umaasa-kind-of-thinking


2016.10.02

Nagsusulat ako dahil halos isang buwan na hindi ko na rin nagagawa ang pampalipas-oras na gawaing ito. Sa sobrang dami ng nangyari noong nakaraang buwan ng Setyembre, hindi ko magagawang sabihin yung madalas i-post ng iba sa fb na “September, be good to me!” Lumipas na ang Setyembre at hindi ito naging mabuti sa akin hahaha. Ang naging mabuti lang ay kung paano ako naka-survive sa mga moments ng pagka-haggardness. Siguro, sanayan lang... at nasanay na lang siguro akong maging haggard. Tutal ang sabe, base sa nabasa ko nuon tungkol sa ating perceived self-efficacy, kung mas marami ka nang nalampasan na mahihirap na tasks o mga gawain na nahirapan kang tapusin ngunit napagtagumpayan, tumataas ang paniniwala natin sa ating sarili na malalampasan ang kasalukuyang mahirap na gawain. Kumbaga, kung ang mga “iyon” nga ay nalampasan mo, ang mga “ito” pa kaya. Kaya kahit maraming factor ang humahadlang para maka-survive, maging hopeful tayo sa theory na iyon ni Albert Bandura.

                At hindi naman talaga natatapos ang mga gawain. Anu pa bang bago? Kaya sana ay nasa mabuti kayong kalagayan, at hangad ko ang inyong kaligayahan, sana ganun din kayo sa akin lol.


2016.11.09

Isa marahil sa maituturing na negatibong epekto (parang nag-backfire lang) ng paniniwala ko sa theory of self-efficacy ay ang mismong paniniwala ko na matatapos ko rin ang mga gawain. Ang resulta, kakapaniwala ko, wala na tuloy ako maumpisahan, o kung meron man pahirapan pa. Parang false hope; parang umaasa-kind-of-thinking. Pero kapit tayo sa motto ng Maynilad - “dadaloy din ang ginhawa.”


Mga Komento

  1. Itry mo naman daw ang ibang theory nyahaha

    TumugonBurahin
  2. forever theory eh.. so di rin dapat panghawakan forever, tama si rix, try din ng ibang theories, or better yet, examine the laws of life for more eklavu. Char! Hahaha... Anober, life is too short to linger on negativities, naitawid mo ang September, October and mukhang matiwasay namn ang November mo. Hariwana'y bongga and maging December mo :)

    TumugonBurahin
  3. hay naku go with the flow theory na lang! chos.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento