Naalala ko lang. Sabi
ng isang kaklase ko noong kolehiyo, kung bibigyan siya ng chance to live
another life ang pipiliin niya ay ang maging isang porn star! Syempre, alam
naman namin na nagbibiruan lang kami sa
usapan na iyon, kaya tawanan na lang kami like ‘wtf ano yang pinagsasabi mo.’
Tapus, may isang
tagpo noon na hinayaan niya kaming basahin ang isinulat niyang kwento na medyo
erotic; yung parang katulad ng nababasa sa mga tabloid, mala-xerex ang genre
ganun. Pinabasa niya sa namin yun para malaman niya kung mahusay na ba ang
kanyang pagkakasulat (peer review ba, char). Yun ang pinagkakaabalahan namin
habang naghihintay na magsimula ang klase. Di ko na matandaan kung tungkol saan
ang kwento, pero hanggang ngayon ay tanda ko pa rin yung ilang words / metaphor
na ginamit niya roon, tulad ng 'ice cream', ‘hindi nauubos na ice cream’ – mga
double meaning. Nakasulat lang yun sa isang pilas ng papel. At ang eksena pa,
habang binabasa ng isa, maku-curious yung iba, hanggang sa saglit mo pa lang na
hawak yung papel eh aagawin at uusisain na ng iba, tapus tawanan! Hanggang sa
wala na, simula na ng klase, may prof na.
Ano ba’ng meron sa
amin noong kolehiyo? Stress ata kami sa acads noon… pero parang ‘di naman. Minsan
maiisip ko na lang na dahil ba science major kami or sadyang marurumi lang kami
mag-isip, or wala lang talagang mapaglagyan ang likot ng isip namin. Pero,
nag-aaral naman kaming mabuti noon, pramis!
At bakit ba sa dami
ng alaala noong kolehiyo ay ito pa talaga ang naalala ko ngayong araw? (29
March 2020, Linggo 1:55 ng hapon). Anyway…
Minsan, naiisip ko
na bakit ‘taboo’ pag-usapan ang porn / pornography? Alam ko naman na masalimuot
ang topic na ito, kaya susubukan kong talakayin ito sa ibang perspective
(taray, lecture?).
Sa ibang bansa gaya
ng Japan o USA, ang pornography ay isang industriya. Minsan nakapanuod ako ng
interview ng isang porn star (pero sandali lang ah, lilinawin ko lang na ‘interview’
yung napanuod ko, so walang kahit na anong calisthenics na ganap doon, interview
talaga). Ang interview na iyon ay hindi tungkol sa 'porn' itself; ito ay
tungkol sa mga taong nasa industriya ng pornograpiya (yung ‘allowed’ or
‘permitted’ na gawin sa kanilang bansa). Nalaman ko sa interview na si porn
star sa totoong buhay ay may bachelor's degree sa anthropology at may master's
degree pa sa fine arts. Sa case nya kasi, isa sa dahilan kung bakit pinasok niya
ang porn industry ay para masuportahan ang kanyang sarili sa pag-aaral. Kaya
ngayon, iniisip ko tuloy kung ganun din kaya ang dahilan ng kaklase ko kung
bakit niya nasabi yun noon, charot. At dahil nga si porn star ay may master’s degree
sa arts, gumawa siya ng kanyang sariling studio / production para ma-express in
a creative / artsy manner yung ginagawa niya – hindi talaga yun porno-type ah, parang isang kakaibang palabas lang, mala-drag
ganun. Nakaka-amaze ‘di ba? or hindi rin.
Dati ay may
sinusubaybayan akong blog ng isang phd student (foreigner siya, at working
professional) at yung blog niya actually ay parang koleksyon ng mga hinaing o pahayag
ng mga tulad niyang phd students na nakararanas ng diskriminasyon sa trabaho /
unibersidad lalo na kung malalaman na sila ay mga 'sex workers' (sa blog niya
ay may iba rin namang tinatalakay na issue tulad ng racism at iba pa).
Kung ilalapat sa
kultura natin or kahit sa komunidad na lang kung saan ako naroon, baka hindi talaga
maging very acceptable (?) ang mga ganung uri ng sitwasyon – phd student na working
professional na sex worker. Yung ilan sa kanila ay nasa academe habang
tinatapos ang kanilang doctoral degree, idagdag pa na hindi sila takot na
ihayag ang sarili sa iba na sila ay 'sex worker'. Alam ko marami talaga ang magtataas
ng kilay. But we have to take note na may mga lugar sa mundo na legal ang
prostitution or ang pagiging sex worker.
Meron ding iba
pang kahulugan ang pagiging sex worker; hindi lamang ito nakakulong sa gawain
ng pagbibigay aliw.
