Minsan...

May mga panahon talaga na ganito lang.
Yun bang hahayaan mo na lang na lumipas ang oras... may kabuluhan man o wala ang iyong ginagawa.
Maiisip mo yung mga pangarap... na di mo naman pinagsusumikapan.
Yung mga bagay na gusto mong gawin... na malimit... di mo rin naman nagagawa.

x-o-x-o-x

Naalala ko noong OJT.
Patapus na ang araw ng pagtuturo namin.
Bigayan na ng sulat...
Maaaring bola o insulto ang nilalaman, pero oks lang. Kahit ano pa.
May totoo... merun ding may maibigay lang. Yun iba madrama. Yung iba wala lang. :)
Yung iba di ko lam ang trip. Oh kung ano ang naging epekto ko sa kanila.
Di ko maisip. Ayoko ring isipin...
Kung bakit... ang sulat... kailangan talagang may picture nila :) LOL
Sa illustration board pa nakalagay... with plastic cover.
Nakakatawa. Nakakatuwa.
Wag ko daw silang kalimutan.
Kung alam lang nila... yung iba di ko na matandaan.
Sa dami nila. Ou, marami talaga sila.
Tapus ang nagbigay pa ng bagay na yun ay yung mga tao sa klasrum na...
Di mo naman pinapansin. Ni hindi ko nga akalaing nandun pala sila.
Nag-eexist pala sila xD
Yun yung mga bagay na di mo inaasahan.
Ilan sa mga alaala na di mo laging mararanasan.
Hanggang ngayun...
Nasa akin pa rin ang mga sulat na yun.
Tinatago ko lang.
Bagay. Mahalaga kasi yun.
Na minsan... maaalala ko sila.
Minsan... naaalala ko sila.

x-o-x-o-x

May mga pangyayari din na nasasalubong ko sila sa daan.
Di ko agad sila nakikilala. Ilang taon na rin kasi ang lumipas.
Pero sila... kilala pa rin nila ako.
Nakakataba ng puso.
Kaunting usap, bago maghiwalay muli ng landas.
Syempre kakamustahin mo sila.
At hangad ko rin ang kanilang kabutihan.
Masaya kapag nakikita mo sila.
Masaya ring mangarap para sa kanila.

x-o-x-o-x

Ito yung mga panahon na gusto ko.
Panahon para mag-isip at lumikha ng pagbabago.
Oras para sa munting paglago.
Hangad ko yun di lamang sa sarili ko.

Mga Komento