Kahit saan mapunta, may magsasabing “Hi Sir!”.


                Nasalubong ko si Jasper (dati kong estudyante) sa footbridge. Nagkamustahan ng kaunti. Saglit kaming tumigil sa mismong hagdanan, mabuti na lang at kaunti lang yung dumaraan. Tinanong ko kung saan na siya nag-aaral; sa pagkakatanda ko kasi ang sabi niya sa akin noong nagpi-fill up siya ng form para sa senior high ay magti-TESDA siya. Ang sagot niya, siya raw ay nag-aapply na ng trabaho. Hindi ko na nausisa pa, dahil nasa hagdanan kami ng footbridge at baka kami ay makaabala, ‘good luck’ o ‘ingat’ ba ang huli kong nabanggit sa kanya, hindi ko maalala eh.

                Ang awkward o nakakatawang part ay yung mismong nagkasalubong kami. Sanay ang mga ka-batch na estudyante ni Jasper magmano sa mga teachers nila, pero sa kung anong dahilan hindi niya naituloy yung akmang magmamano sana siya sa akin, di ko na rin naiabot ang kamay ko kasi magmumukha na naman akong matanda, eh bata pa naman ako lol.

                Parang nung kailan lang, sa parehong lugar hindi nga lang sa footbridge; dahil nung araw na yun ay mas pinili kong tumawid na lang sa kalsada kaysa mapagod sa pag-akyat at pagbaba sa footbridge para lang makasakay ng jeep, samantalang ilang lakad lang kung sa mismong kalsada tatawid (pasaway); may bigla na lang ako nakasabay sa daan.

Natawid ko na ang kalahati ng kalsada, saglit akong tumigil sa gitna dahil marami pang sasakyang dumaraan, nang biglang may nag-“Sir!” na isang babae sa gilid ko sabay nagmano. Estudyante na siya sa kolehiyo, hindi ko alam kung tama ba yung pagkatanda ko na Datamex yung nasa id lace nya, at hindi ko na rin nabasa yung pangalan niya sa id, kaya “Oh kamusta?” na lang ang nabanggit ko sa kanya. Pero sa totoo lang di ko talaga siya matandaan hahaha.

                Ang daming mga tagpong ganito ang maaring mangyari at nangyari na; mga “unexpected-encounter-with-my-former-students”. Karamihan, ay may moments ng pagkabigla, pagkagulat na masaya, pero hindi lahat ay masaya.

                May ilang ‘patago-effect’ kahit na nakita mo na sila, yung kulang na lang paliitin nila ang kanilang sarili para di mo lang sila mapansin, nagtataka naman ako kung bakit ganuon lol.

May ‘pa-dedma-effect’ tulad nung minsan ay may inihatid akong current student ko na may sakit; sa daan ay napansin ko ang dati kong estudyante, noong nahagip ko siya ng tingin bigla namang iwas niya na para bang bawal niya akong makita. Lumilingon-lingon kung saan, kaya di ko na rin pinansin pa, at saka yung may sakit kong estudyante ang concern ko noon.

                At ang first time at kaisa-isahang encounter na di ko malilimutan ay yung tignan ako ng masama ng isang dati kong estudyante na samantalang yung isa nya pang kasabay noong araw na yun na ka-batch niya ay magiliw at abot-ngiti akong binati, tapus sya tinaliman ako ng tingin, pashneya! Lol.

Nagbalik tuloy sa alaala ko na sana ay hindi ko na lang siya pinasa; sana pala hindi ko na lang siya inintindi na tawagin at papasukin sa klase sa tuwing mas pinipili nyang maglaro ng volleyball sa labas during class hours; sana pala ay hindi ko na lang ni-recognize na may husay din sya kung hindi nga lang siya nagkukulang ng atensyon sa pag-aaral; sana pala ay hindi ko na lang siya binigyan ng chance na ma-prove muli ang kanyang sarili nung nakita kong parang hindi na siya kasing-sipag tulad noong unang markahan.

At sana ay may marating siya sa ‘attitude’ niyang ganun. Dahil ang saklap naman na ma-attitude na nga siya, di pa nga siya tapus ng senior high ay ang taas na ng tingin niya sa kanyang sarili. Kahit di na niya ako guro, hangad ko ang kanyang tagumpay (#charot! Haha).

Sa kabuuan, masaya namang lahat ang mga encounters na ganito with my former students. At habang tumagatagal ata ang isang guro sa kanyang propesyon, mas lalong dumarami ang ganitong tagpo. Kahit saan mapunta, may magsasabing “Hi Sir!”.



Mga Komento

  1. Hi Sir! :)

    Na-miss ko tuloy ang teacher ko noong highschool. Na-miss ko na magmano. Sana ganoon pa rin ang mga bata ngayon.

    TumugonBurahin
  2. Overall, sa pansheya ako natawa nyahahahaha ☺

    TumugonBurahin
  3. wait wait, nagmamano ang mga students ngayon? parang never ko naman napush ang sarili ko magmano sa mga naging professors ko. NKKLK.

    bye Sir!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento