Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 4:55 AM) |
Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 4:56 AM) |
Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 5:08 AM) |
Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 5:34 AM) |
Sea of Clouds (and people?) at Mt. Kiltepan, Sagada. (2017 05 06 / Sat, 5:25 AM) |
o-O-o
Summer,
2017 | Sagada, Mountain Province | May 06.
Alas-kwatro
pa lang ng umaga ay gising na kami (nila
Olan, Jacque at Jessa). Ang almusal namin ay cup noodles na saktong
pampainit ka-partner ng biskwit. Nagmamadali kami dahil una ay kailangan namin
ma-meet agad ang maghahatid sa amin papunta sa Mt. Kiltepan, pangalawa ay dahil
baka wala na kaming abutan na “sunrise”.
Dagling
paglakad at saglit na paghihintay (habang
enjoy sa pag-usok ng hininga namin sa bibig dahil sa lamig) ay na-meet
na rin namin ang driver ng van. Noong una, akala ko ay nasa early 20’s itong
driver namin; hindi kasi masyadong makita ang kanyang mukha dahil madilim pa,
naka-jacket siyang gray, tapus naka-cap pa.
Sa
byahe na lang namin nalaman na ang naghahatid pala sa amin ay halos
magse-senior high pa lang sa pasukan, mga 17 o 18 years old. Sa
pakikipagkwentuhan na lang namin iyon nalaman at saka isa pa paanong di
napakapagtataka eh ang music na pinatutugtog niya ay yung mga tugtugan ng
kabataan. Napabilib kami sa kanya dahil wala ni isa sa amin ang marunong
mag-drive ng van pero siya na napakabata ay bihasa na. Sinabi niya rin sa amin
na business ito ng kanilang pamilya at maaga rin naman siyang natutong
mag-drive. Nabanggit pa nga niya na
mangailang beses na rin naman siyang napakaghatid ng mga turista hindi lang sa
Sagada kundi sa malalayo ring lugar tulad ng Ilocos at iba pa.
Sakto
lang ang dating namin sa Mt. Kiltepan; madilim pa rin naman ang langit at meron
na ring mangilan-ngilang mga turista. Noon lang ako nakakita ng “sea of clouds”;
napaka-fluffy tignan, parang unan, sarap talunan. At ano pa nga ba ang gagawin
ng mga taong naroon… eh di piktyur!
Ang
weird ng feeling (o baka ako lang)
dahil parang “superstar” na inabangan ng lahat ang pagsulpot ng araw (pero kung sabagay, star naman ang sun).
Yung tipong lahat ng naroon ay nakatingin paharap sa araw, tapus may mga hawak na cellphone; hindi ko malaman kung paano tayo nama-manipulate ng nature
para mag-react ng ganito, parang na-kulto o na-gayuma ganun. Bigla na lang
kasing nanahimik (ng konti) ang
lahat, nag-record ng video at na-amaze! At nang tuluyan na ngang lumiwanag ang
kalangitan sa Mt. Kiltepan… ano pa nga ba ulit ang gagawin ng mga tao… eh di
piktyur!
nakaka miss umakyat ng bundok...lurve watching sunset ....and sunrise.
TumugonBurahintrue! salamat sa pagdaan :)
BurahinANGGANDA!
TumugonBurahintrue! :)
Burahin