Ang Pag-aaral, ang Undas at ang Trick or Treat :)



“You cannot teach a man anything; you can only help him find it within himself." - Galileo

Nung nag-aaral pa ko (high school at elem), naniwala ako na maaaring maituro ng isang guro ang lahat sa kanyang mga estudyante. Dati talaga akala ko ganun.

Tapus, nung nasa college na ako, naisip ko na maaaring mas marami akong matutunan sa sarili kong paraan, pero hinayaan kong maging biktima pa rin ako ng luma at walang muwang kong kaisipan. Palaasa sa maituturo ng mga professor... na pinagsawaan ko rin pero hinayaan ko na lang na maging ganun, kasi sa isip ko "eh ganun din naman ang marami".

Sa ngayon, na ako naman ang nagtuturo, nakikita ko pa rin ito sa mga mag-aaral. Tila lingid pa rin sa kanilang isip na mas marami at malawak ang kanilang matututunan kung bibigyan nila ito ng panahon para na rin sa kanilang sarili. Hangad ko na maisip nilang hindi perpekto ang mga guro nila sa kasalukuyan. Oo, maaaring marami ngang alam at kayang maibahagi ang isang guro, pero iba pa rin ang pagkatutong nagmumula sa kanilang sarili.

Sabi nga eh "children need to be taught how to think, not what to think".

Naalala ko lang yung guro ko nung high school sa literature, sabi niya di raw siya naniniwala na dapat i-motivate ang mga bata sa pag-aaral, para sa kanya, dapat ang motivation para matuto ay nagmumula sa mga estudyante mismo.

Minsan, marami lang talagang nagtatalong kaisipan sa loob ko. At ang mga ito ay epekto lang nang walang katapusang pagche-check ko ng mga papel :) Kapagod, bakasyon ngayon di ba? Pero di pa rin ako nilulubayan ng mga papel at bolpen. Tsk' :P Ang mga moment na ito ang nakakasira sa pagiging "tulala creature ko". Kainis ng konti LoL.

x-o-x-o-x

Kahit kailan, di ko pa naranasan ang pumunta sa sementeryo tuwing undas. Wala naman kasi ang puntod ng mga namatay naming kamag-anak dito. Lahat nasa probinsya. Tuwing bakasyon lang kami nakakauwi dun, kaya tuwing bakasyon lang din kami nakadadalaw sa mga puntod. Kaya never ko pa talaga na-experience na pumunta sa sementeryo kasabay ng maraming tao... Wala rin namang saysay kung makikidalaw ako sa mga puntod ng kamag-anak ng aming kapitbahay... Wala... wala atang pag-asa na minsan ay makigulo ako sa dami ng tao tuwing undas... sayang.

x-o-x-o-x

Tanong: Ikaw, kamusta naman ang undas mo?

Sa edad mo bang yan ay kumakatok ka pa rin sa pintuan ng may bahay sabay sabi ng "trick or treat!" tulad ng mga bata dito sa amin, na madalas dedma at pagpapalayas lang sa kanila ang nararanasan lol :) Feeling ko kasi sa mga nakatira lamang sa mayayamang subdivision "uso" ang mga ganun :) Kaya pag dito ka nag-trick or treat sa lugar namin... hay naku... kahit mapaos ka pa dyan... walang kahihinatnan :)

Mga Komento

  1. Naniniwala ako na lahat tayo matututo sa mga experiences natin sa buhay... at ung mga pagkakamali natin.... pero syempre nakakatulong din ang mga teacher sa paggabay ^^

    TumugonBurahin
  2. Experience kasi is the best teacher pa din di ba? Pero iba pa rin yun mga teacher na nag-iwan ng mark sa puso mo, hindi dahil sa mga tinuro nya academically, pero sa values na pinakita nya sayo..

    Hindi rin uso trick or treat dito samen, wala rin kami sa mayamang subdivision e, hehe! Pero sa office namin meron..


    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i agree, experience is the best teacher :) kaya dapat maraming ma-experience anng bawat nilalang sa mundo :)

      Burahin
  3. agree much ako sa pharse na to
    "children need to be taught how to think, not what to think".

    anyways ang undas ko ay sobra nakakapagod peo masaya

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. buti ka pa napagod sa undas at naging masaya :) ako nainip sa bahay at di masyadong masaya :)

      Burahin
  4. I think people must realize that teachers are not only there to inform but also to education, and to educate means to impart knowledge and wisdom, and to share life.

    Like I said before, it's not a profession. It's a calling. Pero hindi naman talaga maiiwasan na may mga taong hindi magegets ang itinuturo mo. Si Hesus nga, nagturo sa kanyang mga disipulo. Nawala lang siya ng ilang araw after his death, parang nawala na rin ang mga natutunan ng mga apostol.

    Ang point ko lang eh nasa estudyante iyon, if he will choose to obey and understand, or be proud and close one's mind and heart.

    Yun bang, dapat nilang maintindihan na hindi grade ang dapat nilang habulin kundi yung lesson na dapat nilang matutunan dahil kakailanganin nila iyon in the future.

    Anyway, kailan kaya tayo magbabakasyon na tunay na vacation talaga? I really look forward dun sa one week vacation ko sa December. Nasisiraan na ako ng bait sa trabaho.

    Tuwing November 1, nung nasa Pilipinas pa ako lagi kaming napunta sa puntod ng lolo ko. For us it was always a solemn ceremony. From morning until afternoon we will be staying inside the mausoleum, in solemn prayer. Habang sa tabi namin mga nagsusugal, picnic, nag liligawan, chismisan, tawanan. Parang prequel ng pasko, wala nga lang Christmas tree, puro decorated na puntod lang. Leche! I remember feeling sorry and indignant during those times. Parang pambabastos na sa mga taong nais mag commemorate ng ala-ala ng mga yumaong mahal sa buhay.

    Another thing that I can never forget is the smell in the air. It reeks of death and incense. Ewan ko, yun lang yung naging impression sa akin at the time.

    Dito sa Italy, wala naman akong cemetery na pinupuntahan. Buong araw ako nasa trabaho, pag uwi ko derecho tulog dahil sa pagod.

    At ano ba namang pauso yan- trick or treat? Kahit dito pilit nilang pausuhin, eh wala. Pinalalayas lang din naman ang mga bata.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow! very well said hehe
      parang na-miss ko ang mga ganitong komento mr tripster :) feeling ko nagbasa na rin ako ng blogpost :)
      super busy ka pala dyan sa Italya, sana nga magkaroon naman ng 'break' sa ating mga ginagawa sa buhay... sana talaga, naku'

      Burahin
  5. Asan yung comment ko dito? T.T Di ko makita. hehe

    TumugonBurahin
  6. First time kong mag-attend ng Halloween Party. The whole street was transormed into a haunting place of ghosts, vampires, and sexy ladies, he,he,he. Anyway after two hours, super crazy na yung party so I went back home, 7 pa lang yan ng gabi. Party pooper me!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hehe nice naman nakapag-enjoy ka :) dapat nagtagal ka pa ng kaunti, aga mo umuwi :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento