TENthings: Kamusta na Me?



1. Yung ginigising pa rin ako ng nanay ko para pumasok, kahit malaki na ako at kaya ko naman na gawin yun mag-isa :)

2. Yung makapag-kape sa umaga at makapag-almusal bago umalis ng bahay...

3. Yung may babati sayo paglabas ng bahay kahit di mo naman sila ka-close or kakilala :) na dala lang siguro ng uniform na suot ko :)

4. Yung nakakasalubong mo yung mga dati mong students habang papasok sa school na isisigaw pa yung pangalan mo sa daan, mapansin mo lang sila...

5. Yung maggu-good morning sayo ang lahat ng makakasalubong mo papunta sa faculty...

6. Yung makakita ng maraming smiles :)

7. Yung dumadampi sayo yung sikat ng araw sa umaga habang papunta ka sa room sa third floor...

8. Yung makipag-kwentuhan at makipag-tawanan kahit maraming gawain...

9. Ang foodtrip after class :)

10. At ang matulog ng mahimbing kahit pagod.

...sampu lang yan sa mga bagay that I appreciate sa araw-araw na buhay.
...yan yung di naiintindihan ng iba, kung bakit nandun pa rin ako.
...yan yung di nila nakikita dahil di materyal na bagay.
...yan yung di mababayaran at di masusukat.

kaya, kung kakamustahin niyo man ako, wag mo sanang sabihin na napag-iwanan na ako
oo, wala pa akong ipantatapat sa kinikita niyo
baka nga mas maganda na ang kinalalagyan niyo ngayon, masaya ako para sa inyo :)

iba lang talaga yung pinili ko...
malay mo pag nagsawa na rin ako sa mga bagay na 'to
baka tahakin ko na rin ang landas niyo
at maikukumpara ko na rin ang sarili ko tulad ng ginagawa niyo...

pero sa ngayon...
bigyan niyo muna ako ng oras,
di talaga to nakakayaman... nakakapagpabago lang ng buhay :)

Mga Komento

  1. I honor you for choosing that profession. Being a teacher/ an instructor is very noble. I've been there,done that for four years when I was still in the Philippines. Though it offers no added perks (most of the time) but what satisfied me was "seeing my students learned a lot from what I teach them, knowing they're really interested in our everyday lessons and the thought that they are looking forward to what's exciting everyday. I love to surprise them in a good way. Yan siguro yung rason kung bakit "well loved" ako ng mga grade schoolers ko before. Even until now, when I go back, we have our bondings. The friendship that we formed beyond the teacher-student relationship is one of the "not material reward" that I got from being a teacher. When I enter the field (I was pushed by my uncle who is the owner of the school)I strongly refused kasi akala ko di ko kakayanin ang pagha handle sa kakulitan ng kids pero when I was there na. I just did my job the best way I can and luckily I delivered well. Pati mga parents nalungkot when I got an offer abroad. Before I leave my students, I took a video footage of them and even until now it's still intact with me.

    Ang importante naman sa buhay ay yung satisfaction at masaya ka sa ginagawa mo eh di ba? Kaya ako umalis due to financial needs, apart from that no other reasons na.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama na ang mas mahalaga ay yung maging masaya ka sa iyong ginagawa :) yun lang talaga...

      Burahin
  2. ang mahalaga mahal natin ang ginagawa natin ^_^

    TumugonBurahin
  3. Iba talaga pagteacher. Kagalang galang. Pangarap ko yan noon :) Kodus to u sir

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. iba nga talaga... kahit nga ako minsan feeling ko di ako sapat para dun...

      Burahin
    2. Sir ipadala mo sakin ang iyong postal add at name :)

      Burahin
  4. Lakas maka-good vibes ng post na to.. shows how grateful you are even just for the little things in life.. basta masaya ka, go lang, dedma na muna sa iba..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. i agree :) maging masaya :) sana maging masaya rin sila para sa akin lol

      Burahin
  5. hehe iba talaga nagagawa ng passion haha thumbs up pareng jep
    isa sa pinaka masayang propesyon talaga pagiging teacher

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. masaya na mahirap... masaya na sobrang hirap... masaya na nakaka-haggard... ganyan :)

      Burahin
  6. ang ganda ng post na 'to. nahipo ako ah. :)

    salamat sa pagbahagi. isa itong magandang babasahin na kumumpleto ng linggo at magsisimula ng bagong linggo ko.

    mabuhay ka!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow salamat naman at nahipo kita lol :)
      mabuhay tayong lahat!

      Burahin
  7. ang mahalaga mahal mo ang ginagawa mo at may natutulungan at napapasaya ka.. pangarap ko kaya yang propesyon mo..pwede pa kaya? hehe..

    TumugonBurahin
  8. minsan.... hindi sa kinikitang sweldo nasusukat ang kasiyahan sa pagtratrabahao. Basta mahal mo ang ginagawa mo. sapat na sapat na iyon.

    TumugonBurahin
  9. naku jef,, pag ganyan mga nangungumusta sayo, ituro mu lang ako!... sabihin mo may mas napagiiwanan pa kesa sayo ^.^, kidding aside,di naman kasi karera ang pinunantahan natin dito sa Earth para magpaunahan pumuno ng mga bulsa, ang importante eh nabigyan natin ng worth yung bawat oras na nandito tayo ^.^,, yaan na natin silang mauna sa ngayon kasi sila rin yung unang matatapos ang life story kakamadali nila haha ^.^

    TumugonBurahin
  10. Aba'y mabuhay ka! Sapagkat ikaw ay nabubuhay ng simple pero kontento sa buhay. Oo nga't ang buhay ay parang karera pero kanino kaba nakikipagkarerahan, sa ibang tao ba o sa iyong sarili lamang? Di bale ang mahalaga, may pangarap ka ngunit alam mo kung san ang kaya mong harapin, anong kaya mong abutin, alam mo kung ano ang gusto mo, patuloy ka lang.

    TumugonBurahin
  11. aww, ser jep. ramdam na ramdam kita. ibang klaseng saya naman kasi tlaga ang pagtuturo (at di yung naiintindihan ng lahat) kaya kebs mo na lang sila, basta kung san ka masaya! :))

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento