Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na reyalidad

read at your own risk.

Naalala ko lang. Sabi ng isang kaklase ko noong kolehiyo, kung bibigyan siya ng chance to live another life ang pipiliin niya ay ang maging isang porn star! Syempre, alam naman namin na   nagbibiruan lang kami sa usapan na iyon, kaya tawanan na lang kami like ‘ wtf ano yang pinagsasabi mo .’ Tapus, may isang tagpo noon na hinayaan niya kaming basahin ang isinulat niyang kwento na medyo erotic; yung parang katulad ng nababasa sa mga tabloid, mala-xerex ang genre ganun. Pinabasa niya sa namin yun para malaman niya kung mahusay na ba ang kanyang pagkakasulat (peer review ba, char). Yun ang pinagkakaabalahan namin habang naghihintay na magsimula ang klase. Di ko na matandaan kung tungkol saan ang kwento, pero hanggang ngayon ay tanda ko pa rin yung ilang words / metaphor na ginamit niya roon, tulad ng 'ice cream', ‘hindi nauubos na ice cream’ – mga double meaning. Nakasulat lang yun sa isang pilas ng papel. At ang eksena pa, habang binabasa ng isa, maku-curious yung iba, ha...

bakit ganun...

2018 07 04 (Wed, 9:34 PM)             Sabi ko na nga ba, naglalaro ang mga daga kapag wala ang pusa; sa puntong ito, ako yung pusa at ang mga bagets naman ang daga.             Habang wala pa silang teacher, napadaan ako sa room nila, at naaktuhan ko ang mga bubwit na lalaki na naghaharutan sa likod ng room. Gamit ang 4 na hard hats na suot nila, at ginawa pang espada ang mga walis. Nung nakita nila ako na naglalakad patungo sa kanila, biglang kumaripas ang mga bubwit; akala naman nila ay hindi ko nakita kung sino-sino ang mga iyon. Kaya sinabihan ko si student J na wag munang pauwiin ang mga pasaway, saktong may last period pa ako kaya di ko sila mahaharap pa.             After ng last period, dali-dali akong bumalik sa faculty, nag-ayos ng gamit at binitbit ang aking bag papunta sa aming classroom. Kinausap ...

'snob'

                “…all you have to do is call, and I’ll be there, you’ve got a friend.”                 - ang kinakanta ng matandang bulag na lalaki malapit sa may Central Station ng LRT.                 Natigil ako bigla sa paglalakad sa gilid ng UDM, hindi kasi ako mapakali. Naisip ko, bakit hindi ako naghulog ng pera sa donation box ng matandang bulag? Bakit ko siya nilampasan?                 Sa mga ganitong pagkakataon, lagi kong iniisip na gawin kung ano ang makapagpapanahimik sa aking saloobin, kaya humugot ako ng isandaang piso para maihulog sa donation box ng matandang bulag. Naglakad ako pabalik.            ...

"Siguro nga ay tama si Morrie."

                Siguro nga ay tama si Morrie.                 Hindi naman talaga titigil ang mundo para sa kahit na ano pa mang pinagdaraanan o nangyayari sa’yo. Kahalintulad nang malaman ni Morrie ang kanyang sakit. Malalang uri ng sakit.                 Hindi naman titigil sa kani-kaniyang buhay ang mga tao para lang sa kanya… sa’yo at pati na rin sa akin. Iinog pa rin ang lahat nang normal. Tuloy lang ang buhay.                 Sabado noon; lunes ay ang pagbubukas ng school year 2016-2017. Hindi ko naman mauusog ang pasukan kahit pa nagbabantay ako sa ospital noong mga panahon na iyon. Tuloy pa rin ang pasok kahit pagod, medyo puyat at may kaunting emotional stress. Haharap ...

Kahit saan mapunta, may magsasabing “Hi Sir!”.

                Nasalubong ko si Jasper (dati kong estudyante) sa footbridge. Nagkamustahan ng kaunti. Saglit kaming tumigil sa mismong hagdanan, mabuti na lang at kaunti lang yung dumaraan. Tinanong ko kung saan na siya nag-aaral; sa pagkakatanda ko kasi ang sabi niya sa akin noong nagpi-fill up siya ng form para sa senior high ay magti-TESDA siya. Ang sagot niya, siya raw ay nag-aapply na ng trabaho. Hindi ko na nausisa pa, dahil nasa hagdanan kami ng footbridge at baka kami ay makaabala, ‘good luck’ o ‘ingat’ ba ang huli kong nabanggit sa kanya, hindi ko maalala eh.                 Ang awkward o nakakatawang part ay yung mismong nagkasalubong kami. Sanay ang mga ka-batch na estudyante ni Jasper magmano sa mga teachers nila, pero sa kung anong dahilan hindi niya naituloy yung akmang magmamano sana siya sa akin, di ko na rin naiabo...

#WRDD2016: World RARE DISEASE Day 2016

            Ang huling araw ng buwan ng Pebrero ay tinaguriang Rare Disease Day. Nagsimula ito noong 2008 upang makapagbahagi ng kamalayan tungkol sa iba't ibang rare diseases na mayroon sa mundo na sa kasalukuyan ay di pa rin nabibigyang lunas.             Feb. 08, 2015 na-meet ng aming grupo ang Parco brothers na sila Peter John (18 y/o), John Paul (18 y/o) at Vicente (17 y/o) para sa isang maikling interview na may kinalaman sa ginagawa naming paper sa aming klase sa genetics. Mapalad kami na malugod nila kaming tinanggap sa kanilang tahanan para sa isinagawang panayam.             Ang magkakapatid ay may kondisyon na tinatawag na Hunter Syndrome. Isa itong X-linked recessive na namamanang sakit kaya ibig sabihin ay mga lalaki lamang ang maaaring maapektuhan. Ang kakulangan ng enzyme (iduronate-2-sulfatase or I2S) sa kanilang katawan ay naging dahilan ng pagkakaroon nila ng ...

"Nothing is perfect. Life is messy." - Hugh Mackay

                1. Wax.                 2. Baso.                 3. Relos.                 4. Pulbos.                 5. Manila paper.                 6.  Kaleidoscope.                 7. Plastik ng mercury.                 8. Isang sheet ng project plan.                 9. Head and shoulders shampoo.     ...

Exciting din pala ang magkaroon ng electric fan.

Ika-02 ng Hulyo, 2015 Huwebes, 7:08 ng gabi             First time kong ma-excite para sa balita na kahit paano ay naayos na raw ang dalawang electric fan sa room namin, ayon sa text ng ka-partner kong adviser sa room na panghapon, kani-kanina lang. Okay lang kahit kami pa muna ang magpaluwal sa gastos, walang-wala yun sa pakiramdam na excited na akong makita ang advisory class ko bukas na nag-aaral nang may electric fan J Hindi rin kaya biro ang isang buwan na magklase sa loob ng room na halos lahat kami ay nagmumukhang ‘hot’ lol.             Kaya sana bukas, totoo! Hay… dahil kung hindi, hotness never ends na talaga.

About Compliments and Being Stranded. (Maka-title lang ng english, yey!)

Ika-16 ng Marso, 2015 Lunes, 2:38 ng hapon             “Ikaw lang ata yung nakita kong haggard na kalmado,” walang kaabog-abog na pagsabi sa akin ni Sir C na klasmeyt ko sa subject P habang abala ako sa pag-aayos ng report at pagsulat ng sagot sa mga task sheets.             “Pwede bang kalmado na lang?” banggit ko sa kanya, sabay dugtong ng tawa kong awkward lols.             Yung mga moment na ganito, na di mo alam kung compliment ba o inuuyam ka na hahaha. Kahit saan talaga, lumulutang ang ka- haggard -an ko. Hahaha!             Anyways…             Dinagdagan pa ng pagkasira ng LRT nung sabado ang kadukhaan ng aking pagkatao. Uwian pa naman. Hindi na bago ang pagkasira ng m...

CRATER :)

Ika-06 ng Marso, 2015 Biyernes, 2:48 ng hapon             Ang awkward at sarcastic ng lesson ko kanina – The Sun, Earth and MOON .             Nag- enjoy ako sa pagdi- discuss tungkol sa parts ng sun at sa pagbibigay ng ilang amazing trivia , ganun din naman sa Earth . Pero sa pagdating sa moon … hay naku… hahaha .             Sa isang klase ko, ang sabi ni Angelo –                         “Sir di ba may CRATER ang moon?”                         Sa isip ko, ito na ang usaping crater , common knowledge naman na ito kaya maikling “Oo meron. Kasi walang atmosphere na nagpro...

