Mga Pahina

Biyernes, Disyembre 30, 2011

Eto na MAFFIA

Ang drama ko di ba.
Daming namimiss sa buhay.
Namiss ko na yung pinagsusulatan naming GM notebook.
Ipinaiikot namin yun sa klase. Sa lahat ng kaklase ko nung college.
Pwede naming isulat kahit ano... mini-blog ng lahat na totoo.

x-o-x-o-x

I used to describe my friends in that notebook.
Kasi nga I'm not very vocal sa mga ideya ko.
Sulat lang. Ganun.
For example:
I describe my friend 'maigz' as the leader of
'the hablot candy society' :)
Malakas ang radar nya para sa mga candy.
Ilalabas mo pa lang yan sa bulsa... mahahablot na nya agad.
Si Pete at ako... madalas makaranas ng modus operandi nya.
Consistent yun... walang sablay LOL

x-o-x-o-x

And this note ay para kay faye.
hindi ko alam if makaka-relate ba ang lahat kay faye.
Oks lang. Di rin naman nakaka-ralate si faye sa kanila. :)
Patas lang.hahaha.

x-o-x-o-x

Di ko lam if anung note ang gusto ni faye.
Basta yung note nya daw. Yun lang.

x-o-x-o-x

THINGS U NEED TO KNOW 'BOUT HER (or him? joke!)

1. PAUSAO (pauso) yan si faye. Isa syang dakilang imbentor. Linguist.
    Mahilig syang mag-imbento ng maraming salita, halimbawa:
    a. gaya-gay (for gaya-gaya)
    b. triple B (for bad bully boy)
    c. GD (for God Bless, super konek di ba?)
    d. makapla (for makapal hehehe)
    ... pero wala talagang tatalo sa pausao! Yun talaga ang panalo :) Winner! (ulit-ulit?)

2. Marami rin syang title (na wala namang gustong umagaw)
     a. ms. poser (ala vogue-bog sarado)
     b. ms. water (karamihan sa pic nya laging may tubig)
     c. ms. emotera (lahat ng hinanakit nya nasa status update)
     d. ms. banat (super pick-up line)
     e. ms. damay (hilig nyang idamay ang sarili nya sa kakyutan ni sophia LOL)
     f. ms. bully (dahil lagi nya kami binu-bully ni pete sa fb)
     g. ms. fb (todo fb kahit nasa work? isusumbong talaga kita sa boss mo LOL)
     h. ms. triple X (na idadagdag na sa libro ng biology bilang isa sa mga chromosomal anomaly)
         ... at sya lang ang may ganitong kalagayan in the whole world! Buong mundo! (tinagalog?)
      i. at sya rin si ms. like, ms. comment at ms.chat :)

      kaw na! ipa-RAFFLE mo kaya yang mga titles mo :)

3. Haha. Ewan. Nasiyahan ka ba faye? O lalo ka lang nasuya? Hindi ko na kasi maalala yung story na dapat pagbibidahan nyu nila Pete at Lunula. :) at syempre sa istoryang yun... ako ang SUPER BIDA :) 

4. Pero syempre higit sa lahat... KAIBIGAN namin ni PETE si FAYE :)
    kaya pagbalik nya dito... panigurado... kami ay bugbog sarado! LOL
    ... sa pasalubong? hahaha

5. Hindi. Di naman mga kapintasan yang sinulat ko (palusot... gagawa ako ng mahusay na alibi)
    Yan talaga ang tunay na kaibigan. They will tell not the usual things na nakikita na ng marami sa iyo.
    Your true friends (tulad ko, assuming?) ang talagang nakakakita kung sino ka.
    How perfect... imperfect.. good... bad... worst... best... delubyo... sumpa... sakuna (hyperbole)
    Kahit anung sabihin nila... madaling tanggapin. Masayang alalahanin!
    (lusot na ba ako faye?) :)

6. Para naman may kaunting bawi... talented yan! Biruin mo fb while working! hahaha
     Hindi. Mahusay yang sumayaw :) mag-dance :) umindak :)

7. Nakaka-pressure pala mag GUEST dito sa FB NOTES. At ikaw ang una kong ginawan nyan ah!
    In fairness. I hope you will also make one for me. LOL (pambawi mo sa mga sinulat ko) hahaha

8. And I will also ask Pete to write a note for you. I know, marami rin syang sasabihin. At ipaaalala :)

9. Hanggang dito na lang... salamat sa mga chat! (na puro kalokohan at ka baliwan!)
   Ayun isa pa... paborito nya ang BALIW as her expresion! Weh? Maka baliw kala mo naman... LOL

10. (pinabaot ko lang talaga ng sampu) INGAT!

