13 January 2020 - imbentaryo



8:26 PM 1/13/2020 (Monday)
As of this moment, nag-i-encode pa rin ako ng mga gamit para sa inventory ng science lab. Medyo marami pang kailangan i-type. Then, pagsasamahin ko yung list ng luma at ng bagong mga gamit; eh parehas yun madami… as in madami talaga, hahaha!

Ang masaklap… ay wait, yung Malabon nag-confirm ng pasok; baka magkaroon din kami. Hindi naman sa ayaw kong pumasok, pero wala pa kasi akong nagagawa para dun sa class observation, like omg! Ano mangyayari sa akin nito? Hahaha! I’m torn between finishing this paper for the inventory and doing my lesson plan at instructional materials for the class observation.

Dalawa lang naman naiisip ko eh – kung mag-suspend ng pasok, tatapusin ko na itong inventory; kung mag-declare naman ng pasok, uunahin ko muna yung para sa observation, kahit magkanda-puyat or wala na akong tulog, makaraos lang. Kung kailangan na yung paper para sa inventory, sasabihin ko di ko pa tapus. Bahala na, hindi naman ito ang primary task ko, kaya dun muna ako sa pangunahing job description ko, charot! Hahaha! Mayor, mag-announce ka na, para malaman ko na kung saan ako magpo-focus…


8:33 PM 1/13/2020
Siomai! ‘Pag check ko sa EarthShaker, nakigaya ang Navotas sa Malabon na may pasok.


8:37 PM 1/13/2020
Quezon City! Buti pa kayooo! Nag-suspend na QC.
Kapag 9:00 PM na at wala pa-announcement ang Val, ano uunahin ko? Lol.


8:41 PM 1/13/2020
Valenzuela, Pasig at Makati na lang ang walang announcement. Hays... ewan ko sa inyo Malabon at Navotas; etong dalawa lang sa NCR ang may pasok!


8:47 PM 1/13/2020
Kapag walang pasok, tatapusin ko na talaga itong inventory. Kapag meron, second priority ang inventory; students at classroom observation ko muna...

Pakiramdam ko I’m gonna throw up, too much coffee siguro (bakit ‘pag ako gumagamit ng “throw up” feeling ko nag-iinarte lang ako hahaha).


8:53 PM 1/13/2020
WALANG PASOK! Tatapusin ko na itong INVENTORY!!! That was intense! Malabon at Navotas, pa-pressure kayo eh, sige bye. WORK MODE.


 - - - - - - -
Kasagsagan ito ng pag-aalboroto ng Taal Volcano.



Mga Komento

  1. I never expected un suspension sa Manila nung taal volcano eruption. Dito nagsimula maubos ang facemask sa Pnas eh.

    Hirap maging teacher d ba? Un magturo, ayos lang. The work after is _______.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. the work after is 'worker' , charot!

      work (matrabaho) - worker (mas matrabaho) - workest (pinaka matrabaho)

      hahaha! keep safe miss D :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento