Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na dear charot

huling post para sa 2016: kung bakit kami kahanga-hanga sa "kapit lang" at "humopia", at oo masaya yung bula-bula na blue :)

                Sa itinagal-tagal, akala ko ay napaka-problemado ko na. Pero, mas nahihirapan pa pala ang ilan sa aking mga kaibigan. Inakala ko na nahihirapan na talaga ako, pero mas mayroon pa pala silang pinagdaraanan kaysa sa akin. May mga panahon na dapat sana ay inilaan ko na lang para masuportahan ko man lang sila. Naipakita ko sana na ako rin ay may simpatya, na ako rin ay nakararamdam at naiintindihan din sila.                 Kung alam ko lang…                 Kung nalaman ko lang…                 Siguro ay kung nag-reach out pa ako.                 Siguro ay kung kahit saglit ay pinatahimik ko m...

just like those big photographs...

(sa likod) Denise at Ako, (sa harap) Neri, Eldie at Dranreb. Isang malaking room na pupunuin ko ng mga black and white pictures. Just like those big photographs I have seen in the museum. So that when life seems so weary, You can just walk inside that room And instantly recall the many moments when you were happy.

"...kahit walang popcorn at drinks."

Ika-05 ng Oktubre, 2014 Linggo, 11:55 ng gabi             Nakaka- miss naman yung mga gabi na sama-sama kaming nanunuod ng tv . Si mudra , pudra pati na tatlo kong mga nakatatandang ate. Nung mga panahon na bata pa kami… nung ako pa ang pinaka- bunso sa lahat.             Na mala- sinehan ang peg namin kahit walang popcorn at drinks . Walang nakasinding ilaw, tanging telebisyon lang, may nakalatag na banig at kumot habang tutok sa pinapanuod naming palabas sa tv , mapa-aksyon man o horror .             Yung mga tagpo na hindi makakaangal kahit sino sa mga ate ko kapag nahihiga ako sa kanila (habang nanunuod) , o kaya ay sinasandalan o sinsandayan ng paa hahaha , takot lang nilang mapagalitan ni mama, dahil ako ata ang pinaka- beybi noon.          ...

"...from haggard to HAGGARD!" :)

Ika-24 ng Setyembre, 2014 Miyerkules, 5:05 ng hapon             Ganito rin ang panahon kahapon sa naganap na Division Science Quest 2014 . Napakainit, parang sirang gripo ang mga pores ko, ayaw tumigil sa pagpapawis. Pakiramdam ko nga, na work-out na lang bigla ang muscles ng aking mga braso at kamay dahil sa walang tigil na pagpapaypay!             Lakas maka- haggard ng init habang nasa gym kami ng eskwelahang iyon. Gusto ko na ngang mag-semento ng pulbos sa mukha ko para lang maibsan ang oily face at panlalagkit ko. Ang daming mga kalahok mula sa iba’t-ibang paaralan. Marami ring paligsahan na masasalihan. Ngunit… wala talaga sa ulirat ko ang manalo (mas in-expect ko pa yun sa mga kasama ko) , lutang ang isip ko at sabik sa mga kaklase kong ngayon ko na lang ulit masisilayan (yun talaga ang pinaka-concern ko kahapon hahaha) . Unang Science Quest k...

"..lagi mong ikagugulat kung ano ang nasa loob ng bawat isa."

Ika-21 ng Hunyo, 2014 Sabado, 1:03 ng madaling araw             Iniiwasan ko na ang magkape tuwing Lunes hanggang Biyernes. Nakakaihi kasi… mabuti sana kung malapit lang ang CR kung saan ko hinahanap ang buhay ko ngayon hahaha … pero nalalayuan ako eh… lalakad, bababa ng hagdanan at lalakad ulit. Isipin mo na lang kung maraming beses akong maiihi dahil uminom ako ng kape, malamang hindi ko mako- conserve ang aking energy sa maghapon, dahil yung pagpunta pa lang sa CR effort na.             Kaya ‘pag Friday at nakauwi na ako sa bahay, excited na ako mag kape! Kaya eto gising pa…             Nagsisimula na ang panahon ng tag-ulan. Lumalamig na ang paligid. Hudyat na ito para mag- emote ang langit. Uso na ang makaramdam ng lamig… na naunuot sa balat, tumatagos sa buto at binabaon mo sa iyong puso. Maga...

"11. Oh ayan nakainom na ako."

Ika-12 ng Mayo, 2014 Huwebes, 5:19 ng hapon 1. Nakaka- miss ang gumising ng alas-singko ng madaling araw para abangan ang pagsikat ng araw. Nakaka- miss yung experience na nakikita kong unti-unting lumiliwanag sa aking kwarto… yung katahimikan … yung pakiramdam ng bagong simula … yung feeling hopeful (parang fb status lng haha) at yung magbasa ng libro na parang kinukwentuhan ka ng sumulat kahit sa loob lang ng isang oras. 2. Ang manuod ng downloaded movie sa gabi… Naka- earphone … yung volume na sapat na para wala ka na ibang marinig kundi yung pinapanuod mo. Yung damang-dama mo ang pelikula na para bang isa ka sa mga karakter o kakampi ng mga pangunahing tauhan. Yung hindi ka nagwo- worry kung gaano ito kahaba o kung anong oras ka matatapos sa iyong pinapanuod… at kapag matutulog ka na gusto mong ipagpatuloy ang kwento ng pelikula sa iyong panaginip kasi sobra kang na- touch / naka- relate / na- hook sa pelikula lols . 3. Yung makinig ng radyo kaysa m...

