saka naman papasok. Hindi lang naman siya ang ganito sa aking klase, ililista ko na rin sina Balbuena at Gozon.

Pahirapan pang makausap ang kanilang magulang, hindi ko tuloy malaman kung aware ba ang mga magulang ng batang ito sa nangyayari sa kanilang mga anak; walang contact number, hindi naman umaattend sa GPTA… yung iba namang magulang kung hindi nagta-trabaho sa ibang bansa ay magkahiwalay naman kaya kung kanino na lang ata na relative ibinilin ang anak; mabuti sana kung katulad nila ang tita ni Borjal na bumibisita talaga sa eskwelahan (kahit pa nga hindi ko naman ipinatatawag) para malaman ang mga updates ukol sa kanyang pamangkin.

Naalala ko noong nakaraang school year, sila Erica at Alfred ay binisita ko pa sa kanilang bahay para lang maibalik sila sa eskwelahan… mukhang napaaga naman ata ang paghingi ng tungkulin na “home visitation” para sa mga hawak ko ngayon… makaahon lang ako sa ibang gawain, magkakaroon sila ng di inaasahang bisita.



Mga Komento

  1. I can sense a deeper problem. Pero sana mali ako. Sana kulang lang talaga sa motivation. Nothing serious. I believe, lahat tayo dumadaan sa stage na ganun. Yung feeling na wala lang. Tinatamad lang. Pero sana kay Storm, makabangon siya. Sana makabalik siya not because of any other reason, kundi dahil na-realize niya na kelangan nya tumuloy.

    Hats off naman sa effort mo na bisitahin pa ang bata sa mga bahay nila. Ako personally, nanininiwala ako sa power ng communication at effort! Kapag yung teacher mo or any other person, nag-effort na i-check or i-convince ka.. at least na-realize mo na someone cares, there are people who trust your abilities at apart from your family, meron ibang tao na gusto ka din mag-succeed. I'm sure d ka makakalimutan ng mga students mo na nadalaw mo. Sana dumami pa ang tulad mo! Yes Idol na kita!... palibre naman joooke hahahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa ngayon ay pumapasok na ulit si Storm, at nakausap ko na rin siya.
      Hinihintay ko na lang na makausap ko rin ang magulang niya.

      Sana maging masipag muna ako bago dumami ang isang tulad ko hahaha :)

      Burahin
  2. Mag home visit ka ser. Ako ginagawa ko yan. Pero para official trip, humihingi ako nagpapaalam ako sa boss ko.

    TumugonBurahin
  3. Lider naman talaga si storm ng gold strike force eh... ay wait sorry akala ko X-men ang topic

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha :)
      ngayon ko lang tuloy naisip na itanong kay storm ang pangalan ng mga kapatid niya, baka kasi kapatid nya pala sila wolverine at cyclops :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...