Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na things like that

takas

14 October 2019 (Mon, 8:49 AM) Laging gusto ko ang linggo ng gabi; lesser ang anxiety ko sa gabi kumpara sa hapon. Bale, gigising akong full of hope sa bawat linggo ng umaga, magpro-procrastinate at dahil dun ay tataas ang level ng anxiety sa hapon. Kakalma na lang ulit tuwing gabi dahil matututunan ko na lang na tanggapin ang mga hindi ko ginawa at mga dapat ko pang gawin. Kaya kapag may nag-aya ng lakad ng linggo, ginagawa ko na. I mean, sumasama ako as much as possible. Para hindi ako abutan ng aking anxiety sa hapon. At least pag nasa labas ako, hindi ang anxiety ko sa mga bagay-bagay ang nasa isip ko, kundi ang mga bagay at tao na kasama ko sa oras na yun. Kahapon, sila Eldie at Neri ang kasama ko. SInamahan na lang namin si Neri na kumain, na dapat sana ay sa pagbili nya ng damit, pero dahil nauna na siya doon sa mall para maghanap ng kanyang isusuot para sa PerDev Night keme nila, kaya sa pagkain na lang namin siya nasamahan. Ayun, wala daw siyang nakita. Pe...

maaliging alibi

     19 August 2018. Hindi totoo na naiwan sa sinakyan naming jeep yung tatlong gift namin para kay baby D; pero yan yung sinabi namin kay Dreb nung hindi na siya matigil kaka-miss call sa amin. Nakita na raw niya kami sa may overpass, konting kembot na lang eh nasa venue na kami pero ang ipinagtaka niya ay kung bakit hindi pa rin kami dumarating.      Ang totoo niyan, kumain muna kami saglit bago dumerecho sa venue. Ikaw ba naman ang magbyahe at magpalipat-lipat ng sasakyan ng walong beses para makapunta sa bday ni baby D. Inabot kami ng tanghaling tapat with all the pawis at alay-lakad, syempre we need to freshen up! Sa madaling sabi, kumain kami ng very light lang dahil naisip namin na baka hindi na namin matiis ang gutom habang hinihintay yung pagkain sa party hahaha! At hindi rin namin alam kung paanong naniwala agad si Dreb sa aming alibi, samantalang isang bugkos ng malaking plastic yung pinaglalagyan namin ng regalo kay baby D, ...

"...gravity si ate gurl,"

            Napaka-challenging magsimula ulit ng klase matapos ang maraming araw na walang pasok; tulad ng paano ko ba gigisingin ang brain cells ng mga bagets mula sa pagkakahimbing, idagdag pa na ganun din para sa akin, kailangan ulit mag-build up ng routine. Ang nakakalurkey pa ay yung marami pa rin ang absent kahapon sa unang araw ng pagbabalik ng klase matapos ang mga suspension dahil sa bagyo.           Bale, sinimulan ko sa paggamit ng rebus puzzle. Naisip ko kasi, logical ito kaya pwede gamitin para makapag-isip ang mga bagets. Kaloka lang sa unang klase na ginamitan ko ng rebus puzzle, mga lutang. May nakasasagot naman pero natulala ata ang iba sa puzzle at na-amaze na lang sa mga sagot. Kaya minsan dinadaan ko na lang sa saglit na kwento para gumaan-gaan ang daloy ng lesson. Narinig ko rin si Ma’am C, ang sabi “hay naku, lutang mga isip ng bata,” pagbalik niya sa faculty. Kaya ang lutang-i...

ang salamin, ang generic na gamot, at ang mga hyper bagets :)

2018 07 06 (Fri, 1:14 AM)             05 July 2018. Umaga nang kinailangan kong dumaan sa optometrist para ipaayos ang salamin ko. Naupuan ko kasi ito kagabi, kaya medyo tumabingi. Kahit halos kabubukas lang ng optical clinic, ay marami na itong customer; isa sa inabutan ko ay yung batang estudyante at ang nanay niya. Madalas daw kasing inaakala na nangongopya ang anak niya dahil sa nearsighted ito, kaya naisipan na rin nila na ipagawa siya ng salamin. So syempre, iri-relate ko yung sarili ko hahaha; noong high school naman ay napagkamalan akong gumagawa ng assignment habang nagtuturo ang English teacher ko, lagi raw akong ganun ang ibig niyang sabihin ay bakit di ako nagpo-focus sa discussion. Kung alam lang niya na hindi ko naman nakikita yung visual aids niya kaya habang nakikinig ay isinusulat ko na lang ang mga importanteng sinasabi niya, pero di ako yung nag-explain ng pagiging nearsighted ko sa aking English teacher ku...

gc at avocado-cheese shake

2018 06 27 (Wed, 9:30 PM)             Idinagdag ako ng mga bagets sa group chat nila sa fb; mula nung mapasok ako sa public school hindi ko preferred ang sumali sa mga gc ng aking advisory class. Una, ayoko ng maraming notifications mula doon; pangalawa, madalas ay nonsense naman para sa akin ang kanilang mga convo. Ang nakagawian ko talaga ay yung ako mismo ang gagawa ng closed group page namin sa fb para dun ko sila i-update. So, naisip ko na mag-leave sa gc ng mga bagets, dahil ano pa nga ba, most of the time ay nonsense talaga ang mga usapan doon; idagdag pa na kaya ayoko ng gc ay dahil kapag nag-post ka doon at marami nang umepal na usapan ay natatabunan ang importante ng mga hindi mahalaga. Pero, di pa rin ko nag-leave, lol. Una, naisip ko isang way na rin ito para masubaybayan ko sila; sa kung paano ba sila makipag-usap na kahit nandun na nga ako ay wala rin naman silang adjustment sa paraan ng kanilang pakikipag-ch...

2018 06 16

2018 06 16 (Sat, 9:09 PM)             Sinubukan ko pa ring i-charge yung netbook ko, hoping na baka after 1 hour o higit pa ay magbukas na rin ito, sa ganung paraan kasi ito nagka-second life. Sad to say, walang epek!             Nakaka-miss din ang netbook ko. Very portable at saka gamay na gamay ko ang mga keys; sa lapad ba naman ng kamay ko at haba ng mga daliri, kahit kaunting galaw lang (o kahit steady lang) ay makakapa ko pa rin ang mga keys nito. Sulit na rin ang netbook kong yun; 5 o 6 years ko na rin napakinabangan. At sa mga taon na iyon, ni hindi ko ito kinailangan ipa-reformat, ipaayos o anuman, naging swabe naman ang kanyang performance. Kahit pa nga nung nagloko ang ilan sa mga character keys nito, ako pa rin ang ang nag-adjust, nag-on screen keyboard ako lol, hanggang sa nag-function na lang ulit sya ng normal; oo may kabagalan pero napagtyatyagaan....

samot-sari: pandesal midnight snack party

2018 06 16 (Sat, 1:11 AM)             Oha! Gising pa rin ako sa mga oras na ito. Sabi ko kasi kanina iidlip lang ako, tapus na-derecho ng tulog, kaya ngayon mulat na naman. At oo, kakakain ko lang. Naiiba na naman ang mga oras ng kain at tulog ko (bakit ganun parang napaka-lazy ko, lol).             Ang palabas sa tv kanina ay yung OA Shopping, este O-Shopping pala. Ganda ng mga products, lalo na yung zero gravity chair na Php 3,000.00 lang, at take note isa lang yung makakaupo di ba, pa’no yan eh apat kami sa bahay, eh di ibibili ko na lang yun ng sofa!             Kanina, habang nagtitimpla ako ng tea na may kape at coffee mate, iniisip ko kung may kinalaman ba ang genes na meron ako (makonek lang dun sa nabasa ko sa blog ni ate Dianne… ate? yare hahaha) kung bakit ako late sleeper? o may kinalaman ba ang p...

"...naligo ako di ba hahaha,"

2018 06 14 (Thu, 8:35 PM)             Kanina lang napakalakas ng bugso ng ulan; pagkaupo ko rito, bigla na lang nawala. Pero at least, hindi nagpaasa ang ulan, may pa-suspend pa rin siya (kahit pa naantala ng konti ang suspension sa aming city dahil you know… for whatever reason that I don’t know, lol).             Sobrang LT sa twitter mula pa kagabi. Ang daming G na G sa announcement ng suspension ng klase. Well, let’s do a recap (sports ba?).             Noong lunes, pasok sa top 10 ang City of Valenzuela kung ang pag-uusapan ay ang maagap na suspension ng klase, so very happy ang mga students dahil real na real ang long weekend. Pero sa Makati may pasok pa rin; sila ata ang nanalo na waterproof nation noong Lunes.             Pero, di nagpakabog an...

"Byernes na bukas, laban pa!"

2018 06 07 (Thu, 8:46 PM)             Natututunan ko na kahit paano ang mag-inject ng personality sa pagtuturo, nagagawa ko na (pwera na lang tuwing may observation ng klase, ang hirap kasi maging natural kapag may observers, mas nangingibabaw na maging formal). Naalala ko, nung mga unang taon ng pagtuturo, lalo na nung nasa private school pa ako (tapus catholic school pa), I was so blunt serious! Hahaha. Very formal at masyadong concern sa content ng tinuturo ko. Then, after ng isa o dalawang taon, unti-unti naman akong nagiging conscious sa mga strategies na ginagamit ko. Tapus, unti-unti ko nang naa-appreciate yung experience sa pagtuturo at mastery ng content. Kaya minsan may “ahhh” moment ako kapag naili-link o nai-integrate ko na yung content ko sa iba. So, ano bang saysay ng mga sinasabi kong   ito… wala lang, na-realize ko lang.             Bumili ako ng i...

