dirty story...


pila | 2017 11 11 | Sabado


                Ang dumi-dumi na natin, banggit ko kay Neri; sa sobrang tagal sa pila, di na namin matiis ang ngalay ng aming mga paa, kaya sumalampak na kami sa sahig. Wapakels kahit dirty. Dagdag ko pa kay Neri na i-imagine na lang niya kung saan-saan umapak yung mga kasama namin sa pila – sa putik, sa lupa atbp., tapus heto kami sa sahig, inuupuan na namin ang kung ano mang pinag-apakan ng mga sapatos nila. Tawa na lang kami sa pagka-hagardo versoza. Ito namang si Dreb, di mapakali.

                What a relief nung natapos na ang enrollment namin. Pakiramdam ko, hindi pa man nag-uumpisa ang sem ay dry na kami. Nakakapagod, kaya kumain muna kami bago umuwi.

                Marami kaming napag-usapan habang kumakain, halimbawa ay tungkol sa mga estudyante namin (lalo na sa public school) – kung paanong nakakaapekto ang pamilya sa academic performance ng isang bata; kung bakit may batang positibo pa rin kahit pa broken family ang pinanggalingan niya; kung saan nagmumula ang grit na ito dahil may mga bata rin na negatibo ang nagiging epekto ng pagiging broken family; kung paanong magagamit ang homeroom para sa usaping ito…

…natigil ang usapan nang may dumaang parada ng mga “Elsa”. Tapos naman na ang Halloween pero may pakulo pa rin sa mall, ang daming naka-costume na “Elsa” ng pelikulang Frozen; samu’t sari – may Elsang dirty kasi parang naluma na yung costume niya hahaha; may Elsang mukhang white lady; may bata, may feeling bata; may cute meron ding pa-cute; pero di talaga kami maka-move on sa dirty na Elsa; naalala kasi namin ni Neri yung mascot na nakita namin sa isang fastfood, napansin kasi naming madumi yung gamit niyang mascot, yung parang na-stock ito ng matagal sa bodega at dahil may party ay bigla na lang ito ginamit na hindi man lang nalabhan o nalinisan. Sobrang LT nung moment na yun.

                At kung inakala ko na tapus na ang paghihirap ko sa araw na ito dahil ang swerte ng timing namin sa LRT na kahit pa rush hour ay naka-tsamba kami ng sakay, as in first train na huminto nakasakay kami agad… HINDI pala. Binawi ang lahat sa pila ng jeep! Parang may pila ng kung ano man sa haba, yung buong buhay ko sa araw na ito ay ginugol ko sa pagpila mula pa kaninang umaga, sa eskwela, sa fastfood tapus hanggang sa pag-uwi. Kahit saan ako lumingon may mga buhos ng tao, pumipila, naglalakad. Humigit-kumulang isang oras akong nakatanga sa pila bago makasakay. Grabe. Sa isip ko, hindi ito dapat na nararanasan ng mga Pilipino. Marami ang mamamatay dulot ng stress at polusyon.

                Nag-text ko kila Neri at Dreb nang makauwi… at oo, pare-parehas lang din kami ng sinapit. Damang-dama namin ang ASEAN spirit! Lol.


2017 11 11 – Sabado.



Mga Komento

  1. ASEAN talaga... and to think that it's our turn to hold the presidency of the association. Sino ba talaga sa mga common citizens ang nakakaunawa sa concept at goal ng ASEAN? Eh yung mismong ilang mga senador natin kunwari gets nila yan. Tayo pa.

    At ganyan tayo. Nagtitiis pumila. Habang mga egocentric testosterone-driven maniacs ay nagpipiging.... ehrmegherd. Parang pity party na comment ko.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Trending yung Trump effigy na ginawa ng mga nag-rally, sayang nga eh di ko nasilayan sa personal. Sa susunod, iinterviewhin ko na sila :)

      Kamusta Mr. T?

      Burahin
    2. I'm fine thank you. Salamat nga pala sa annual mong greeting, na hindi ka naman nagrereply sa response ko. Tseh! Suplado! hahaha!

      Anyway, I'm really glad to see you persevering in blogging. Yung iba nawala na eh. Bakit nga ba?

      Burahin
    3. Hala, parang wala naman akong nabasa, o baka hindi ko lang nakita, o hindi ako yan hahaha :)

      Tama ka Mr. T... dati hindi ako magkamayaw sa pagbabasa ng mga sinusubaybayan kong bloggers, tapus yung comment section noon halos nagiging chat box na... na-miss ko ang golden era (golden era? lol)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento