siomai



8:53 AM 2/19/2020

Kahapon kakaisip ko na very predictable naman ng araw ko, hindi pala. Nang-prank ang mga bagets (advisory class ko). Kunwari, tampu-tampuhan ang mga ‘siomai’ (pero parang totoo; dalawang beses na kasi na wala ako noong araw na may pa-surprise keme ata sila – una noong titsers’ day eh nasa contest kami, pangalawa noong valentine’s day, akala ko kasi holiday yun sa Val, pero hindi na pala, nagkataon na yun ang sked ko ng pagkuha ng prc id at saka pumunta na rin ako sa bbw sa world trade, kaya absent ako that day). So, nag-walk out ako sa klase dahil hindi ako makakapagturo sa ganung atmosphere. Ang gagaling din umarte / mag-inarte eh. Kaya nagpunta na lang muna ako sa faculty.

Tapus, nagsunuran pala ang mga siomai, bigla na lang lahat sila ay nasa labas na ng faculty. Bago pala yun ay nangyari muna ang epic fail na may isang pumunta sa akin sa faculty para sabihin na may nag-away keme para bumalik ako sa room, like hindi pa ba sila natuto mula sa mga memes hahaha, kaya sa punto na yun alam ko na ang mga susunod na mangyayari. Paglabas ko, naroon na nga silang lahat! Ang predictable naman, char. Pero, na-appreciate ko pa rin sila. Totoo! Kasi di naman ako pala-expect ng mga surprise keme (though nakakatuwa yung mga ganun di ba, at laging memorable sa akin ang lahat ng ganaps na ganun; at gustong-gusto ko talaga kapag di ko napre-predict ang mangyayari kasi highly appreciated para sa akin ang effort and creativity, taray parang rubric for scoring).



5:48 AM 4/7/2020

Nagkaroon ng presentation ang mga bagets (advisory class ko) sa MAPEH (noong March ito naganap, bago ang suspension ng klase at ecq na ito). Tapus nagulat ako sa nakalagay sa t-shirt nila – “siomai ni jep” – yung dilaw na t-shirt nila ay kinabitan ng malapad na masking tape tapus dun nakasulat yung ‘siomai ni jep’ lol. Sa isip ko, mabuti na lang di na sila nag-effort na i-print yun sa t-shirt (sayang lang eh). Yung di ko alam if matutuwa ba ako, matatawa or masa-sad, hahaha! Tinawag nila ang kanilang mga sarili na ‘siomai’ (mga siomai ko raw sila, sabi nung isa) kasi may nakabasa sa kanila ng tweet ko at ginamit ko yung term na siomai at sa tingin nila that term refers to them (?). Parang ganun ata yung nangyari.

Kung alam lang nila kung bakit siomai. Yun lang kasi ang naging euphemism ko para sa salita / expression na "shuta", I learned it from my ate; instead of saying shuta (pag naiinis siya sa mga anak nya for example) ate will say siomai, hahaha! So, translating yung coined term nila na “siomai ni jep” that means mga shuta ko sila? ganun? hahaha! Omg! What if malaman nila ito, will they be proud pa kaya, hahaha! Disaster! Pero sige, maybe sila talaga ay mga siomai ng buhay ko in a good way. I hope so, lol. Hindi sige, oo na. Yes.

Kamusta na kaya ang mga siomai?



Mga Komento

  1. Nagutom ako, yun lang ahahahaha
    Naks, the Dad and his siomaissss

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. speaking of siomai, yan ang ulam namin kahapon!
      tapus nanghinayang ako kasi di ako naglagay ng calamansi sa sawsawan eh ang sarap pa naman ng ginawang chili-garlic sauce ni mudra / ate (di ko alam sino gumawa eh, lol) wala lang #skl :)

      Burahin
    2. chili sauce is the key sa siomai!!! yung iba, kahet lasang cardboard at extender nadadala ng chili sauce hahaha

      Burahin
    3. truth! na-miss ko tuloy yung chao fan with steamed siomai ng chowking

      Burahin
  2. hahaha endearment pa din in someway.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento