Lumaktaw sa pangunahing content

Buhay, Misteryo at ang Paalala ni Mam Aning



Sa anong paraan mo ba gustong gamitin ang buhay mo?

Nakakatuwang isipin na maaring maging makabuluhan ang buhay mo sa pamamagitan ng pagtulong sa iba.

Hindi lang puro pagyaman o pagkamkam ng mga materyal na bagay. Lagi akong naniniwala na higit pa dun ang dahilan kung bakit tayo narito at nabubuhay.

Hindi naman perpekto ang buhay ko... kahit ako ay di rin perpekto. Pero ang sarap maramdaman na sa kabila ng 'imperfections' mo ay nakapagbibigay ka pa rin ng tulong o inspirasyon para sa iba, yun lang eh parang napakasaya na. Yung tipong, di bale na kung 'wasted' ang buhay mo, at least baka sa ibang tao matupad ang mga hinahangad mo, baka 'oks' na rin yun :) At least yung mga sumunod sayong nabuhay ay di naging tulad mo :)

Kaya sa tuwing iisipin ko kung ano ba ang pwede ko pang gawin sa buhay na 'to, minsan sumasagi rin sa isip ko kung ano pa ba ang pwede kong magawa sa buhay ng iba? Sa ganung paraan, naiiwasan ko ang maging makasarili o yung mag-focus masyado sa sarili. Totoo pala na kung ano ang ibinibigay mo sa mundong 'to ay ganun din ang babalik sayo.

I am Mr. Mysterious...

Di ko alam kung ok lang ba na i-share ko yung blog ko sa marami ko pang mga kaibigan at kakilala. Iilan lang kasi, sa tingin ko, ang tunay na nakakakilala sa akin *yung deep inside me* :)

Itong blog kasi na 'to ay isa sa mga bagay na tumulong sa akin para mas makilala ang sarili, kaya naisip ko baka pag nabasa nila ang mga sinusulat ko, malaki ang chance na mas makikilala pa nila ako ng lubusan.

I'm not very vocal sa mga taong di ko pa talaga close or kapalagayan ng husto, kaya pag may iba akong kakilala na nakikitang masaya akong nakikipag-usap sa mga kaibigan ko, nagtataka yung iba, ganun daw pala ako at kahit ako ay nagtataka rin kung bakit di nila nakikita ang pagiging masiyahn at 'artistahin' ko lol :)

On the other hand, iniisip ko rin na wag na lang. 'Cause I know time will come, they'll see me as a 'rising star' hahaha :)

"Araw-araw tayong nakikibaka..." sabi ni Ma'am Aning

Isa yan sa mga linyang di ko makakalimutan mula sa history instructor namin nung college. Sabi niya ang pakikibakang tinutukoy niya ay ang sa ating sarili.

Iniisip ko na marahil tama nga sila tungkol sa akin, pero lahat naman tayo ay may 'mysterious effect' ang buhay... na kung hindi tutuklasin kung ano pa ang nasa loob ng iyong sarili ay mananatili na lamang itong misteryo. Kaya dapat nating mapagwagian ang bawat pakikibaka sa ating kalooban higit pa sa labas na mundong ating ginagalawan.

Nagpapaka-deep na naman ako sa araw na ito.

x-o-x-o-x

Anong ganap sa buhay ko today?

Kaninang umaga, naghatid ako ng mga retreat letters para sa mga students bago pa dumating ang kanilang bus, syempre may kasabwat akong isa. Kahit medyo nakakapagod magsulat, sa katunayan nga ay di ko naman nagawan lahat, pinilit ko pa rin gumawa. Sayang kasi yung pagkakataon na masabi mo kung anong mabuti ang meron sa kanilang sarili, nang sa ganun ay di puro kamalian ang kanilang nakikita. Dahil hangga't may naniniwala sa iyong kakayahan at pagkatao ay napakalaking tulong na yon para sa paglago niya.

Nakakatawa lang na nag-ala 'ninja move' pa ako kanina para di mapansin ng marami, ang sarap ng feeling parang spy lang with disguise pa dahil 'pambahay mode' lang itsura ko kanina lol :)

Ayun lang. Salamat sa araw na to, nakapag-post din :)

Mga Komento

  1. Ako rin may mga nakilala pa ako sa sarili ko magmula nang magblog ako. Nasa sayo kung ipapaalam mo ang blog mo sa kakilala mo. Pero mukhang anonymous ka. Siguro wag na lang, kasi isa kang guro baka malaman eto nung mga studyante mo. Lam mo na pwedeng mangyari... Buti nag update ka nang pangyayari sa buhay mo sir :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mukhang hindi na nga lang talaga, kasi anu man ang mga narito ay pwedeng gamitin laban sa akin *afraid ng konti* eh puro truth naman ang narito... :) at pawang ako lamang :)



      Burahin
  2. Ano magagawa ko para sa buhay ng iba, nice thought, ano nga kaya.. Okay na siguro yun mapangiti ko kayo sa taglay kong ganda at yumi.. chos! Nahahawa tuloy ako sayo, lol. Si Ma'am Aning ba e aning talaga? Haha.. Ay hindi ako nakatanggap ng letters sa teachers ko dati, hindi nila ako mahal! Chos.. tamad lang siguro sila sumulat, haha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naks naman :) baka sobra pa ang maidulot mo sa iba gamit ang iyong ganda at yumi :) si ma'am aning ay isang kakaibang nilalang, di ko alam kung pano ko ilalarawan hehe

      yaan mo susulatan na lang kita :)

      Burahin
  3. ako... nahihiya ako pag may ibang makakabasang kakilala ko ng blog ko. its wierd na open yung bloghouse sa strangers pero sa kakilala, hindi. lols.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha true! mas ok pa kung random pipol ang makakabasa ng blog mo, pero pag kakilala talaga parang may kung anung factor lol :)

      Burahin
  4. - Kilala po ba kita Sir? I don't know.... :)
    - Wow, nagbigay ng retreat letters.. Sino po ung kasabwat mo? Pakilala mo po sakin. (innocent) :P
    anyways, thanks po. :)

    TumugonBurahin
  5. since travel blogger ako chox lang mabasa ng mga friends ko yung blog ko. pero mi isa akong blog.personal sya at lahat ideology ko sa isang bagay ;-) nahihiya nga ako kahit ibang blogger makabasa. baka ano isipin nila sakin. sarap talaga magsulat anoh? na e-express mo sarili mo.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...