patayin at haluin :)

                Hindi ako mahilig manuod ng mga Korean teleserye (o K-drama series ba ang tawag dun?), kaya nga nagtataka ako kung bakit napakarami ang nahu-hook sa panunuod ng mga ganun. Manuod ng Korean movie pwede pa, dahil mahusay naman talaga sila gumawa ng pelikula, pero yung mga drama-teleserye-thingy… hindi talaga.                 Pero kanina, habang kumakain ako ng lucky me instant lomi with egg di ko sadyang napanuod ang The Legend of the Blue Sea sa channel 2 (nakabukas ang tv eh). Natawa ako sa ilang eksena, tulad ng may kakayahan pala yung lalaki dun na masagap sa isip nya ang kung ano mang naiisip ng babae, kahit kasi di literal na nagsasalita yung girl eh ang dami-dami naman nyang naiisip, tapus yung ibang eksena ganun din laughtrip! Uso rin sa mga estudyante ngayon yung salitang “oppa”; oppa ng oppa; minsan kairi...

21. pwedeng both?

         Ang lugar na iyon ay parang faculty namin sa tanghali (ang oras kung kailan naghahalo na sa iisang room ang mga AM at PM teachers). Samu’t saring usapan ang iyong maririnig. Parang tiangge ganun. Kung hindi man dedma, natatawa na lang kami kapag nagaganap iyon sa faculty; normal lang naman ang ganung eksena, tatahimik din kapag nakauwi na ang mga AM teachers at kapag nasa klase na ang karamihan sa mga PM teachers.             Sa ganung sitwasyon ko maihahalintulad ang coffee shop na iyon.               Hindi naman talaga magkape ang main objective namin; maaaring isa na yun kasi malamang mapaalis kami kung wala naman kaming order lol, pero higit sa lahat kailangan namin ng lugar kung saan kami makakapag-usap at makapagpapalitan ng ideya, makagagawa ng TOS at pre/post test ni Dreb. Tapus, kung anu-ano na lang ang aking napansin -       ...

"hindi ko na lang sasabihin sa iyo..."

Gusto ko sanang ipaalam sa iyo na yung libro na gustong-gusto kong bilhin at basahin noon pang 2014, na isinulat ng idol kong astronaut , ay nabili ko sa di inaasahang pagkakataon! Mabuti na lang talaga may pera ako nung araw yun (March 4 – Sabado). Nasaktuhan kong 3-day sale sa SM; akala ko mga damit at appliances lang ang sale o bagsak presyo; pauwi na sana ako matapos kong kumain, naisipan ko lang na dumaan sa NBS. Marami ding nag-sale na mga libro, hindi pa nga iyon ang una kong nakita, hinawakan at binuklat-buklat; nung nakapag-decide na ako na bibilhin ko na yung una kong pinili, bigla ko na lang nahawakan yung isang hardbound na libro, muntik ko pang bitiwan at balewalain, pero buti na lang binasa ko yung title, nang ma-realize ko na ito yung libro na matagal ko na gustong magkaroon ng kopya ay na-excite ang bawat body cells ko hahaha! Gusto ko sana mag-monologue sa NBS ng – “Hindi ako makapaniwala! Ilang taon na ang lumipas, muntik ko na ngang hindi maalala ang libro...

Kahit saan mapunta, may magsasabing “Hi Sir!”.

                Nasalubong ko si Jasper (dati kong estudyante) sa footbridge. Nagkamustahan ng kaunti. Saglit kaming tumigil sa mismong hagdanan, mabuti na lang at kaunti lang yung dumaraan. Tinanong ko kung saan na siya nag-aaral; sa pagkakatanda ko kasi ang sabi niya sa akin noong nagpi-fill up siya ng form para sa senior high ay magti-TESDA siya. Ang sagot niya, siya raw ay nag-aapply na ng trabaho. Hindi ko na nausisa pa, dahil nasa hagdanan kami ng footbridge at baka kami ay makaabala, ‘good luck’ o ‘ingat’ ba ang huli kong nabanggit sa kanya, hindi ko maalala eh.                 Ang awkward o nakakatawang part ay yung mismong nagkasalubong kami. Sanay ang mga ka-batch na estudyante ni Jasper magmano sa mga teachers nila, pero sa kung anong dahilan hindi niya naituloy yung akmang magmamano sana siya sa akin, di ko na rin naiabo...

09 at 23

2016.11.09      Kung hindi ako mag-i-enroll ngayong sem, anu naman kaya ang gagawin ko tuwing sabado? …tatambay sa national library para doon magbasa, at mag-blog. …tumambay sa luneta o kahit saan pa sa maynila para mangalap ng istorya. …makitulog sa bahay ng iba tuwing byernes ng gabi at uuwi ng sabado ng gabi. …magpagala-gala sa malls? …mag-bike kaya sa umaga at tumambay sa tulay sa may Bulacan? …manuod ng movies? documentaries? …gumawa ng art crafts. …magtanim ng halaman at itala ang paglago nito bawat linggo. …magkulay gamit ang color pencils. …maglakad nang maglakad, kung saan man mapadpad.      Naalala ko ang klasmeyt kong si Steph na nag-aaya sa pag-attend ng The Feast, tuwing sabado raw iyon. Kaso lang, hindi ko alam kung bakit kapag nasimulan ko na ay di nagtatagal ang pag-attend ko sa mga ganito. Ano bang mga ayaw ko? Una ay yung cell group na tinatawag. Tapus meron kang cell group leader. At bawat isa sa...

"and"

Sa photocopy-han… …may nagtanong ng presyo ng ink ng printer – “Magkano yung ink na BLACK and WHITE?” Nag-‘kru-kru’ ang paligid. Di ko siya ‘gets’.                 Deo ba un, or anu?                 Pero ‘peyborit’ ko pa rin yung –                 “Pa-photocopy nga, BACK and FORTH .” Kasalanan talaga yan ng “and”.

topaz 03: anecdotal record

                Dapat sana ay homeroom ang schedule ko sa Topaz kanina, pero dahil wala naman akong naitakdang gawain para sa homeroom, nag-proceed na lang muna ako sa quiz namin (tutal sabi ko naman sa kanila ay ngayong lunes iyon; saka yun naman talaga ang inihanda ko para sa unang araw ng week na ito. (At bakit ako nag-eexplain hahaha).                 “Kala ko ba homeroom?” pahagip-hangin ni Robles.                 “Gusto mo ba mag-homeroom?” ang balik ko sa kanyang tanong.                 Pailing-iling si Robles, sabay sabi ng “Hindi po sir.”                 Mabuti na lang at hindi na sumagot pa si ...

dagli 10: cotton buds

                Hindi na muna ako gumagamit ng cotton buds sa paglilinis ng tenga. Tissue na lang ang ginagamit ko dahil ayoko na maulit pa ang infection. Pero nakaka-miss magkalikot sa loob ng tenga… specifically yung tingling sensation hahaha. 2016.05.09 (Mon, 12:16 PM)

dagli 06: salty and peppery

1.            Supposed to be ang araw na ito ay dapat na maging stressful. Pero dahil nakasama ko sina MJ at Orly, naging masaya na rin ang maghapon sa school. Mas okay din talagang gumawa ng may kasama. Hay naku… speaking of kasama. (Ampalaya mode on hahaha) 2.            Nung sabado kumain ako ng chicken fillet sa McDo… kasama (o dinamay ko na naman) sina Eldie at Neri (para gabihin kami ng uwi). Di naman kami na-inform na sobra-sobra na pala sa ‘magic’ ang chicken fillet sa McDo. Kikiligin ka sa ‘alat’ tapus dip mo pa sa gravy, oh so salty! Dun ko na-realize na pwede na rin pa lang idaing ang chicken. True! Hindi na lang bangus o iba pang isda ang idinadaing ngayon, pati chicken sa McDo lols. 3.            Ang hapunan ko naman ngayon ay sausage… and it’s so peppery! 4.      ...

dagli 04: yellow

            Kahapon ay nakabili na ako ng isang pad ng yellow paper. Mura lang, sa halagang bente.               Kaya sa sabado (at kung kailan malapit nang matapos ang pasok) di na ako magiging parasitiko mostly kay Denise o kay Neri, dahil may papel na ako! Hahaha.               At oo… napaka-importante talaga ng update na ito.               Ito ang ika-300 post ko, kasabay ng ika-30 anibersaryo ng EDSA.               Dilaw ang kulay ng administrasyong Aquino, tungkol naman sa yellow paper ang update ko.                               Wala lang.               Wala naman talagang koneksyon ang mga bagay na ito.           ...

Exciting din pala ang magkaroon ng electric fan.

Ika-02 ng Hulyo, 2015 Huwebes, 7:08 ng gabi             First time kong ma-excite para sa balita na kahit paano ay naayos na raw ang dalawang electric fan sa room namin, ayon sa text ng ka-partner kong adviser sa room na panghapon, kani-kanina lang. Okay lang kahit kami pa muna ang magpaluwal sa gastos, walang-wala yun sa pakiramdam na excited na akong makita ang advisory class ko bukas na nag-aaral nang may electric fan J Hindi rin kaya biro ang isang buwan na magklase sa loob ng room na halos lahat kami ay nagmumukhang ‘hot’ lol.             Kaya sana bukas, totoo! Hay… dahil kung hindi, hotness never ends na talaga.