anyare march?



 4:41 PM  3/17/2020
Nagtsi-check pa rin ako ng mga papel kahit mukha na akong tanga. Kasi ako lang yung busy-busyhan sa bahay. Di ba, bahay ‘to? Dapat relax mode lang eh.


 12:55 PM  3/18/2020
Hanggang sa tagpong ito ay nagtsi-check pa rin ako ng mga papel, pero konti na lang (ang pasensya ko). Habang gumagawa, nakikinig na lang ako ng mga music videos; yung mga na-download ko dati pa.


  1:09 PM  3/18/2020
Kung tutuusin, pwede ko naman checkan-keme na lang itong mga papel; but my annoying-ideal self would tell me – hoy nung student ka, gusto mo di ba tsine-checkan nang maayos yung mga gawa mo – tapus magpapauto naman ako.


  3:04 PM  3/18/2020
Medyo naiirita na ako sa ibang papel na tsine-checkan ko. Saan ka ba nakakita ng numero na dalawa ang decimal point? Ang sagot ng bagets ay 380.38.75 Joule. Anong basa mo dyan gurl? Halatang kopya, mali pa. Kaya gusto ko talaga na ako yung nagtsi-check eh, para mabigyan ng hustisya ang mga kasagutan, char.


  6:24 PM  3/19/2020
Di ko alam pero nocturnal na ba ako? Sa umaga na ako natutulog, sa gabi naman ay mulat pa. Gumagawa.

Masarap sana na gumawa sa umaga kasi maliwanag. Pero iba ang kapayapaan ng gabi. Ang katahimikan ng gabi.

Sa tagpong ito, okay lang naman kami sa nagaganap na enhanced community quarantine. Nakakakain pa rin sa araw-araw. May supply kahit paano ng mga kailangan. Ang ipinag-aalala ko (bukod sa mga school/paper works na ito) ay ang ilang mga tao na baka hindi na sapat ang kanilang pangangailangan tulad ng pagkain at iba pa. Hays…


  11:23 PM  3/19/2020
Gabi – kung kailan medyo mabilis ang internet. Mag-log in ako sa fb para sa mga bagets na nagpasa ng mga scores. Last call ko na ito sa kanila.

Sa totoo lang, nakaka-miss yung normal na buhay; yung makalalabas ka nang walang inaalalang virus sa paligid. Dama na rin kaya ng mga extrovert ang feeling naming mga introvert?

Ang bagal pa rin ng internet... in fairness, may consistency.


  4:35 PM  3/21/2020
Ito na ang huling araw na nag-retrieve ako ng mga scores online (sa fb). Kaya ngayon, I just have to work with whatever na nasa class record ko. Sa tingin ko, di naman ako magkaka-problem sa grades, I have enough data na.

Nag-download ako ng mga music videos ng Bastille, pampawala ng umay sa paggawa ng grades. Game na!


  5:16 PM  3/21/2020
Ang weird at nakaka-amaze at the same time; like for example, kung singer ka, can you probably know kung saan-saang parte ng mundo umaabot ang music mo? Or can you even have an idea how many people are appreciating your music? Alam ba ng Bastille yan?


  4:44 PM  3/22/2020
Kanina, sumasakit yung ulo ko habang nagsusulat ng grades. Una, dahil sa init. Pangalawa, dahil sa stress, at ang dami pang gagawin. Tapus yung SF 10 na uulitin? Like why?

Ayun. Kumain na lang muna ako. Medyo humupa naman ang stress ko. Una, dahil sa pagkain. Pangalawa, kasi nandun sa sala ang aking minamahal na family. Pangatlo, aliw sa mga aso namin. Pang-apat, di masyadong mainit sa sala (di tulad sa aking inferno este kwarto). Ito lang namang kwarto ko ang mainit sa lahat. Ito lang yung laging natatapatan ng sikat ng araw mula umaga hanggang hapon; pwede na nga itong greenhouse eh.


  5:21 PM  3/24/2020
Higit 500 na ang confirmed cases ng covid-19, parang kaninang umaga lang eh 462. Tumataas na rin ang bilang ng mga namamatay. Hays...


  5:09 PM  3/25/2020
Meron akong nakitang isang post sa fb, mula sa isang ginang (ata). Nasaan daw ba ang mga guro sa panahon ngayon? Eh puro ‘dada’ lang naman daw ang mga guro ukol sa pagpapataas ng sahod, pero sa nangyayaring pandemic ngayon bakit daw hindi tumutulong ang mga guro sa mga health workers? Halimbawa, maglinis ang mga guro sa mga ospital. Pasarap lang daw ang mga guro sa buhay - (hindi ko na nakuha ang exact words ng post nya, pero halos ganito ang konteksto ng post na iyon).

Nasaan daw ba kami? Wag daw kami magpapakita sa kanya dahil baka kami raw ay murahin lang niya.

Tapus, nag-sorry din naman siya. Nag-post siya ng kanyang apology sa fb.

Shuta!

Well, nasaan nga ba ako ngayon? At ano nga bang pinagkakaabalahan ko?

Nandito lang ako sa bahay mula noong magsimula ang quarantine. Dalawang beses pa lang akong lumabas. Anong ginagawa ko? Grades, report cards – yan pa lang ang kasalukuyan kong ginagawa (actually, yung grades tapus na, nagsusulat na ako sa cards). At marami pa, gagawa pa ako ng SF 2, SF 5, at SF 10.

Tapus, wala pa ako nasisimulan sa thesis ko. Ano na nga bang update sa mga nasa thesis writing? At saka bakit ko naman iisipin ito sa panahon ngayon?

Akala ba ng nag-post sa fb na yun ay chillax to da max lang ako now? Kung mang-alipusta ng mga guro ‘kala mo nagse-serbisyo siya tuwing eleksyon; ‘kala mo tumutulong siya sa mga frontliners ngayon; at kung may gyera, siya ba ang unang lulusob?

At akala ba niya ay madali lang gumawa ng mga paper works sa kabila ng nagaganap na sitwasyon? Akala ba niya di sumasagi sa isip ko na kung bakit eto yung ginagawa ko sa kabila ng covid-19? Akala ba nya ay payapa akong nagsusulat sa card or gumagawa ng school forms or nagsa-submit ng kung ano mang kailangan sa school? Akala ba niya ay di sumasagi sa isip ko kung anong pwede kong maging mabuting ambag habang nagyayari itong pandemic? Ano bang akala niya sa mga guro? Yung ibang mga guro ay may pamilya rin, at nanay din na tulad niya. At ano bang akala niya sa sarili niya?

Tse!

Makapag-encode na nga ng mga final grades; at makapagsulat ng mga “passed” sa card.


  10:11 PM  3/25/2020
Naaadik na naman ako sa kape.

Naalala ko yung eksena sa pelikulang titanic. Yung tagpo na inililikas na at isinasakay na yung mga pasahero sa mga bangka. Syempre nauna ang mga mayayaman (babae at mga bata ang priority), habang yung mga mahihirap na pasahero ay nagkukumahog makaakyat sa itaas na bahagi ng barko para makasakay din sa mga bangka. May eksena na isinara ang mga lagusan papunta sa itaas dahil di na kayang ma-accommodate ang mga tao. Kaya kung mahirap ka at isa ka sa mga umuukupa sa ibabang parte ng barko, magdusa ka, maghanap ka ng paraan kung paano ka makaliligtas.

Dito sa ‘pinas, kapag mga pulitiko, mga mayayaman, may kapangyarihan, may impluwensya eh pwede kaagad magpa-test para sa covid-19 ala-VIP. Samantalang yung mga health workers natin, mga PUI ay naghihintay pa na maisalang sila sa testing. Tapus yung eksena pa ni koko-cringe na alam naman niya na positibo siya pero walang habas niyang nilabag ang protocol na mag-quarantine o i-isolate ang sarili. Yung isang mahirap nga na may sintomas pa lang at hindi pa nga tukoy kung positibo sya sa covid-19, eh nagpakamatay na lang sa takot na mahawaan ang kanyang pamilya. Di man lang inabot ng testing at ng tulong medikal.

Iba talaga ang tatsulok. At mas lalong “iba ka!” kung isa ka sa mga nasa tuktok.


  6:41 PM  3/29/2020
Nanilaw ang screen ng laptop ko. Anyare? Na-hepa? Nakakakaba ‘to ah. Restart.


  6:58 PM  3/29/2020
Bumalik na ulit sa dating kulay ang screen! ‘Wag mong sabihing magloloko ka lappy... bad yan!


  6:39 PM  3/30/2020
One at a time. Matatapos mo rin yan, jep.


  7:35 PM  3/30/2020
Natuwa lang ako. Kasi habang tsine-check ko ang SF 1 ng advisory class ko kung tally ba ang mga info nito sa SF 1 na generated mula sa LIS, mangilan-ngilan sa mga students ko ay hindi ata alam ang totoong pangalan ng mga magulang nila. Kasi halimbawa, yung isang bagets, ang isinulat niyang pangalan ng tatay niya ay “Bunny,” tapus nang makita ko sa LIS, “Bonifacio” pala! Palayaw lang pala ng tatay niya yung Bunny; di ko alam if aware ba siya sa totoong pangalan ng tatay nya.


  7:41 PM  3/30/2020
Nagugutom na ako. Dalawa na lang... excited na ako kumain!


  7:43 PM  3/30/2020
Yey, done! (Checking SF 1 pa lang, omg). Napansin ko na dalawa pala sa mga tatay ng mga bagets sa advisory class ko ay kapangalan ko. Ano kayang feeling nila? Hahaha! Kasi, kung ako sila bagets, ang weird na kapangalan ng adviser ko yung tatay ko! Wala lang, para sa akin lang naman.

“Eat well, jep!” – Ako na magsasabi nyan sa sarili ko; wala naman magsasabi eh, hahaha!

Gutom lang ito.








Mga Komento

  1. Nocturnal :D Hindi ko na naalala pero tuwing may "take home" work ako (sana pagkain na lang hahaha) from evening till dawn ko nakukuha ang working pace ko. Yes I agree dun sa katahimikan ng gabi. Eerie un silence para sa iba, pero dun ko nakukuha yung working pace ko. Sa umaga kasi, na didistract ako ng mga hello everything. :D Saka yun din, internet is faster sa gabi.

    Pero sinunod sunod ko ang pagpuyat like work from 10 pm to 7 am, so eto, parang hilong hilo ako.

    Yung laptop, naiinitan din kasi siya :( Careful ka saan ka nag-wo-work. Me glass top na un table mo? The glass top kasi binabalik nya un heat sa laptop mo. Best is wood tlaga at sana aircon ang bahay d ba? Saya, pero wala tiis tayo sa electric fan :p Tapat mo din sa electric fan si laptop, habang naka break or kumakain ka siguro. Lalo na un part na umiinit.

    Checking papers, eto un pinaka-ayoko gawin sa lahat. May joules akong nakita, shookt ang subject na tinuturo mo ahahahaha

    I thought magiging okay ako sa wfm. Ngayon ko na nararamdaman, nasaan ang kalayaan? ahahahah

    TumugonBurahin
  2. yun na nga, ang sarap talaga gumawa sa gabi to madaling araw kasi iba ang sapi ng katahimikan, like akin lang ang mundo mood ganun :) nakaka-miss nga lang din ang morning.

    kahoy lang naman ang table ko pero siguro sobrang init nga, kaya pag gumagawa lagi ko ring tinatapat yung electric fan sa akin saka sa laptop...

    iba pa rin talaga nuh kapag lumalabas ka to work, kasi kaya ka nga umuuwi para magpahinga eh, hindi para mag-work... anyway, extended ang ecq! tc :)

    TumugonBurahin
  3. Hindi ka naman nasa BPO pero parang gusto mo na sa ganung oras ka nagtatrabaho ☺

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento