Mga Pahina

Lunes, Agosto 7, 2017

Mt. Kiltepan, Sagada


Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 4:55 AM)


Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 4:56 AM)


Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 5:08 AM)


Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 5:34 AM)


Sea of Clouds (and people?) at Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 5:25 AM)


o-O-o


                Summer, 2017 | Sagada, Mountain Province | May 06.

                Alas-kwatro pa lang ng umaga ay gising na kami (nila Olan, Jacque at Jessa). Ang almusal namin ay cup noodles na saktong pampainit ka-partner ng biskwit. Nagmamadali kami dahil una ay kailangan namin ma-meet agad ang maghahatid sa amin papunta sa Mt. Kiltepan, pangalawa ay dahil baka wala na kaming abutan na “sunrise”.

                Dagling paglakad at saglit na paghihintay (habang enjoy sa pag-usok ng hininga namin sa bibig dahil sa lamig) ay na-meet na rin namin ang driver ng van. Noong una, akala ko ay nasa early 20’s itong driver namin; hindi kasi masyadong makita ang kanyang mukha dahil madilim pa, naka-jacket siyang gray, tapus naka-cap pa.

                Sa byahe na lang namin nalaman na ang naghahatid pala sa amin ay halos magse-senior high pa lang sa pasukan, mga 17 o 18 years old. Sa pakikipagkwentuhan na lang namin iyon nalaman at saka isa pa paanong di napakapagtataka eh ang music na pinatutugtog niya ay yung mga tugtugan ng kabataan. Napabilib kami sa kanya dahil wala ni isa sa amin ang marunong mag-drive ng van pero siya na napakabata ay bihasa na. Sinabi niya rin sa amin na business ito ng kanilang pamilya at maaga rin naman siyang natutong mag-drive.  Nabanggit pa nga niya na mangailang beses na rin naman siyang napakaghatid ng mga turista hindi lang sa Sagada kundi sa malalayo ring lugar tulad ng Ilocos at iba pa.

                Sakto lang ang dating namin sa Mt. Kiltepan; madilim pa rin naman ang langit at meron na ring mangilan-ngilang mga turista. Noon lang ako nakakita ng “sea of clouds”; napaka-fluffy tignan, parang unan, sarap talunan. At ano pa nga ba ang gagawin ng mga taong naroon… eh di piktyur!

                Ang weird ng feeling (o baka ako lang) dahil parang “superstar” na inabangan ng lahat ang pagsulpot ng araw (pero kung sabagay, star naman ang sun). Yung tipong lahat ng naroon ay nakatingin paharap sa araw, tapus may mga hawak na cellphone; hindi ko malaman kung paano tayo nama-manipulate ng nature para mag-react ng ganito, parang na-kulto o na-gayuma ganun. Bigla na lang kasing nanahimik (ng konti) ang lahat, nag-record ng video at na-amaze! At nang tuluyan na ngang lumiwanag ang kalangitan sa Mt. Kiltepan… ano pa nga ba ulit ang gagawin ng mga tao… eh di piktyur!



o-O-o


Narito ang aking kuhang video na "Sunrise at Mt. Kiltepan" (subscribe! hahaha)





Miyerkules, Agosto 2, 2017

When In Tawiran 10: last na :)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:14 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:16 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:16 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:21 PM)


o-O-o



Mga ilang tala (2017 06 20):
  • Sa mga larawan - (1) pagpunta ko sa gilid ng tulay, naisip kong magandang kunan ng larawan ang bangkang nakahinto sa ibaba nito; (2) lagi nang maulap ang kalangitan; (3) katatapos lang ng ulan nang maisipan kong mag-bike, kaya naman ako lang talaga ang tambay sa tulay noong araw na iyon, halos nagpalipat-lipat nga ako ng upuan hanggang sa may dulo; (4) at napakabilis maglaho ng papalubog na araw.
  • Naging madalas ang pagba-bike ko noong buwan ng Mayo at Hunyo. Mainit ang panahon noong Mayo pero may ginhawa pa ring dulot ang pagpawisan sa pagbibisikleta; putik at lamig ng panahon ang inabot ko sa pagbibisikleta noong Hunyo, pero ibang freshness naman ang hatid ng hangin ng buwan na ito.
  • Na-realize kong "timing" din pala ang aking pagbibisikleta. Na-enjoy kong manuod lagi ng sunset sa may tulay (lalo na nung summer). At iba pala sa panahon ng tag-ulan, halos walang amazing na eksena kang makikita sa kalangitan, pero enjoy pa rin ang nakaka-fresh na hangin at tanawin.
  • Halos makabisa ko na ang mga detalye ng daan mula sa amin hanggang sa may tulay ng Tawiran. Hindi na rin nangingiming makipagsabayan sa iba pang nagbibisikleta, motor o pati na jeepney; habang tumatagal nga eh nai-enjoy ko ang makalusot sa makikitid na daan kasabay ng iba pang sasakyan.
  • Sa madalas na paggamit ko ng aking bike, humina na ang preno nito, at isang araw nung Hulyo (na maulan din) akala ko ay uuwi akong guyod-guyod ang aking bisikleta dahil di pa man nangangalahati ay bumigay ang kadena; sa kabutihang palad, naayus ko naman (matapos ang nakaka-stress na tagpong yun lol) nagpatuloy pa rin ako sa pagba-bike kahit puro grasa ang dalawang kong kamay.
  • Napansin ko rin na kahit paano ay nagka-muscle yung binti ko (yung parang katulad sa mga nagta-trike dito sa amin) pero sana talaga yung tiyan ko na lang yun hahaha!
  • So, hanggang sa muling pagbibisikleta, sa summer na ulit (dahil busy na sa school) at nais ko sana sa ibang lugar naman, yung pang-malakasan at pang-malayuan :)


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...