-x-o-x-o-x

nung college...
kapag kumakain... mahilig akong umupo sa panulukan.
masaya kasi makita ang lahat na kumakaian ng sama-sama.
at sa panulukan ang' best place' para iyon ay masaksihan.

(maisingit lang)

Happy New Year!

LOL :)

kwentong POGI at NOVA

Uhmm... naalala ko lang noong nasa elem pa ako

x-o-x-o-x

Tuwing uwian, kapag lakaran ang trip...
lagi kong kasabay noon si Kenneth.
Minsan sa paglalakad namin nabanggit nya,
"Gwapo si Kenneth di ba?" sabi nya.
Yung isang Kenneth na sinasabi nya ay yung klasmeyt din namin.
Kapangalan nya.
Wala akong imik. Dinedma ko sya LOL.
Tapus sabay sabi nya na,
"Lam mo kasi pag pogi ka nung bata...
pag laki mo pangit ka! Tapus kapag pangit ka, paglaki mo Pogi ka!"
"Ah ganun ba yun?" sabi ko.
"Oo! Totoo yun. Kaya nga ako, OK lang kung pangit ako ngayon...
kasi alam ko pag laki ko, GWAPO na ko!" paliwanag nya.
Di ko alam na bata pa pala kami noon ay INSEKYORA na pala itong si Kenneth sa katukayo nya. :)
At nagpatuloy pa syang nagpaliwanag sa mga pinaniniwalaan nya... habang kami ay naglalakad.
Tapus tinanong nya ako,
"Ikaw Jeff, pogi ka ba? Bahala ka, pag pogi ka ngayon, pangit ka paglaki mo.
Basta ako, pangit ako ngayon para paglaki ko ay pogi ako!"
Ang kulit nya di ba? :) Paulit-ulit nyang pinaliliwanag sa akin ang paniniwala niya.
At dahil ayoko naman ng away, sinabi ko na lang,
"Sige Ken, pangit na lang ako ngayon." LOL
Tapus, naghiwalay na kami ng landas.

hahaha :)
nasan na kaya ang klasmeyt kong yon?
totoo kaya ang paniniwala nya?
Ewan. Bahala sya. Basta ako... yun! :)

x-o-x-o-x

At paano naman ako mamburaot ng baon ng klasmeyt?
Ganito yan:
(hay... dati medyo may pagkasalbahe ako, ngayon mabait na daw)

Recess.
Tapos na akong kumain.
Busog na. Pero takaw tingin pa rin.
Grade 3 ako. Di pa masyadong uso ang NOVA.
PIATTOS pa lang ang usong chichiria.
Nakita ko si Michelle. Kakainin pa lang nya ng NOVA nya.
"Anu yan?" tanong ko.
"NOVA!" sabi nya.
"Ah, bago yan ah. Patikim naman." curious kasi ako sa nova.
Pagkakuha ko, natuwa ako sa shape... parang yero ng bubong, di tulad ng piattos na hugis diamond lang.
"Wow, mukhang masarap ah!" dagdag ko pa.
"Sige kunwari tayo si Godzilla, at kinakain natin ang bubong ng mga bahay" :)
Ganyan ang imahinasyon ko noon.
Nabola ko naman si Michelle. Akting Godzilla talaga sya habang kinakain namin ang Nova nya.
Tapus sabay sabi nya,
"Teka, nakakahalata na ako ah,
kanina ka pa kain ng kain ng Nova ko ah."
"Ako ang bumili nyan di ikaw!" pagyayabang pa nya.
"Sayang!" sa loob-loob ko. Matalino rin pala si Michelle.
Nakuha nya ang strategy ko LOL.
Kala ko kasi shunga-shunga sya hahaha.
Pero mula noon, naging kaibigan ko na rin sya.
Natuto rin akong mag-share ng baon ko sa kanya :)

x-o-x-o-x

Mga alaala na kaysarap balikan.

x-o-x-o-x

Basta bukas, magiging mahalaga na ang bawat minuto.
Kasi marami pa akong dapat tapusin.
Ganyan talaga pag inuna ang katamaran bago ang kasipagan. :)

LOL :)

Miyerkules, Disyembre 28, 2011

Minsan...

May mga panahon talaga na ganito lang.
Yun bang hahayaan mo na lang na lumipas ang oras... may kabuluhan man o wala ang iyong ginagawa.
Maiisip mo yung mga pangarap... na di mo naman pinagsusumikapan.
Yung mga bagay na gusto mong gawin... na malimit... di mo rin naman nagagawa.

x-o-x-o-x

Naalala ko noong OJT.
Patapus na ang araw ng pagtuturo namin.
Bigayan na ng sulat...
Maaaring bola o insulto ang nilalaman, pero oks lang. Kahit ano pa.
May totoo... merun ding may maibigay lang. Yun iba madrama. Yung iba wala lang. :)
Yung iba di ko lam ang trip. Oh kung ano ang naging epekto ko sa kanila.
Di ko maisip. Ayoko ring isipin...
Kung bakit... ang sulat... kailangan talagang may picture nila :) LOL
Sa illustration board pa nakalagay... with plastic cover.
Nakakatawa. Nakakatuwa.
Wag ko daw silang kalimutan.
Kung alam lang nila... yung iba di ko na matandaan.
Sa dami nila. Ou, marami talaga sila.
Tapus ang nagbigay pa ng bagay na yun ay yung mga tao sa klasrum na...
Di mo naman pinapansin. Ni hindi ko nga akalaing nandun pala sila.
Nag-eexist pala sila xD
Yun yung mga bagay na di mo inaasahan.
Ilan sa mga alaala na di mo laging mararanasan.
Hanggang ngayun...
Nasa akin pa rin ang mga sulat na yun.
Tinatago ko lang.
Bagay. Mahalaga kasi yun.
Na minsan... maaalala ko sila.
Minsan... naaalala ko sila.

x-o-x-o-x

May mga pangyayari din na nasasalubong ko sila sa daan.
Di ko agad sila nakikilala. Ilang taon na rin kasi ang lumipas.
Pero sila... kilala pa rin nila ako.
Nakakataba ng puso.
Kaunting usap, bago maghiwalay muli ng landas.
Syempre kakamustahin mo sila.
At hangad ko rin ang kanilang kabutihan.
Masaya kapag nakikita mo sila.
Masaya ring mangarap para sa kanila.

x-o-x-o-x

Ito yung mga panahon na gusto ko.
Panahon para mag-isip at lumikha ng pagbabago.
Oras para sa munting paglago.
Hangad ko yun di lamang sa sarili ko.

Biyernes, Oktubre 7, 2011

Sino si Harry T.?

Dalawang araw na lang ang nalalabi bago magpasukan.
Tapus balik na ulit sa dati ang buhay buhay. (Merun bang patay patay?)


Pero eto talaga ang main issue...
Minsan naisip ko na rin kung bakit ba kailangan ko pang mag-blog? Eh may sarili naman akong journal notebook. Aksaya lang to sa kuryente at abala pa sa ibang gawain, dahil minsan inuuna ko pa to kesa sa mga dapat gawin. Tapus heto... nagulat na lang ako na may isa na pala akong follower! Hahaha! Tawa talaga ako sa nangyaring ito. Lam mo yung feeling na "hala may nakakabasa na ng blog mo, kailangan ko bang mag-post araw araw para may mabasa silang bago" (although isa lang naman syang sumusubaybay sa blog na to) Hehehe. Anyway, this made my day. Feeling ko talaga may career din ako sa blogging (feeling ko lang naman).


Yun lang. Non sense. Anyway.


Masaya talaga kapag kasama mo ay mga totoong tao.
Mga kaibigan sa madaling sabi.
Kahit super 'hinangin" na ang iyong buhok, "super oily" na ang yong mukha, kahit na mukha ka nang gusgusin... OK lang. Tanggap ka nila, kasi nga sila yung mga totoo mong kaibigan. Immune ka na sa anumang panlalait na ibinibigay nila hahaha. Pero hindi, seriously speaking (wow ah?), kapag kaya mong tumawa showing your gums (with tinga?) you are probably with your true friends. (Tapus pag talikod mo, backfighter pala hahaha, yun lang).


Tapus...
Sabi ko di na ko lilikha ng blog na tumatalakay sa mga social or political issues, parang ganun kasi yung takbo ng blog ko dati. Eh feeling ko naman, kahit anung isulat ko eh wala rin namang patutunguhan... Itinigil ko na. Di rin naman nila naririnig ang aking panig. Kaya yun.


Pero itong si Harry Thomas talaga eh... pinipilit akong magwala.
Kapal kasi ng mukha nya... ambassador pa man din siya.
KAPAL, as in naka-bold, biggest font, super red in color with underline for greater emphasis.
Sino sya para sabihin na 40% ng mga lalaking dayuhan na pumupunta dito sa Pinas ay dahil lamang sa  sex? Lugar sa pagpaparaos na ba ang Pilipinas? Prostitute ba ang tingin nya sa mga babae dito sa ating bansa? Ayoko na sanang patulan ang isyu na to, pero iba talaga kapag sarili mo nang bansa ang kinakalaban, naku makikipag-away talaga ako (na-carried away kunwari haha). Pag nakita ko talaga sya, came-hame wave sya sa kin pabalik sa hambog na pinanggalingan nya! (may super power pala ako hahaha).
Yun lang... Di naman ako inis sa kanya. SUPER lang :)
Naniniwala kasi ako na bilang ambassador di dapat ikaw ang promotor ng gulo at paninira ng kapwa. Dahil kung yan lang ang kaya nyang gawin, pwes isa syang TERORISTA. Patalsikin si Harry Thomas!!! Patalsikin!!! (hahaha naghimagsik na pala ako)

Eto pala ang pagmumukha nya.
Anyway, let's move on.


Naniniwala pa rin ako na ang Pilipinas, ang mahal kong bayan, ay lupain ng mga taong may dangal at dignidad, at ang panget na katulad nya ay walang karapatang sirain ang reputasyon ng mahal kong bayan. (kala ko ba move on na? carried away pa rin?)


Itapon yan itapon!!! hahahaha ayaw paawat :)

Linggo, Oktubre 2, 2011

Brainstorm (Binagyong Isip)

Lam mo yung feeling na parang binagyo na rin yung isip mo. Di ko alam kung mag-iisip ba o kung  ano ang dapat isipin, kung pano sisimulan ang mga gawain, kung dapat bang kumilos o idadagdag ko na rin ba ito sa mga tulala moments ko hahaha. (ako lang natawa)
Yang bagyo kasi na yan, nakakagulo ng isip at pagkatao. Nakakatamad tuloy sobra. Super. To the nth power of maximum infinity (may mas titindi pa ba?) :)
Anu ba? Feeling ko talaga bakasyon na hehehe.
Yan ang masama sa napapahinga ng sobrang tagal. Feeling ko tumigil na rin ang mundo. (weh?)
Pwede bang ako naman muna yung mag-aaral at sila muna yung magtuturo para maiba naman. Ako naman yung magpapasaway sa room hahaha. Namiss ko na rin mag-aral... pati mga classmates ko, miss ko na sila. :)
Kamusta na kaya sila? (kunwari ay concern hahaha, para pag yumaman na sila ako talaga ang kanilang bestfriend hahaha)
Eh kung sa mga kalokohang ganito ay kikita na ako eh di sana super yaman ko na. Di ko na kailangan pang magpagod araw-araw (reklamador?)
Kailangan ko ng bagong motto o kaya bagong inspirational quote para maipagpatuloy ang buhay sa mundong ibabaw, mamuhay ng payapa at maligaya (hahaha ang deep di ba?)

Panalo talga ang bagyong Pedring. Binaha kami, nawalan ng kuryente. Pero thank God pa rin kasi ito lang inabot namin. Maraming tao ang mas sinalanta pa talaga ng bagyo. Gusto ko sana mag-volunteer eh, yung tipong taga repack ng mga goods na ipamimigay, o kaya maging part ng rescue team. Oo gusto ko talagang gawin yun... kung wala lang talaga akong ibang gagawin na hindi ko naman ginagawa :)

Masarap talaga ang tumulong. Gusto ko ngang maging social worker. Kaya soon ay makikita na ako sa kalsadang palaboy laboy hahahaha. Ako na pala ang sindikato ng mga nanlilimos na bata haha salbahe :)

Ang sarap ng walang kausap. Napakasaya. Nakakabaliw.
Sige sana lang sumagot ang monitor hahaha. Bwiset :)



Dapat ba akong magpasampal ng ganito para magising? Di bale na :) Gising na ako hahaha.

Martes, Setyembre 20, 2011

Buti pa si Tim Yap

One thing I've learned from Tim Yap:
"If you have been misjudged, then you better not to judge others as well."

(tama ba ang pagkakatanda ko? narinig ko lang kasi yan sa tv, habang may gingawang something)

Tao nga naman. Mahilig manghusga. Akala mo perpekto... sila rin pala ay mga...
Marami ang nais manapak... manlibak... pagmukhaing kaawaawa ang iba.
Nalulungkot ako para sa mga taong ginagawan ng ganitong uri ng kaapihan- maling panghuhusga, maling pang-eestima. Naku, magrerebolusyon talaga ako para sa kanila, at maghihimagsik naman ako pag ginawa nila yun sa akin :)

Di ko alam...
Nakatutuwa bang pagkwentuhan ang iba?
Kaaya-aya ba ang pagpiyestahan ang mali ng isa?
Sino ka naman para tingnan ng ganun ang iyong kapwa?
Masyado na bang mataas ang pedestal na iyong kinalalagyan?
Nakatingala ata sila... Nagmamataas...

Palibhasa...
di pa siguro nila naranasan ang mga sarili nilang gawa.

Tao ang sumisira sa kanilang sarili.
Tao rin ang sumisira sa kanilang kapwa tao.

Marami ang pakitang tao.
Kaunti lang ang totoong tao.

Isusumbong ko talaga sila kay Tulfo.
And they lived happily ever after.
:)

Masyado nang heavy ang blog post na 'to.
Malapit na s'yang mawala sa kabaliwan.
Bawal pala ang mga seryosong tema.
Mga pang baliw-baliwan lang dapat.

oh sya, bahala na.
ang mahalaga ay maging masaya.
:) (smiley)

Lunes, Setyembre 19, 2011

Super Kartun Karakter

Ang sabi isulat mo ang lahat ng di magagandang karanasan.
Nabasa ko yan sa dyaryo... Oo nga naman. Kesa ma-badtrip ka buong buhay, isulat mo na lang. Gamitin mo na lang yon na isang magandang pagkakataon para makapag-sulat.

Sige, kunwari nakumbinsi ako ng statement na yan. Maalis lang ang espiritu ng ka-badtripan ngayong araw :)

Di na talaga ako makikipag-kaibigan sa mga super heroes at cartoon characters.
Di dapat nakikipag friends ang isang tulad kong simpleng nilalang sa mga super heroes. SUPER HEROES. Super  nga eh, bawal ang di super. Gagamitan ka nila ng super powers!!! matetepok ka!!! mamamatay!!! tigbak to da max :) hahahaha. bwisit :)

Ayoko na rin sa mga cartoon characters. Kasi merun din silang super powers! Lilinlangin ka nila ng kanilang ka-KYUTAN, at TSARANH!!!! dedbol kana rin hahahaha :)

hay ewan :)

Paalala: wag magpalinlang... maraming costume ang nagkalat sa paligid... marami ang gusto nilang pagmukhaing tanga... :)

Linggo, Setyembre 4, 2011

Magkalaman Lang :)

Yey! Nakagawa na rin ng bagong blog :)
Bale, eto na ang ikatlong blog ko.
Yung una sa thoughts.com na nabalewala kasi ewan ko ba kung bakit di ko na narekober yung account ko dun. Tapus yung pangalawa ay yung sa fs blog, na sinawing palad dahil nagreformat yung fs... (ibinagsak kasi sila ng fb). 
Kaya eto nagsisimula na naman ako.


Unang post.
Walang kwenta (haha)
Masabi lang na kahit papa'no ay may laman na rin to. At yun lang talaga ang objective ko haha :)


Maghihintay na lang ako sa mga darating na mga araw kung kailan at kung ano ang mailalagay ko dito. Kaya sa ngayon eto muna haha :)


Daming kailangang gawin... at isa na naman akong tulalang nilalang na nag uubos ng oras sa mga bagay na di naman masyado kailangang gawin...


Yun lang.
Uhm... merun pa ba...
Wala... wala talaga akong maisip :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...