kwentong POGI at NOVA

Uhmm... naalala ko lang noong nasa elem pa ako

x-o-x-o-x

Tuwing uwian, kapag lakaran ang trip...
lagi kong kasabay noon si Kenneth.
Minsan sa paglalakad namin nabanggit nya,
"Gwapo si Kenneth di ba?" sabi nya.
Yung isang Kenneth na sinasabi nya ay yung klasmeyt din namin.
Kapangalan nya.
Wala akong imik. Dinedma ko sya LOL.
Tapus sabay sabi nya na,
"Lam mo kasi pag pogi ka nung bata...
pag laki mo pangit ka! Tapus kapag pangit ka, paglaki mo Pogi ka!"
"Ah ganun ba yun?" sabi ko.
"Oo! Totoo yun. Kaya nga ako, OK lang kung pangit ako ngayon...
kasi alam ko pag laki ko, GWAPO na ko!" paliwanag nya.
Di ko alam na bata pa pala kami noon ay INSEKYORA na pala itong si Kenneth sa katukayo nya. :)
At nagpatuloy pa syang nagpaliwanag sa mga pinaniniwalaan nya... habang kami ay naglalakad.
Tapus tinanong nya ako,
"Ikaw Jeff, pogi ka ba? Bahala ka, pag pogi ka ngayon, pangit ka paglaki mo.
Basta ako, pangit ako ngayon para paglaki ko ay pogi ako!"
Ang kulit nya di ba? :) Paulit-ulit nyang pinaliliwanag sa akin ang paniniwala niya.
At dahil ayoko naman ng away, sinabi ko na lang,
"Sige Ken, pangit na lang ako ngayon." LOL
Tapus, naghiwalay na kami ng landas.

hahaha :)
nasan na kaya ang klasmeyt kong yon?
totoo kaya ang paniniwala nya?
Ewan. Bahala sya. Basta ako... yun! :)

x-o-x-o-x

At paano naman ako mamburaot ng baon ng klasmeyt?
Ganito yan:
(hay... dati medyo may pagkasalbahe ako, ngayon mabait na daw)

Recess.
Tapos na akong kumain.
Busog na. Pero takaw tingin pa rin.
Grade 3 ako. Di pa masyadong uso ang NOVA.
PIATTOS pa lang ang usong chichiria.
Nakita ko si Michelle. Kakainin pa lang nya ng NOVA nya.
"Anu yan?" tanong ko.
"NOVA!" sabi nya.
"Ah, bago yan ah. Patikim naman." curious kasi ako sa nova.
Pagkakuha ko, natuwa ako sa shape... parang yero ng bubong, di tulad ng piattos na hugis diamond lang.
"Wow, mukhang masarap ah!" dagdag ko pa.
"Sige kunwari tayo si Godzilla, at kinakain natin ang bubong ng mga bahay" :)
Ganyan ang imahinasyon ko noon.
Nabola ko naman si Michelle. Akting Godzilla talaga sya habang kinakain namin ang Nova nya.
Tapus sabay sabi nya,
"Teka, nakakahalata na ako ah,
kanina ka pa kain ng kain ng Nova ko ah."
"Ako ang bumili nyan di ikaw!" pagyayabang pa nya.
"Sayang!" sa loob-loob ko. Matalino rin pala si Michelle.
Nakuha nya ang strategy ko LOL.
Kala ko kasi shunga-shunga sya hahaha.
Pero mula noon, naging kaibigan ko na rin sya.
Natuto rin akong mag-share ng baon ko sa kanya :)

x-o-x-o-x

Mga alaala na kaysarap balikan.

x-o-x-o-x

Basta bukas, magiging mahalaga na ang bawat minuto.
Kasi marami pa akong dapat tapusin.
Ganyan talaga pag inuna ang katamaran bago ang kasipagan. :)

LOL :)

Mga Komento