Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na sabado

samot-sari: pandesal midnight snack party

2018 06 16 (Sat, 1:11 AM)             Oha! Gising pa rin ako sa mga oras na ito. Sabi ko kasi kanina iidlip lang ako, tapus na-derecho ng tulog, kaya ngayon mulat na naman. At oo, kakakain ko lang. Naiiba na naman ang mga oras ng kain at tulog ko (bakit ganun parang napaka-lazy ko, lol).             Ang palabas sa tv kanina ay yung OA Shopping, este O-Shopping pala. Ganda ng mga products, lalo na yung zero gravity chair na Php 3,000.00 lang, at take note isa lang yung makakaupo di ba, pa’no yan eh apat kami sa bahay, eh di ibibili ko na lang yun ng sofa!             Kanina, habang nagtitimpla ako ng tea na may kape at coffee mate, iniisip ko kung may kinalaman ba ang genes na meron ako (makonek lang dun sa nabasa ko sa blog ni ate Dianne… ate? yare hahaha) kung bakit ako late sleeper? o may kinalaman ba ang p...

"...anong pwede kong gawin to spice up my life,"

2018 06 09 (Sat, 9:08 PM)             Nagkita muli ang grupo para mag-edit ng action research. Napakadiwara talaga ng papel na iyon. O baka first time kasi naming gumawa, kaya hindi pa namin gamay ang format at iba pang technicalities ng papel… di bale na, uuusad din naman.             Idagdag pa na napakalakas ng ulan.             Dapat sana ay magkikita kami nila Eldie at Neri pagkatapos. Na-imagine ko pa naman na magkukwentuhan kami habang kumakain ng pansit (yun kasi ang napag-usapan) sa kainan na ang ngalan ay Batangas (ayon kay Eldie). Trip ko rin sana magpaka-food blogger hahaha. Pero hindi eh, hindi natuloy. Una, kailangan kasing matapos na ang ginagawa naming iyon. Pangalawa, alanganin na rin kasi gabi na, at umuulan pa.             Pangarap k...

bnw 03: quiapo

2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM 2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM 2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM 2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM 2018 01 06 | Sabado, 5:02 PM 2018 01 06 | Sabado, 5:03 PM 2018 01 06 | Sabado, 5:03 PM o-O-o 2018 01 06 (Sabado) Dumaan sa Quiapo Church kasama si Neri (sayang di nakasunod si Eldie, may iskedyul kasi siya sa dentista, pero nakapag-hapunan naman kami kasama siya). Pagkadating sa Quiapo, pinahawak ko muna kay Neri yung 80 pesos na science magazine na nabili ko sa Booksale. Luminga-linga sa paligid at panakaw na kumuha ng mga larawan. Nakaka-excite. Nakakabusog sa mata ang maraming tao at pangyayari sa paligid. May adrenalin rush yung moment na titignan kung anu-ano ang rumehistro sa camera; ang sarap ng feeling pag may captured story (kahit pa di naman ganuon kabangis ang mga kuha). Nakaka-intimidate... yung ginagawa ko para sa iba (kasi iniisip ko baka ayaw naman ng iba na makunan sila). Nakaka-insecu...

24. cramming

2017 10 14 (Sabado)                 Jam-pack ang comp shop; kapag patapos na ang semestre sandamukal ang pa-print at pa-rent. Idagdag pa ang ulan; umuulan ng hassle.  Pero di naman ako masyadong stress dahil kaunti lang naman ang ipapasa ko; ang ramdam ko ay yung stress nung mga kasabayan ko – yung naintindihan ko na lang na kararating lang nila sa comp shop at ang gusto ay ang file nila agad ang ma-print eh nauna pa nga ako sa kanila; meron ding nagpa-print tapus iniwan na lang kay kuya kasi exam na nila at babalikan na lang daw niya; at yung stress na si kuya sa comp shop dahil siya lang mag-isa, eh buti sana kung fans niya yung dumudumog sa kanya hahaha, eh mga estudyante na gustong maging mabilis pa sa speed of light para makahabol sa ano mang ipapasa. Cramming. Sa isip ko habang tinitignan ko sila, nagdaan din kami dyan, keri nyo lang din yan . Nararamdaman ko ang bigat sa buntong hininga ...

dirty story...

pila | 2017 11 11 | Sabado                 Ang dumi-dumi na natin , banggit ko kay Neri; sa sobrang tagal sa pila, di na namin matiis ang ngalay ng aming mga paa, kaya sumalampak na kami sa sahig. Wapakels kahit dirty. Dagdag ko pa kay Neri na i-imagine na lang niya kung saan-saan umapak yung mga kasama namin sa pila – sa putik, sa lupa atbp., tapus heto kami sa sahig, inuupuan na namin ang kung ano mang pinag-apakan ng mga sapatos nila. Tawa na lang kami sa pagka-hagardo versoza. Ito namang si Dreb, di mapakali.                 What a relief nung natapos na ang enrollment namin. Pakiramdam ko, hindi pa man nag-uumpisa ang sem ay dry na kami. Nakakapagod, kaya kumain muna kami bago umuwi.                 Marami kaming napag-usapan habang kumakain,...

to think and to feel...

September 2, 2017 | National Museum - Philippines People Photography by Pierre de Vallombreuse Ang pag-introduce kay Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines 2017 09 02 (Sat, 2:05 PM) Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines 2017 09 02 (Sat, 3:18 PM) Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines 2017 09 02 (Sat, 3:22 PM) Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines 2017 09 02 (Sat, 3:22 PM) Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines 2017 09 02 (Sat, 3:31 PM) Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines 2017 09 02 (Sat, 3:48 PM) The Valley by Pierre de Vallombreuse | National Museum - Philippines The Valley (1988 - 2017) | Pierre de Vallombreuse o-O-o Ang sabi ni Pierre, sa pagkuha ng larawan dapat na magkasama ang "thinking" at "feeling". o-O-o Ang "The Valley" ay isang exhibit ng mga kuhang larawan ng F...

20. talaga ba?

                Sige lang sa pagsasalita ang lalaki na kahilera kong nakaupo sa jeep; ingles ang wika niyang gamit, neutral ang accent niya tulad ng karamihan sa atin. Nilingon ko saglit ang kanyang kausap, hindi naman puti. Pinag-uusapan nilang dalawa ang kaibahan ng kanilang mga estudyante. Mukha silang mga nagtuturo sa kolehiyo. Marahil yung isa, balik-bayan na matagal nang nagtuturo sa abroad. Nag-uusap din sila ng taglish kung minsan.                 Ano raw ba ang kaibahan ng mga estudyante rito sa abroad, tanong ng isa. Dito raw, mas pinaghihirapan ng mga estudyante ang kanilang gawain, hindi raw tulad sa abroad. Mas may focus at halaga raw sa pag-aaral ang mga estudyante rito, at saka kapag may sinabing gawain ay talaga raw na gagawin, kaya mas gusto niya na dito magturo.         ...

Museo ni Manuel Quezon

                Sabado (April 8);  Mcdonald’s, Puregold – Paso de Blas.                 Habang kumakain kami ng sundae ni Eldie, biglang tumawag ang nanay ni Neri. Ang sagot ni Neri sa kanyang nanay sa tanong na kung saan pa kami pupunta ay “sa QC” at kung bakit ay dahil “pupunta kaming museum…”                 “May museum ba sa circle?” ang naging tanong namin sa isa’t isa; dahil ang alam namin ay gagala at maglalakad-lakad lang naman kami sa Quezon Memorial Circle. Malay ba namin kung may museum dun, hindi naman kami taga-QC. Bahala na, at least nakapag-paalam si Neri.                 Nagkatotoo ang kanyang alibi; nang marating namin ang Quezon Memorial Shrine nakita nam...

"hindi ko na lang sasabihin sa iyo..."

Gusto ko sanang ipaalam sa iyo na yung libro na gustong-gusto kong bilhin at basahin noon pang 2014, na isinulat ng idol kong astronaut , ay nabili ko sa di inaasahang pagkakataon! Mabuti na lang talaga may pera ako nung araw yun (March 4 – Sabado). Nasaktuhan kong 3-day sale sa SM; akala ko mga damit at appliances lang ang sale o bagsak presyo; pauwi na sana ako matapos kong kumain, naisipan ko lang na dumaan sa NBS. Marami ding nag-sale na mga libro, hindi pa nga iyon ang una kong nakita, hinawakan at binuklat-buklat; nung nakapag-decide na ako na bibilhin ko na yung una kong pinili, bigla ko na lang nahawakan yung isang hardbound na libro, muntik ko pang bitiwan at balewalain, pero buti na lang binasa ko yung title, nang ma-realize ko na ito yung libro na matagal ko na gustong magkaroon ng kopya ay na-excite ang bawat body cells ko hahaha! Gusto ko sana mag-monologue sa NBS ng – “Hindi ako makapaniwala! Ilang taon na ang lumipas, muntik ko na ngang hindi maalala ang libro...

'snob'

                “…all you have to do is call, and I’ll be there, you’ve got a friend.”                 - ang kinakanta ng matandang bulag na lalaki malapit sa may Central Station ng LRT.                 Natigil ako bigla sa paglalakad sa gilid ng UDM, hindi kasi ako mapakali. Naisip ko, bakit hindi ako naghulog ng pera sa donation box ng matandang bulag? Bakit ko siya nilampasan?                 Sa mga ganitong pagkakataon, lagi kong iniisip na gawin kung ano ang makapagpapanahimik sa aking saloobin, kaya humugot ako ng isandaang piso para maihulog sa donation box ng matandang bulag. Naglakad ako pabalik.            ...

anino atbp.

                Sabado.                 Ang sabi ni Prof. M (tatagalugin ko na lang) “ kahit na ang ating anino ay iiwanan tayo sa dilim; kaya nararapat lamang na may mga bagay tayong nagagawa nang mag-isa… yung hindi umaasa sa iba. ” Hindi ko alam kung ito ba ay ‘hugot’ nya noong araw na iyon, o sadyang tinadhana na ipatama sa akin hahaha. Kaka-text ko lang din noon kila Eldie at Neri, magpapasama sana akong bumili ng uniform sa SM Manila o North o kahit sa Divi (kung saan meron at kung sila ay available). Ito ay sa kabila nang napakalapit ko naman at madaraanan ko pa pag-uwi ang SM Manila… hindi ko lang talaga feel ang magpunta at maglibot doon nang mag-isa.                 Sakto namang huli na nang mabasa nila Eldie at Neri ang text ko, pauwi na sila (...

dagli 15: P ; : “ . ‘ ?

                Sa kagustuhan kong maintindihan pa at maayos ang ginawa kong proposal, nag-download ako ng ilang pdf na maaari kong mabasa o gawing reference… ganun din ang ginawa ko para naman sa naging take home na prelims. Marami akong na-download na babasahin para dun sa take home na prelims (yung iba ay swak sa topic, others are related lang); napansin kong may mga files na nasa mga 20-30 pahina (may ilan na aabot ng 100 pages na); nagdalawang isip na nga akong i-download dahil baka di naman sapat ang oras para mabasa ko yun lahat. PERO … dinownload ko pa rin (feelingerong masipag magbasa, samantalang ang isang libro nga ay inaabot pa ng ilang buwan bago matapos… ang dahilan ko naman kasi ay BUSY lols).                 Wala naman kasi akong isasagot kung hindi ako makapagbabasa, hindi naman kasi opinyon ang hinihinging mga sago...

"Magpapayong na lang muna..."

2016.06.25 - Lakad sa tanghaling tapat. (Ako, Neri, Eldie, at Pawlik)                 Na-miss na namin (o baka ako lang) ang kumain sa karinderya malapit sa eskwelahan (tuwing sabado). Noong mga nakalipas na sem ay mas madalas kaming kumain doon; mura na, lutong-bahay pa, at saka masarap naman. Mas nakakabuhay sa pakiramdam kaysa pagkain sa mga fast food na puro na lang ata “magic sarap” (mga preservatives etc.) ang sangkap.                 Madalas naming orderin sa karinderya ang lumalaban sa lutong (o tigas? hahaha) na lechon kawali; minsan ang panghalina ko ay yung igado na madalas kong napagkakamalan na adobo.                 Kaya lang, sa ngayon, dahil sa sobrang init (lalo pa’t sa mesang nasa labas ang paboritong pwesto namin) kaya doon na lang muna kami sa mga may aircon...