Isang 4” by 6” na green index card ang ginagamit kong pananda sa libro (bookmark) para sa kasalukuyan kong binabasa – Erick Slumbook. Medyo improving sa pakiramdam kapag nakikita kong unti-unting kumakapal ang mga pahinang nasasakop ng pananda… ibig sabihin nagbabasa pa ako – nang higit pa sa foreword at nang wala pang laktaw. Kung tutuusin, madali naman na tapusing basahin ang libro na yun… isa o dalawang araw lang. Talagang inaantok lang ako kung minsan (sa pagbabasa)… o medyo may ginagawa… o kaya ay nakakatamaran na lang hanggang sa nalimutan ko na. Sa ikalawang kabanata pa rin – … (1) nabasa ko ang tungkol sa “megavitamins” na iniinom ng mga batang may autism. Parang narinig ko na ang tungkol dito dati, pero ngayon lang kasi ako n...