"Isa lang naman talaga ang gusto ko..."

Ika-28 ng Mayo, 2014 Miyerkules, 1:04 ng hapon             Dati, nagkaroon kami ng isang in-house seminar , isang madre ang naging speaker namin. Natural lang na maging medyo madilim sa audio-visual room para makita ang powerpoint presentation . Pero ayaw n’ya daw kasi ng madilim, kaya pinagilid niya ang ilan sa mga kurtinang nakatabing sa bintana, medyo lumiwanag naman. Ayaw n’ya daw kasi ng gloomy dahil nakalulungkot at nakawawala ng positive vibes .             Sabi niya kapag punong-puno na ang ating isip ng mga negatibong bagay, ‘wag daw mag- stay sa isang lugar dahil lalo lamang ito mananatili sa iyong loob. Lumabas daw at mag- enjoy sa araw, huminga ng hangin mula sa labas, tumingin sa paligid nang mapalitan ng positive energy ang pagiging nega mo…             …Madalas akong mag- stay sa akin...

Mahirap bang Matuto mula sa Ibang Tao?

Ika-16 ng Mayo, 2014 Biyernes, 9:33 ng gabi             Isa sa pinagdaraanan ko ngayon – the agony of waiting.             This too shall pass... x-o-x-o-x             Natutuwa at napapahanga talaga ako ng lubos sa mga taong hinubog ng panahon at karanasan upang maging mahusay na hindi nakalilimot kung saan siya nagmula at nananatiling nakaapak ang mga paa sa lupa . Lagi kong sinasabi sa sarili na kapag naging ‘mahusay’ na rin ako, sila ang aking tutularan.             Nasabi ko ito kasi naalala ko lang yung isang tagpo na may nakausap ako noon… na nasaktan ako pero sa kabilang banda may natutunan din naman ako. Ayoko na i-detalye kasi tapus na ang pangyayaring iyon (baka akalain pa na hindi pa ako nakapag-move on hahaha) . At last year pa ito naganap, ewan ko ba s...

Lagi bang may RAINBOW after the RAIN?

Ika-06 ng Mayo, 2014 Martes, 5:35 ng hapon             Ako lang ba ang mahilig mag kape sa hapon? Yung mainit ang panahon pero nagkakape pa rin ako sa harap ng electric fan (na dinugyot ng panahon hahaha) . Nakakaantok kasi sa hapon kaya kailangan ko ng pampagising. Oo alam ko na pwede akong mag- ice-cold-coffee , pero parang di ko na kasi ramdam ang kape kapag malamig. Iba ang aroma at lasa ng kape kapag mainit, lalo na kung bagong kulo pa ang tubig! Hmmm!             Yung pagkatapos mong uminom ay para kang nag- exercise o nag- jogging , tumatagaktak ang aking pawis. Butil-butil na pawis sa mukha hahaha . Ganun.             Ang problema nito, mamayang gabi ay gising na naman ako, pero okay lang. Mas gusto ko talaga na gising kapag gabi kaysa umaga. Mas naiintindihan ko ang mga ingles na pelikula haha...

Hello March! Malapit na Matapos ang Pagiging Guro Ko :)

Ika-08 ng Marso, 2014 Sabado, 11:27 ng umaga             Habang naliligo kagabi bago matulog, bigla ko na lang naalala sa gitna ng paliligo ko yung naging usapan namin ng isa sa mga co-teacher ko sa jeep dalawang taon na ang nakalipas… very timely ang memorya ko di ba hahaha , di ko alam bakit sa ganung tagpo ko pa yun naalala… siguro kasi Marso na… at unti-unti na nanunuot sa akin ang mga gawain tuwing dumarating ang nakakapikon na buwan na ‘to hahaha .             Habang nasa jeep kami nun pauwi, sabi niya bakit ko daw binagsak si Frank, ano daw bang malay ko kung siya ang susunod na Presidente . Tandang-tanda ko pa ang sinabi ko noon sa kanya, “ Eh baka hindi siya maging Presidente kung di ko siya ibabagsak! ” … at nagtawanan na lang kami lols .             Sa apat na taon ko ng pagtuturo… pala...

Last na 'to for this Year! :)

Ika-30 ng Disyembre, 2013 Lunes, 11:28 ng gabi             Meron na lang akong isang araw para pagbigyan ang pagiging ‘tulala creature’ ko sa mundo. Dahil pagsapit ng bagong taon, balik gawa na naman ng kung ‘anek-anek’ na preparation at paper works. Di ko na ulit mapagbibigyan ang sarili ko na tumunganga sa maghapon, kaharap ang netbook, di na rin ako makakatulog kahit na anong oras na gusto ko, makakalimutan ko na naman ang saya ng panunuod ng telebisyon hehe. Pero okay lang, sapat na sa akin ang panahong binigay ko sa sarili para maging ‘tulala creature’ di naman kasi maaaring maging ganun na lang.             Sabi nila, para magkaroon naman ng direksyon at purpose ang buhay mo, dapat alamin at gamitin mo ang mga ‘gifts’ na ipinagkaloob sa iyo, di para sa iyong sarili, kundi para sa iba. Ang mundo ay mas magiging mabuti kung lahat ay matututong wag maging makasaril...