IT'S A MENS WORLD | Bebang Siy (hindi ito isang review)


IT'S A MENS WORLD | Bebang Siy


                Ito yung libro na binabasa ni Clang habang nasa bus kami na hiniram niya kay Budang. May pupuntahan ang buong faculty noon kasama ang non-teaching staff; hindi ko na matandaan ang petsa at kung saan kami nagpunta, basta matagal na. Hiniram ni Clang ang libro para may mapaglibangan sa byahe, pero makita-kita ko, nakatulugan na rin naman niya ang libro… maganda raw sabi niya, hahaha.

                Hiniram ko rin ito kay Budang,  hindi ko nga lang agad nabasa. At kung kelan naman kukunin na niya ang libro saka ko naman naumpisahang basahin, kaya di ko natapus. Tanda ko pa, tinalun-talon ko ang pagbasa, curious kasi ako sa mga susunod na pahina, wala rin naman akong napala, di ko rin naman naintindihan. Hindi ko maalala kung sinabi ko ba na hindi ko natapus ang libro o kung nagpanggap na lang ako na natapus ko at kung sinabi ko rin bang maganda nga ito… basta isinauli ko na.

                So, after many years nakabili ako ng sariling kopya! Hindi talaga ito ang target ko. Nabalitaan ko kasi na may discounted price sa mga piling libro sa NBS, mga reference book sana ang bibilhin ko, pero wala. Pauwi, dumaan ako sa isa pang branch ng NBS, wala na rin masyado. Sa istante na lagi kong pinupuntahan (mga local na awtor / manunulat) nakita ko ang nag-iisang kopya ng “IT’S A MENS WOLRD” at bigla ko na lang naisipan itong bilhin. Ito ang binasa ko sa loob ng dalawang araw. Grabe, para akong nakipagkwentuhan ng magdamag kay Bebang Siy, ganun ang feeling. Yung pagku-kwento niya ay walang halong “char”, direct to the point lang, kaya di mahirap ma-digest ang kung ano mang kwentong naroon, hindi ka malulunod sa paligoy-ligoy.

                Sa isip ko, balak kong bilhin yung sumunod na libro nito na “IT’S RAINING MENS”. Nakabili na ako nito, pero ipinan-regalo ko kay Sa (Sarah). Tapus, sinusubaybayan ko pa ang blog ni Bebang Siy, kaya feeling ko binabasa ko na ang susunod na magiging libro niya base sa mga kwentong naka-post doon, sila pa rin naman ang mga tauhan, nahihilig na ata ako sa autobiographical.

                Hindi naman ito isang book review, gusto ko lang ipaalam… sa sarili ko… na nakapagbasa na ulit ako ng libro. So, salamat ASEAN Week kahit maraming badtrip sa sobrang trapik!



2017 11 13 (Mon, 6:31 PM)


Mga Komento

  1. Read the book. It was ok. Siguro iba lang talaga ang trip ko. Connected kami ng writer sa Facebook. The book maybe not that appealing to me pero yung writer si Mam Beverly, she's very active in writing circles. I mean not just in writing but also promoting literature and the welfare of writers and copyrights law in general. Plus, pogi ang asawa at anak niya. hahaha! Yun yon eh. hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Yup, natapus ko na itong basahin (yung It's a Mens World). Tapus nakabili na rin ako ng It's Raining Mens... so, hindi ko lang alam kung kelan ulit ako makakapagbasa hahaha.

      Ang alam ko, in-add ko rin si Beverly Siy sa fb, hindi ko lang sure if na-confirm niya yung friend request ko :)

      Burahin
  2. Feeling ko maeenjoy ko tong basahin.. hashtag relatemuch... lol... So, ilalagay ko sya sa listahan ng mga gusto kong bilhin pagbalik ko sa pinas. hahaha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento