Mga Pahina

Linggo, Disyembre 30, 2012

Ang Mahaba kong Note...



Di na talaga mapipigilan ang pagsapit ng 2013! Nakaka-pressure yung katamaran ko kasi pagkatapos ng mga 'celebration mode' back to work na naman, tsk! Hinihintay na naman ako ng mga minamahal kong papel na kailangan kong saksakin ng pulang ballpen :) ang class record at ang pagpa-plano para sa buhay ko at sa iba hehe.

Nakakatuwang magbasa ng mga post ng ibang bloggers ngayon. Very thankful sila sa mga nangyari sa kanilang buhay. Naisip ko nga eh, gagawa rin ba ako? Eh ang pinaka highlight ata ng buhay ko ay yung nangyaring baha :) Yun ang isa sa pinakamahirap na eksenang ginawa ko sa teleserye ng buhay na 'to hehe, one take lang yun ah, 'yoko na maulit eh.

Kung meron man isang bagay na na-enjoy ko talaga ngayong taon, bukod sa pasasalamat ko sa aking pamilya at mga kaibigan etc, ito na siguro yung napadpad ako dito sa blogosphere. Yung pagbo-blog. Ito yung isang bagay na nitong taon lang talaga nangyari sa life ko... and I have learned a lot.

Sabi ng ibang bloggers, parang 'baby' daw ang ating mga blog, na sa paglipas ng taon ay nakikita nating naggo-grow. Sa akin naman, yung blog ko marahil yung nagsisilbing paraan ko para ma-express yung mga bagay na hindi ko naman 'nakekeri' sa mga personal na usapan. More of being a 'listener' kasi ako as a person, sa mga super close at kapalagayan ko ng loob lang ako nakikipag-usap ng todo.

Sinunod ko lang yung isang payo na nabasa ko sa internet, ang sabi eh kapag feeling 'confuse' o naguguluhan ka, subukan mong magsulat. At malaki nga yung naitulong nun para makapag-reflect ako at makapag-move on sa mga bagay na nakiki-agaw ng 'space and time' sa buhay ko haha. Dati ko na naman yung ginagawa, pero iba kasi dito sa blogosphere. Sa personal journal ko kasi, wala namang mag-iiwan ng comment or suggestion dun, unless ipangalandakan ko yung notebook na pinagsusulatan ko sa bahay namin or sa mga dakilang neighborhood ko para may mapag-tsismisan sila :) Dito, nakakataba ng puso, yung kapag nasa 'senti-mode' ka, may mag-iiwan ng comment sa post mo, napakalaking bagay... ni hindi mo na nga sila kaanu-ano at hindi rin kilala ng personal. Ang galing lang! Dito ko naranasan na kahit di ako masyadong lumalabas, feeling 'connected' pa rin ako sa buhay ng iba. Pero syempre, alam ko na iba pa rin talaga ang makipag-socialize sa labas ng mundong 'to.

Malaki ang pagtingin ko sa mga taong mahilig o magaling magsulat. Hindi ko alam kung bakit, basta ganun yung nararamdaman ko. Di rin kasi madali na magpahayag ng kung ano ang nasa isip o nararamdaman mo, o yung makalikha ng isang kwento, tula etc... kasi feeling ko bawat malilikha mo bilang manunulat (propesyonal man o hindi) ay parte na ng pagiging ikaw... extension ng ating mga sarili ika nga. At dahil dun, dumating ako sa punto na ayoko na talagang magsulat or magkwento ng anu man haha, contradicting lang, kasi naisip ko baka di ko naman nabibigyan ng 'justice' yung ginagawa kong ito. Pero heto, still trying... hard lol.

Ang OA lang ng pag-appreciate ko sa blogging. Pero ganun talaga eh. Para akong nakahanap ng bagong paraan para kahit pa'no ay makita ko ang buhay on a different angle.

Marami akong hinahangaang bloggers ngayon. And in one way or another, I would also want to have the same effect on others... yung kahit papano eh maging source din ng 'inspiration'... I think, importante yun sa isang tao. Mabuhay ng may positibong pananaw. Yun lang kasi ang masi-share ko sa ngayon :) kasi mahal ang talent fee ko, napaka-precious ng time ko for EB events lol at nasa ilalim pa rin ng lupa ang mga kayamanan ko! :)

Nitong 2012, I have created a theme para sa buhay ko haha, ang 'arti' ko lang, may theme pang nalalaman :) Sabi ko nun bago mag 2012, gusto kong lumikha ng 'difference' sa life ko. I told myself, kailangan magawa ko yun kahit maliliit na pagbabago lang sa isang araw. And I believe, kahit pa'no, kasi mahirap talaga, nagawa ko naman. Natuto ako na ipakita at ipamuhay, kahit di mapanindigan palagi, yung mga bagay na pinaniniwalaan ko. Na kaya kong umalis sa mga 'stereotypical' na ideya. Yung matutong makinig sa sarili. Yung kumilos nang hindi masyadong natatakot sa sasabihin ng iba. Yung kahit pa'no ay maintindihan din ang iba, the same way na pag-intindi ko sa sarili. Oo, itong taon na 'to, napaka-emotero kong tao :) kaya natutunan ko na ring tawanan ang sarili ko lol :)

At sa darating na 2013, ang theme ko naman ay "chasing dreams" :)

Oo, inaamin ko na naging duwag ako sa pagtupad sa mga pangarap ko. Natakot talaga akong mabigo, kasi parang hindi yun ang inaasahan nila sa akin. Pero ngayon, 'wapakels' na ako, I will now chase my dreams! Pinagbigyan ko na sila, ako naman :)

Natatandaan ko noong college, napaka-bless ko sa pag-aaral. Di naman ako super talino, pero naipapasa ko yung mga subjects ko noon kahit stressful. Yung nakikita ko yung ibang classmates ko na sobrang worried or naiiyak pa nga sa mga grades nila, tapus ako parang 'cool' lang. Naisip ko nun na ibagsak yung ibang subjects ko, kasi feeling ko sa sobrang blessed ko baka di ko na alam ang pakiramdam ng mabigo. Dun siguro ako nagsimulang maging duwag. And because of that, little did I know, I have also failed sa ibang bagay. It took me time to realiize those things kasi mahirap din masaktan. Pero ganun talaga ang buhay, you may not have it all at once.

Dumating ako sa point na gusto ko talaga ma-determine kung ano talaga ang gusto ko. Yung makisabay ba o gumawa ng sariling daan. At mas pipiliin ko yung huli.

Maraming bagay ang hindi ko makokontrol sa darating na taon, kaya I wish upon a star talaga haha :) All is well na lang!

Siguro darating din yung araw na di na ako makukulong sa mundo kong 'to, pero sa ngayon, sige lang, pagsasawaan ko na 'to!

Ito na siguro ang pinakamahaba kong kwento.

God bless sa lahat! :)

Biyernes, Disyembre 28, 2012

Ang Sarap :)



Mahirap talaga minsan pagsabayin yung mga bagay na gusto mong gawin sa mga dapat mong gawin :) Bakit ba kasi minsan, di sila magkaparehas?

Napakadaming tao sa mundo, mga 7 billion na ata tayo, 7 bilyon ding mga pangarap, pwede bang lahat yun ay matupad?

Tatlong taon na akong graduate sa kolehiyo, sa'n ba talaga ako tutungo? haha :)

Sabi ng nanay ko, 'always chase your dreams', sosyal pero in-english ko lang talaga :) Minsan nakakainip maghintay... nakakapagod din mag-effort... may mga down moments, pero ganun siguro talaga, kapag may gusto kang matupad kailangan paghirapan.

Sabi nung lolo na katabi ko sa bus, ilan taon na daw ba ako? syempre nagpabata ako lol. Sabi niya sa tanda ko daw bang iyon ay masaya ako... tapus napaisip ako, natulala ako sa salamin ng bintana. Dinedma ko na yung mga kasunod na kwento niya etc...

Tulad ko ay yung babaeng nasakyan ko sa trike, pinipilit maging matapang. Mura siya ng mura habang papaalis sa mga kasama niya sa pilahan... sa isip ko, marahil ginagawa niya yun kasi siya lang yung nag-iisang babae dun, para siguro di siya kaya-kayanin. Tinanong ko kung ganun ba siya katapang... sabi niya, kailangan kasi yun. Siguro nga, kailangan ko rin yun.

Sa tuwing bibili ako ng tinapay dun sa bakery, hindi na yung dating tindera ang nagbebenta sa amin kahit nandun naman siya, yung may-ari na haha. Bilang binesfriend namin yung tindera, lagi may dagdag yun kapag bibili kami, eh nakahalata ang amo, baka nga naman malugi...

Nahihiya pa rin ako magtapon ng basura, tulad ng balat ng kendi o stick ng barbecue, kahit makalat naman yung lugar. Sa tuwing gagawin ko kasi yun, naaalala ko yung mukha nung mga matatandang guro ko sa elem, baka magalit sila haha :) Tandang-tanda ko pa lagi nilang sinasabi with facial expression "wag kayong magtatapon kung saan-saan, kahit balat lang ng kendi, isilid nyo yan sa inyong bulsa"... napaka-masunurin kong bata :)

Sabi nung kaibigan ko, masyado daw akong nabubuhay sa nakaraan. Dapat daw mag-move on, itapon ang mga basura ng kahapon, bakit daw ba kasi yun ay pinanghahawakan ko. Simulan ko daw pulutin kung anong nasa harapan ko at bumuo ng kung ano mula dito. Tapus, ibinaba ko yung telepono, sabi ko na lowbat... reply sya ng "k"... eh wala naman kasing nalolow bat na landline haha...

Eh anung meron sa mga kwentong 'to?

Wala.

Gusto ko lang iparating na nagpapasalamat ako sa taon na ito, dahil sa blog na 'to. Dito pwede kahit ano. Yung ganitong tipo ng 'freedom' na wala masyado sa kinalalagyan ko. Malay ko ba na kahit pa'no tatagal din pala ang dating trip lang na ito...

Ang sarap :)

Linggo, Disyembre 2, 2012

I hope I'm OK...




Ewan ko, bigla ko na lang ‘to naramdaman ngayon. Yung feeling na para bang may ‘kulang’… yung tipong kahit magawa ko ang mga bagay na sa tingin ko’y nararapat kong gawin ay di pa rin yun sapat para maintindihan ko kung ano yung ‘kulang’ na kailangan kong punan sa lalong madaling panahon.

Iniisip ko kung ito ba yung ‘lovelife’ na halos wala nang lugar sa buhay ko na ‘to. O kaya naman ay yung mga karanasan na sa tingin ko ay magpapatatag pa nang husto sa akin. Hindi ko talaga lubos na maintindihan pa sa ngayon…

Kanina, I caught myself looking into the fb pictures ng isang klasmeyt nung elem, kasama niya yung girlfriend niya sa picture. Sweet at mukhang masaya sila…nainggit lang ako, buti pa sya meron. Then I asked myself, anu nga ba ang ibig sabihin na matagpuan mo na yung iyong ‘better half’? Ano ba yung pakiramdam ng para bang may kahati ka sa lungkot at saya ng buhay… Gaano ba kasaya yung feeling na may nagmamahal sayo? Na may tatanggap sayo no matter what and who you are… Gusto ko rin yun maramdaman. Sana hindi pa huli…

And I do not know why… I pity myself about what’s happening in our family right now… all the while I thought okay lang yung family namin, pero hindi pala. There are so many things that we have to surpass. And I hope we can… and be together again. Ngayon ko lang naintindihan how it feels to come from a broken family… well di naman kami totally broken, but we are already experiencing a piece of it. And yes, it’s quite hard.

Kanina rin ay family day. I was very happy to see the parents together with their beloved children. And I just whispered to myself na sana lahat ng pamilya ay ganito kasaya at magkakasama tulad ng nakikita ko. It would be painful, I know, for a child na mamulat agad sa katotohanang di buo ang kanyang pamilya… eh hindi naman lahat ng bata ay ‘strong’ in a way that they can be resilient in whatever na mangyari sa kanilang buhay, some are weak, kailangan nila ng gabay at kasama.

And so I ask God… will there be a chance for me to figure out all the things in my life? Minsan, naisip ko, gusto ko munang mamuhay mag-isa, maybe because I really need more space to grow… so I can be able to handle my life on my own.

Lumilipas ang oras. And I don’t want to be dictated by its phase. I want my own time. I want to take my time living my life.

Sabado, Disyembre 1, 2012

My New Year's Resolution: Malapit na kasi ang Dec.21 :)



Unang araw ng Disyembre, kaya gumawa ako ng new year's resolution. Baka kasi matupad yung end of the world ng Mayan calendar sa Dec. 21, at least looking forward pa rin ako sa new year :)

1. Bawasan na ang pagiging 'tulala creature'.
-feeling ko kasi sa pagiging tulala ko lang nararamdaman na tunay pa rin akong tao :) na pwede naman akong tumigil kahit sandali sa mga pinagkakaabalahan kong anek-anek... yun nga lang minsan napapasobra nagiging 'tulala forever' :)

2. Be brave.
-maging matapang kasi sabi nga ni Steve Jobs, kung takot kang mabigo, you'll not go very far in this life... I have my visions naman kung saan ako pupunta at kung ano ang mga bagay na gusto kong gawin, siguro masyado ko lang kino-consider yung mga palagay ng 'iba'... eh sila yun eh, di naman ako yun, so be brave to take your own steps sa buhay...


3. Follow your heart, dreams and intuition.
-sa ganitong paraan magagawa ko kung anong gusto ko, ganun talaga ang life eh... di sa lahat ng oras ay mapupunta ka sa piniling daan ng marami, minsan kailangan mong gumawa ng sarili mong daan, and you should let your heart, dreams and intuition lead your way :)

4. Be Open.
-in other words, ibulalas ang sarili sa lahat, pati kaluluwa lol...on a serious note, siguro naisip ko lang, maging bukas pa sana ang aking isip at puso (meron ako naks!) sa marami pang bagay.

5. Mag-exercise.
-gusto ko naman ma-xp na gumalaw galaw, yung pagpawisan, kasi baka lumaki yung tiyan ko hehe :) tumaba na daw ako kahit pa'no, pero ayoko naman ng sobra, saka for health reasons na rin, diabetic pa naman ang pamilya namin tsk'

6. Maging mas positibo pang nilalang.
-optimistic ang tingin sa 'kin ng mga kakilala ko, pero syempre behind that mind set, medyo may pagka-nega kasi ako :) kaya lagi kong pinupunan ang sarili ko ng mga positive vibes at effective naman kasi in that way mas nagiging resilient ako anuman ang mangyari sa 'kin, good or bad ika nga eh win-win pa rin dapat :)

7. Mag-plano at gamitin ng tama ang oras.
-sabi nga eh, 'if you fail to plan, you plan to fail'... at ayoko na masayang ang oras ko thinking about the past, about other people na wala rin namang concern sa 'kin, worrying etc.

8. Maging mature.
-maging young at heart pa rin naman, but I have to act my age and do my responsibilities well (bata pa naman ako I'm just 23 lol) minsan kasi ang sarap lang maging 'pbb teens' haha, pero hindi yung landi factor, yung tipong bata ka pa at walang masyadong alalahanin sa life... sarap :)

9. Pataasin ang EQ :)
-marami akong friends at mabubuting tao na nakasalamuha sa aking buhay, and I want them to feel, more than for them to know, na na-appreciate at thankful ako na nakilala ko sila, personal man or not (with tears of joy)... masarap lang talaga yung feeling na naging connected yung buhay mo sa marami pa... parang pwede ka na rin mabuhay magpakailanman :) at dahil diyan ipagpapatuloy ko yan.

