Sa anong paraan mo ba gustong gamitin ang buhay mo?
Nakakatuwang isipin na maaring maging makabuluhan ang buhay mo sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.
Hindi lang puro pagyaman o pagkamkam ng mga materyal na bagay. Lagi akong naniniwala na higit pa dun ang dahilan kung bakit tayo narito at nabubuhay.
Hindi naman perpekto ang buhay ko... kahit ako ay di rin perpekto. Pero ang sarap maramdaman na sa kabila ng 'imperfections' mo ay nakapagbibigay ka pa rin ng tulong o inspirasyon para sa iba, yun lang eh parang napakasaya na. Yung tipong, di bale na kung 'wasted' ang buhay mo, at least baka sa ibang tao matupad ang mga hinahangad mo, baka 'oks' na rin yun :) At least yung mga sumunod sayong nabuhay ay di naging tulad mo :)
Kaya sa tuwing iisipin ko kung ano ba ang pwede ko pang gawin sa buhay na 'to, minsan sumasagi rin sa isip ko kung ano pa ba ang pwede kong magawa sa buhay ng iba? Sa ganung paraan, naiiwasan ko ang maging makasarili o yung mag-focus masyado sa sarili. Totoo pala na kung ano ang ibinibigay mo sa mundong 'to ay ganun din ang babalik sayo.
I am Mr. Mysterious...
Di ko alam kung ok lang ba na i-share ko yung blog ko sa marami ko pang mga kaibigan at kakilala. Iilan lang kasi, sa tingin ko, ang tunay na nakakakilala sa akin *yung deep inside me* :)
Itong blog kasi na 'to ay isa sa mga bagay na tumulong sa akin para mas makilala ang sarili, kaya naisip ko baka pag nabasa nila ang mga sinusulat ko, malaki ang chance na mas makikilala pa nila ako ng lubusan.
I'm not very vocal sa mga taong di ko pa talaga close or kapalagayan ng husto, kaya pag may iba akong kakilala na nakikitang masaya akong nakikipag-usap sa mga kaibigan ko, nagtataka yung iba, ganun daw pala ako at kahit ako ay nagtataka rin kung bakit di nila nakikita ang pagiging masiyahn at 'artistahin' ko lol :)
On the other hand, iniisip ko rin na wag na lang. 'Cause I know time will come, they'll see me as a 'rising star' hahaha :)
"Araw-araw tayong nakikibaka..." sabi ni Ma'am Aning
Isa yan sa mga linyang di ko makakalimutan mula sa history instructor namin nung college. Sabi niya ang pakikibakang tinutukoy niya ay ang sa ating sarili.
Iniisip ko na marahil tama nga sila tungkol sa akin, pero lahat naman tayo ay may 'mysterious effect' ang buhay... na kung hindi tutuklasin kung ano pa ang nasa loob ng iyong sarili ay mananatili na lamang itong misteryo. Kaya dapat nating mapagwagian ang bawat pakikibaka sa ating kalooban higit pa sa labas na mundong ating ginagalawan.
Nagpapaka-deep na naman ako sa araw na ito.
x-o-x-o-x
Anong ganap sa buhay ko today?
Kaninang umaga, naghatid ako ng mga retreat letters para sa mga students bago pa dumating ang kanilang bus, syempre may kasabwat akong isa. Kahit medyo nakakapagod magsulat, sa katunayan nga ay di ko naman nagawan lahat, pinilit ko pa rin gumawa. Sayang kasi yung pagkakataon na masabi mo kung anong mabuti ang meron sa kanilang sarili, nang sa ganun ay di puro kamalian ang kanilang nakikita. Dahil hangga't may naniniwala sa iyong kakayahan at pagkatao ay napakalaking tulong na yon para sa paglago niya.
Nakakatawa lang na nag-ala 'ninja move' pa ako kanina para di mapansin ng marami, ang sarap ng feeling parang spy lang with disguise pa dahil 'pambahay mode' lang itsura ko kanina lol :)
Ayun lang. Salamat sa araw na to, nakapag-post din :)
Ako rin may mga nakilala pa ako sa sarili ko magmula nang magblog ako. Nasa sayo kung ipapaalam mo ang blog mo sa kakilala mo. Pero mukhang anonymous ka. Siguro wag na lang, kasi isa kang guro baka malaman eto nung mga studyante mo. Lam mo na pwedeng mangyari... Buti nag update ka nang pangyayari sa buhay mo sir :)
TumugonBurahinmukhang hindi na nga lang talaga, kasi anu man ang mga narito ay pwedeng gamitin laban sa akin *afraid ng konti* eh puro truth naman ang narito... :) at pawang ako lamang :)
BurahinAno magagawa ko para sa buhay ng iba, nice thought, ano nga kaya.. Okay na siguro yun mapangiti ko kayo sa taglay kong ganda at yumi.. chos! Nahahawa tuloy ako sayo, lol. Si Ma'am Aning ba e aning talaga? Haha.. Ay hindi ako nakatanggap ng letters sa teachers ko dati, hindi nila ako mahal! Chos.. tamad lang siguro sila sumulat, haha!
TumugonBurahinnaks naman :) baka sobra pa ang maidulot mo sa iba gamit ang iyong ganda at yumi :) si ma'am aning ay isang kakaibang nilalang, di ko alam kung pano ko ilalarawan hehe
Burahinyaan mo susulatan na lang kita :)
ako... nahihiya ako pag may ibang makakabasang kakilala ko ng blog ko. its wierd na open yung bloghouse sa strangers pero sa kakilala, hindi. lols.
TumugonBurahinhaha true! mas ok pa kung random pipol ang makakabasa ng blog mo, pero pag kakilala talaga parang may kung anung factor lol :)
Burahintengks! *?*
TumugonBurahin- Kilala po ba kita Sir? I don't know.... :)
TumugonBurahin- Wow, nagbigay ng retreat letters.. Sino po ung kasabwat mo? Pakilala mo po sakin. (innocent) :P
anyways, thanks po. :)
kamusta ang retreat? sana marami kayong natutunan :)
Burahinsince travel blogger ako chox lang mabasa ng mga friends ko yung blog ko. pero mi isa akong blog.personal sya at lahat ideology ko sa isang bagay ;-) nahihiya nga ako kahit ibang blogger makabasa. baka ano isipin nila sakin. sarap talaga magsulat anoh? na e-express mo sarili mo.
TumugonBurahinkaya nga, napakalaya ng pakiramdam kapag nagsusulat :)
Burahin