"Ayokong magpaka-super hero."

Ika-02 ng Marso, 2015 Lunes, 6:02 ng gabi             Paggising ko sa umaga, naiisip ko, magkikita na naman kami ng mga ‘disturbed’ na bata. Papasok na ulit ako sa ‘bahay-kalinga’ . Sa pananaw ko ang mga paaralan ngayon, lalo na yung pampubliko, ay di na lang lugar kung saan ang mga bata ay dapat matuto. Nandito na lahat… lahat-lahat!             Mga matalino, matalinaw… mga may kaya, kinakaya, walang kaya… malinis, madungis… magalang, walang kamodo-modo… masayahin, bugnutin… malusog, malnourished … may magulang, pinabayaan ng magulang… pumapasok para mag-aral, pumapasok para hindi mag-aral… isip bata, mga isip na polluted ng kaisipang pang matanda… mga batang nagabayan ng tama, mga batang ginabayan ngunit walang nagagawang tama… mga pumasa, mga pinapasa na lang.             Hindi sa nawawalan ako ng insp...

Puno ng dalamhati ang araw na ito. #SAF44

Ika-29 ng Enero, 2015 Huwebes, 7:52 ng gabi             Ang paniniwala             At pananampalataya             Ay hindi basehan             Para pumatay ng kapwa.             Ang pagkitil ng buhay             Ay hindi isang patunay             Ng paniniwala             At pananampalataya. x-o-x-o-x             Nakalulungkot naman ang nangyari sa Mamasapano.             Nakaka- disappoint na hindi man...

Para kay Rodney...

Ika-22 ng Agosto, 2014 Biyernes, 5:19 ng hapon             Sa tuwing magbubukas ako ng fb , nadudurog ang puso ko sa mga mensahe ng lahat ng nakakakilala, nakasama at mga kaibigan ni Sean Rodney Alejo . Grabe…             Nung pumunta ako sa kanyang burol noong miyerkules, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko… siya nga yung nakaburol. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Parang namamanhid ako habang nagdarasal sa harap ng kanyang kabaong (kasama ang dalawa kong kaguro) .             Na bigla ko na lang na- appreciate ang buhay ko. Ang batang ito ay nauna pa sa akin… ang batang ito ay mas nauna pa sa kanyang mga magulang. Gaano kasakit sa kanyang mga mahal sa buhay ang kanyang pagkawala? Gaano kahirap sa isang magulang ang maghatid sa huling hantungan ng kanyang anak?… hindi ko alam… hindi ko kayang il...

"...tumbling." Me :)

Ika-07 ng Hulyo, 2014 Lunes, 11:04 ng gabi             Ang sakit sa noo (hindi sa bangs, dahil malapad na noo lang ang meron ako) ng mga estudyante ngayon. Straightforward na kung magtanong, parang wala lang, walang pagdadalawang-isip, walang kaabog-abog.             Mga pasado alas-singko ng hapon (sa huling klaseng pinasukan ko) ang pinag-uusapan namin ay –             “Embrace a wholesome attitude toward sex matters.” (na parte lamang ng discussion).             Habang nagpapaliwanag ako bigla na lamang may nagtanong…             “Sir! Kayo may experience na kayo?”             Dedma lang ako… tuloy pa rin sa aking sinasabi, per...

Chapter 25

Ika-06 ng Hulyo, 2014 Linggo, 8:12 ng gabi             May tatlong makapangyarihang tao sa bahay namin pagdating sa paggamit, panunuod at pagpili ng programang panunuorin sa telebisyon. Pinaka ‘da best’ na ang kapatid ko na magdamag nakabukas ang tv sa kanyang kwarto. Sa sala naman, sa umaga ay ang nanay ko ang reyna ng mga istasyon. Bawal ilipat kapag mga inaabangang palabas niya ang pinanunuod. Sa gabi naman, lalo na kung may laro ng ‘basketbol’ ay ang tatay ko ang nagmamaneobra sa remote control , kahit nakapikit na siya, nanunuod pa rin daw siya, kaya di kami nagtatangka na patayin ang tv kung ayaw mong mag-huramentado siya hahaha .             Eh apat lang naman kami sa bahay, kaya ako… walang naiwan na ‘sked’ sa akin para manuod ng tv . Pero ‘oks’ lang basta may wifi at radyo… pwede na yun sa akin!         ...