Lumaktaw sa pangunahing content

09 at 23


2016.11.09

     Kung hindi ako mag-i-enroll ngayong sem, anu naman kaya ang gagawin ko tuwing sabado?
…tatambay sa national library para doon magbasa, at mag-blog.
…tumambay sa luneta o kahit saan pa sa maynila para mangalap ng istorya.
…makitulog sa bahay ng iba tuwing byernes ng gabi at uuwi ng sabado ng gabi.
…magpagala-gala sa malls?
…mag-bike kaya sa umaga at tumambay sa tulay sa may Bulacan?
…manuod ng movies? documentaries?
…gumawa ng art crafts.
…magtanim ng halaman at itala ang paglago nito bawat linggo.
…magkulay gamit ang color pencils.
…maglakad nang maglakad, kung saan man mapadpad.

     Naalala ko ang klasmeyt kong si Steph na nag-aaya sa pag-attend ng The Feast, tuwing sabado raw iyon. Kaso lang, hindi ko alam kung bakit kapag nasimulan ko na ay di nagtatagal ang pag-attend ko sa mga ganito. Ano bang mga ayaw ko? Una ay yung cell group na tinatawag. Tapus meron kang cell group leader. At bawat isa sa mga myembro ng cell group ay maaaring maging potensyal na leader sa hinaharap na siya namang magha-handle at bubuo ng sarili niyang cell group. Parang recruitment ang dating. Parang clan.

     Mag-jogging sa UP?... Tutal yun naman ang laging bukambibig ni Dreb. Kaso ang layo naman kung para sa pagja-jogging lang. Pwede naman akong mag-jogging dito sa lugar namin, na minsan maputik kung maulan at madalas mausok dahil sa mga trak at sasakyan.

     Sumagi rin sa isip ko yung maki-‘sit in’ sa klase na nabasa ko sa isang post ni Pete. Pwede kaya akong maki-sit in kahit di naman ako dun kasalukuyang nag-aaral? Gusto ko rin ma-feel na ma-inspire ng marami pang iba. Kung mabasa man nya, sana ay ayain nya kami nila Eldie at Neri. Naalala ko, parang field study lang namin noon, nakiki-observe sa klase ng mga teachers.

     Tapus itong si Jord, na nitong nakaraan lang ako na-add sa fb ay nakikita kong laging may isini-share na tungkol sa mga NGO’s (kung hindi ako nagkakamali), basta tungkol sa mga social works ganun. Anu kaya kung maging parte ako ng isang NGO? Maging volunteer? Naalala ko tuloy yung isunulat ni cher Kat sa isa sa mga post sa kanyang blog; ang sabe nya ang ilan sa kanyang mga post ay naglalaman ng mga “what-ifs, could-have, at would-have” thingy. Nung nai-type ko ang “Anu kaya…” bigla na lang rumehistro sa isip ko yung nabasa ko sa kanyang blog. At na-realize ko (sa marami nang pagkakataon) na “ako rin pala ganun”.

     Nung isang araw, sa seksyon na pinakapaborito ko sa lahat; pinaka-peyborit ko sanang pag-walk-out-an hahaha; ang sabe ng isang bata – “ang bilis pala ng oras kapag alam mo yung lesson kasi nakinig ka”shet, gusto kong mag-celebrate! Isa sa mga di palakinig sa klase, naringgan ko ng ganun, gusto ko nga sanang batukan pa eh kasi patapos na ang 2nd quarter, ngayon nya lang yun na-realize?... Paano kung nakita nyang bagsak pa rin ang kanyang marka? Kasi ang tamad nya. Madi-discourage kaya sya?... Tapus “ang sarap daw sa feeling ” na makatapus ng activity, palibhasa minsan lang magawa ng gawain. Na-observe pa nga nila na noong araw na iyon ay first time nilang nakita na makapal ang hawak kong mga output, ibig sabihin maraming nagpasa. Saglit lang naman ang “celebrate-life-feeling” na yun, kasi subok ko na ang seksyon na ito, minsan nagsisipag, madalas mga tamad. Pinayuhan ko ang sarili kong ‘wag umasa’ dahil ningas-kugon lang nila yan.

     Gusto ko pa ring patuloy na sungitan ang ilang mga estudyante. Paminsan-minsan, o madalas para sa iba. Para matanggal naman ang apog ng kaangasan at ka-“feeling close attitude” nila sa mga teachers. Hindi ko gusto ang ilan sa mga ugali ng kabataang mag-aaral ngayon, dagdag pa, very distracted sila sa pag-aaral dahil sa kung anu-anong social media, games or apps o iba pang gawain na pinag-aaksayahan nila ng oras. Gusto kong ibalik yung attitude/ugali ng mga estudyanteng may galang, may sipag at tiyaga sa pag-aaral. Hindi mga pabaya. Hindi yung mga makapag-aral lang.


2016.11.23

Nag-enroll pa rin ako this sem. At oo, mukhang walang matutupad sa mga nailista ko sa itaas. So, good luck sa haggard kong pagkatao.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...