10. Take life as it is... give and get the most out of it :)

-sampu lang yan sa mga nailista ko, alam kong marami pa akong dapat baguhin at pagyamanin sa sarili... I know soon, makakamit ko rin ang 'best version' ng aking sarili (may ganun ba talaga? lol)...

Linggo, Nobyembre 25, 2012

TENthings: Kamusta na Me?



1. Yung ginigising pa rin ako ng nanay ko para pumasok, kahit malaki na ako at kaya ko naman na gawin yun mag-isa :)

2. Yung makapag-kape sa umaga at makapag-almusal bago umalis ng bahay...

3. Yung may babati sayo paglabas ng bahay kahit di mo naman sila ka-close or kakilala :) na dala lang siguro ng uniform na suot ko :)

4. Yung nakakasalubong mo yung mga dati mong students habang papasok sa school na isisigaw pa yung pangalan mo sa daan, mapansin mo lang sila...

5. Yung maggu-good morning sayo ang lahat ng makakasalubong mo papunta sa faculty...

6. Yung makakita ng maraming smiles :)

7. Yung dumadampi sayo yung sikat ng araw sa umaga habang papunta ka sa room sa third floor...

8. Yung makipag-kwentuhan at makipag-tawanan kahit maraming gawain...

9. Ang foodtrip after class :)

10. At ang matulog ng mahimbing kahit pagod.

...sampu lang yan sa mga bagay that I appreciate sa araw-araw na buhay.
...yan yung di naiintindihan ng iba, kung bakit nandun pa rin ako.
...yan yung di nila nakikita dahil di materyal na bagay.
...yan yung di mababayaran at di masusukat.

kaya, kung kakamustahin niyo man ako, wag mo sanang sabihin na napag-iwanan na ako
oo, wala pa akong ipantatapat sa kinikita niyo
baka nga mas maganda na ang kinalalagyan niyo ngayon, masaya ako para sa inyo :)

iba lang talaga yung pinili ko...
malay mo pag nagsawa na rin ako sa mga bagay na 'to
baka tahakin ko na rin ang landas niyo
at maikukumpara ko na rin ang sarili ko tulad ng ginagawa niyo...

pero sa ngayon...
bigyan niyo muna ako ng oras,
di talaga to nakakayaman... nakakapagpabago lang ng buhay :)

Martes, Nobyembre 20, 2012

Buhay, Misteryo at ang Paalala ni Mam Aning



Sa anong paraan mo ba gustong gamitin ang buhay mo?

Nakakatuwang isipin na maaring maging makabuluhan ang buhay mo sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.

Hindi lang puro pagyaman o pagkamkam ng mga materyal na bagay. Lagi akong naniniwala na higit pa dun ang dahilan kung bakit tayo narito at nabubuhay.

Hindi naman perpekto ang buhay ko... kahit ako ay di rin perpekto. Pero ang sarap maramdaman na sa kabila ng 'imperfections' mo ay nakapagbibigay ka pa rin ng tulong o inspirasyon para sa iba, yun lang eh parang napakasaya na. Yung tipong, di bale na kung 'wasted' ang buhay mo, at least baka sa ibang tao matupad ang mga hinahangad mo, baka 'oks' na rin yun :) At least yung mga sumunod sayong nabuhay ay di naging tulad mo :)

Kaya sa tuwing iisipin ko kung ano ba ang pwede ko pang gawin sa buhay na 'to, minsan sumasagi rin sa isip ko kung ano pa ba ang pwede kong magawa sa buhay ng iba? Sa ganung paraan, naiiwasan ko ang maging makasarili o yung mag-focus masyado sa sarili. Totoo pala na kung ano ang ibinibigay mo sa mundong 'to ay ganun din ang babalik sayo.

I am Mr. Mysterious...

Di ko alam kung ok lang ba na i-share ko yung blog ko sa marami ko pang mga kaibigan at kakilala. Iilan lang kasi, sa tingin ko, ang tunay na nakakakilala sa akin *yung deep inside me* :)

Itong blog kasi na 'to ay isa sa mga bagay na tumulong sa akin para mas makilala ang sarili, kaya naisip ko baka pag nabasa nila ang mga sinusulat ko, malaki ang chance na mas makikilala pa nila ako ng lubusan.

I'm not very vocal sa mga taong di ko pa talaga close or kapalagayan ng husto, kaya pag may iba akong kakilala na nakikitang masaya akong nakikipag-usap sa mga kaibigan ko, nagtataka yung iba, ganun daw pala ako at kahit ako ay nagtataka rin kung bakit di nila nakikita ang pagiging masiyahn at 'artistahin' ko lol :)

On the other hand, iniisip ko rin na wag na lang. 'Cause I know time will come, they'll see me as a 'rising star' hahaha :)

"Araw-araw tayong nakikibaka..." sabi ni Ma'am Aning

Isa yan sa mga linyang di ko makakalimutan mula sa history instructor namin nung college. Sabi niya ang pakikibakang tinutukoy niya ay ang sa ating sarili.

Iniisip ko na marahil tama nga sila tungkol sa akin, pero lahat naman tayo ay may 'mysterious effect' ang buhay... na kung hindi tutuklasin kung ano pa ang nasa loob ng iyong sarili ay mananatili na lamang itong misteryo. Kaya dapat nating mapagwagian ang bawat pakikibaka sa ating kalooban higit pa sa labas na mundong ating ginagalawan.

Nagpapaka-deep na naman ako sa araw na ito.

x-o-x-o-x

Anong ganap sa buhay ko today?

Kaninang umaga, naghatid ako ng mga retreat letters para sa mga students bago pa dumating ang kanilang bus, syempre may kasabwat akong isa. Kahit medyo nakakapagod magsulat, sa katunayan nga ay di ko naman nagawan lahat, pinilit ko pa rin gumawa. Sayang kasi yung pagkakataon na masabi mo kung anong mabuti ang meron sa kanilang sarili, nang sa ganun ay di puro kamalian ang kanilang nakikita. Dahil hangga't may naniniwala sa iyong kakayahan at pagkatao ay napakalaking tulong na yon para sa paglago niya.

Nakakatawa lang na nag-ala 'ninja move' pa ako kanina para di mapansin ng marami, ang sarap ng feeling parang spy lang with disguise pa dahil 'pambahay mode' lang itsura ko kanina lol :)

Ayun lang. Salamat sa araw na to, nakapag-post din :)

Linggo, Nobyembre 11, 2012

Ngiti :)





I know how it feels to get out of the house na sobrang bigat ng nararamdaman, because you are so preoccupied by many things tulad ng problema. (taglish mode...)

I've been through that point... many times in my life. Kaya nga nung medyo naka-move na ako, nangako ako sa sarili na di na mauulit yun, maaaring mangyari pa rin, but this time, I'll make it sure, na kahit ano pa man yan, I can handle all of it!

Kaya whenever I walk out from the house, I always wear a 'smile' as if sobrang ganda ng magiging araw ko, kahit alam kong at the end of the day ay 'haggardness' pa rin ang ending... pero ganun talaga kaya 'smile' na lang.

Lahat naman kasi ng tao ay may dinadalang problema... ika nga eh, kanya-kanyang paraan lang yan on how you carry your problems :)

I believe na yung smile can be a source of inspiration, kaya di ko na yun pinagdadamot pa :) Akalain mo yun simpleng ngiti lang nakakapagpagaan na ng loob ng iba.

Kaya ugaliin natin ang pag-ngiti :) Malay mo, 'sang buhay bawat araw ang nababago mo.

*parang pang-commercial lang ng toothpaste*
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...