Lumaktaw sa pangunahing content

"..lagi mong ikagugulat kung ano ang nasa loob ng bawat isa."


Ika-21 ng Hunyo, 2014
Sabado, 1:03 ng madaling araw


            Iniiwasan ko na ang magkape tuwing Lunes hanggang Biyernes. Nakakaihi kasi… mabuti sana kung malapit lang ang CR kung saan ko hinahanap ang buhay ko ngayon hahaha… pero nalalayuan ako eh… lalakad, bababa ng hagdanan at lalakad ulit. Isipin mo na lang kung maraming beses akong maiihi dahil uminom ako ng kape, malamang hindi ko mako-conserve ang aking energy sa maghapon, dahil yung pagpunta pa lang sa CR effort na.

            Kaya ‘pag Friday at nakauwi na ako sa bahay, excited na ako magkape! Kaya eto gising pa…

            Nagsisimula na ang panahon ng tag-ulan. Lumalamig na ang paligid. Hudyat na ito para mag-emote ang langit. Uso na ang makaramdam ng lamig… na naunuot sa balat, tumatagos sa buto at binabaon mo sa iyong puso. Magagamit ko na ulit ang mga linyang “lumuluha na naman ang langit para sa akin” hahaha. Maitataklob ko na sa nanlalamig kong katawan ang aking kumot… mayayakap ko na ulit ng mahigpit ang isa ko pang unan.

            Paano ba talaga ang maging masaya? Marami akong nakikitang mga nakangiting tao at humahagalpak ng tawa. Minsan naiisip ko bakit sila tumatawa ako hindi, korni ba ako o sila? Lol.

            Ang alam ko lang madalas lang akong mag-smile, ganun lang. Alam kong masaya ako kapag di ko na alam kung hanggang saan umaabot ang ngiti ko, tapus nararamdaman ko ang bilis at parang may lundag ang tibok ng puso ko, ganun… Masaya na ba ang tawag dun? Ano pa ba ang pakiramdam ng higit pa sa masaya?

            Hay… natulala na lang ako bigla. Inaantok na ko. Itutulog ko na lang ito…


Pagpapatuloy…
9:51 ng umaga


            Sa mga oras na ito, kahit pa tirik ang araw, kasalukuyan akong nagkakape hahaha. Naging parte na ata ng buhay ko ang pag-inom ng kape (pero ngayon tuwing weekends na lang)… kahit 3-in-1 lang ang iniinom ko, oks na yan!

            Sa tv ipinapalabas ang tagalized na pelikulang ‘Chinese Zodiac’… wala lang. Nabanggit ko lang. Nakabukas ang tv pero hindi ko naman ito pinapanuod, pinakikinggan ko lang kasi ito yung inaatupag ko. Pero mas gusto ko nung nakaraang linggo dahil ipinalabas nila ang tinagalog na ‘3 Idiots’… gustong-gusto ko talaga ang mga bitaw ng linya sa pelikulang iyon… yung damang-dama mo ang ilang tagpo dun na gusto mo sana itong ipanuod sa mga taong hirap kang paliwanagan. Kasi nga minsan, sabi nga nila, nakikinig man tayo ngunit ito ay para may masabi rin sa ating napakinggan hindi dahil ito ay iyong naintindihan. Kaya marahil medyo tahimik (o tahimik talaga hahaha) akong tao, eh kasi alam ko naman na di lahat ay marunong makinig at makaintindi (parang ako lang din lols)… baka masayang lang ang effort ko sa pag-i-explain.

            Nung nakaraang araw, nagsalita ako tungkol sa emosyonfeeling ko ang plastik ko nung araw na iyon dahil isa akong taong walang emosyon hahaha. Kailangan kong mag-isip ng mga senaryo na common sa marami kahit pa hindi ito common sa akin para lang maiparating ko na ‘nakaka-relate ako you know’ hahaha, pero hindi talaga. Mahirap maging isang aktor… kailangan ko pa ng maraming workshops hahaha. May sarili rin naman akong emosyon pero feeling ko kaunti lang ang mga species na katulad ko.

            Minsan naisip ko biniyayaan naman tayo lahat ng utak, pero hindi pa rin natin laging nagagawa ang tama. Siguro kasi hindi lang utak ang batayan sa paggawa ng tama o pati na rin ng mabuti.

            Nakatutuwa ang ibang tao. Para silang mga regalo. Maaring yung iba nakabalot sa isang magara at magandang gift wrapper o maaaring simple lang… pero lagi mong ikagugulat kung ano ang nasa loob ng bawat isa.




Mga Komento

  1. About coffee, di ko halos umiimom neto..sumasakit dyan ko.
    anyway, iba iba ang tao kaya iba iba fin ng emosyon. Ako naman ay masayahin tao. Ligaya baga name ko:)
    Napanood ko rin ang 3 idiots at nagustuhan ko ang film:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Talaga naman mommy joy.... full of positivity ka, Blog mo palang i can feel it.

      Burahin
    2. Tama ka Mr. Tripster! Sana marami ang tulad ni Mommy Joy (nakiki-mommy na rin ako haha), ang saya marahil ng mundo kapag napupuno ito ng mga positibong tao. :)

      Burahin
  2. Coffee pa rin ang number one drink ko. Iba iba nga talaga ang epekto nito. Sa akin mas inaantok ako, or minsan nakakatulong ito sa aking pag iisip at pag focus kapag nagsusulat ako.

    Nung umuulan ba sinabayan mo din ba ng kantang, "Heto ako-oh-oh... basang basa sa ulan...." hahahaha! Wala lang. Korny ko. Baka mapatawa ka sa mga korny jokes ko. Hehehehe!

    Hindi ko naman masasabing may problema ka. You're just different from the rest of humanity. And that's good. The only thing that saves humanity from itself are living beings who are not like the rest of humanity. So your mere existence is a hope for these humanoids.

    And I don't think that you lack happiness or you're sad. You're more like... poignant?

    Anyway, ako nga eh, laging rage. I always channel rage. My favourite emotion is rage, anger. Wala lang. enjoy ako dun eh. hehehe!


    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Minsan talaga nakakaantok ang kape, kaya tinatapangan ko ang timpla hehe. Kaso nahihirapan naman ako makatulog...

      Grabe, rage at anger! :) Kakaiba ka rin talaga Mr. Tripster :)

      Burahin
  3. oo amazing talaga kapag natutuklasan mo ang kaloob looban ng isang tao.
    may element of surprise.

    minsan akala natin kilalang kilala na natin ito, yun pala hindi pa. hehe

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...