Sa iba pang pananaw,
may mga sex worker na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng ‘therapy’. May
napanuod ako dati na isang docu tungkol sa isang babaeng sex worker / therapist
na may isang client na lalaki. Sa mga sessions nila magpapanggap yung babae as
if wife siya nung client na lalaki, kaya may mga tagpo sa sessions nila na
magiging intimate sila or sweet sa isa’t isa. Ang objective ng sessions ay para
turuan niya yung client na lalaki sa kung paano niya maha-handle ang sarili sa
ganuong uri ng sitwasyon; mala-simulation activity (practicum level, char). Sa
isang tagpo sa docu, sinabi ng lalaki na yung mga sessions nila ay makatutulong
sa kanya para maging mas confident sa kanyang sarili. At wait ulit ah, ang
napanuod ko ay isang 'docu' na may censorship, walang halong gymnastics.
May mga sex
workers din na ang kanilang kliyente ay mga persons with disability. Ito ay
para maisakatuparan ang pangangailangan nila sa intimacy / sex. Paglilinaw na
hindi sila yung nakikipagtalik sa client. Isa rin itong docu, ang dami kong
time manuod noong mga panahon na iyon di ba. Well, una dahil sa wala pa ako
noon sa public school na maraming paper works, char! Pangalawa, di naman kasi
ako mahilig manuod ng mga series ganyan, or mga telenovela kaya madalas talaga
mga docu ang pinapanuod ko. At saka panahon ito noong kasagsagan ng mga docu sa
Pilipinas, kaya minsan tumitingin din ako ng mga gawang docu sa ibang bansa,
like ano kaya ang kaibahan ng content ng mga docu nila sa atin, ganun. Anyway.
Gaya nga ng nasabi
ko, yung isa pang napanuod kong docu ay tungkol sa mga tao na ang trabaho ay pagbibigay
ng ‘assistance’ sa mga pwd couples para makapag-perform din ng sexual activity.
Karapatan din nila yun, at pangangailangan din nila iyon. Halimbawa, dahil sa parehas
silang pwd, bedridden ganyan, may mag-a-assist sa kanila tulad ng mailapit sila
sa isa't isa, mai-posisyon nang tama atbp para magawa nila ang bagay na iyon. At
syempre hanggang dun lang talaga yung pinakita sa docu, may censorship din ito
natural. Pero alam kong kahit ‘di na pinakita ang iba pang ganap eh understood
na yun di ba. Privacy is the best policy! Sa dulo ng panunuod ko, hahanga na
lang ako sa mga pwd na hindi takot na ipaalam, ipa-realize sa mga tao na tulad
ng mga walang kapansanan sa buhay ay mayroon din silang mga pangangailangan.
Ayan, wala na
akong maisip or maalala. Or kung meron, nsfw na, charot!
Bakit ba ganito
ang hanash ko ngayon? Nanuod lang naman ako ng sports kagabi, Korea vs USA - 2012
London Olympics – Women’s Volleyball. Galing ni KYK dito, talo nga lang sila.
Ewan ko sa yo Jep, pinilit mo pa i-link yan volleyball game sa thoughts mo Hahahahahah
TumugonBurahinPero seryoso, kahit 2020 na, mahirap pa din i-deal nag topic ng sex as an art and pornography. Ang dami nag-interplay na factors, nandyan ang religion, culture, sama mo na din yung naglalaban laban na school of thoughts ng each field of discipline. Iba ang pananaw ng Psychology, isama mo pa ang Theology, iba din ang sinasabe ng batas, so good luck naman. Laging nasa perception na lang ng receiver ang topic na 'to
truth! kaya siguro ang hirap din pag-usapan. pero di ba kung titignan muna natin ang bawat anggulo malay mo makagawa ng synthesis mula sa magkakaibang pananaw, paniniwala, kultura, batas, idea o konsepto. pero oo, sa dulo nasa tao na lang talaga.
BurahinHindi naman tayo magkaklase nung college diba? HAHAHA! Nakaka-relate ako sa classmate mong iyon! Pinangarap ko ring maging erotica writer, naisipan ko pa ngang mag-enrol noon sa weekend lessons sa UP Diliman noong nagtatrabaho pa ako sa Pilipinas. Guilty pleasure ko pa rin ngayon ang pagbabasa ng mga General Fiction sa Wattpad! <3
TumugonBurahinMakikita naman kung anong progreso meron ang mga bansang tanggap ang legalidad ng sex jobs at ang antas ng health care meron sila. Tinamaan lang talaga ng COVID-19 (naipasok lang. LOL)
Andami ngang interplaying factors, ang hirap kasi lahat gusto i-dominate ang thoughts on sex and the practice itself. Sadnuh.
Baka lang magkamag-anak pala kayo ng klasmeyt ko, cher kat #char
BurahinDi pa ako naka-try magbasa sa Wattpad, sumasakit kasi yung mata ko 'pag babad sa screen eh.
Ibig sabihin maaaring may correlation between sa kaunlaran ng isang bansa at sa kung paano nito hina-handle ang mga usapin sa sex, pornography, prostitution etc.