Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na bike

When In Tawiran 11

Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / Mon, 6:09 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / Mon, 6:12 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / 6:13 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / Mon, 6:15 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 09 04 / Mon, 6:24 PM)

When In Tawiran 10: last na :)

Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:14 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:16 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:16 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:21 PM) o-O-o Mga ilang tala (2017 06 20): Sa mga larawan - (1) pagpunta ko sa gilid ng tulay, naisip kong magandang kunan ng larawan ang bangkang nakahinto sa ibaba nito; (2) lagi nang maulap ang kalangitan; (3) katatapos lang ng ulan nang maisipan kong mag-bike, kaya naman ako lang talaga ang tambay sa tulay noong araw na iyon, halos nagpalipat-lipat nga ako ng upuan hanggang sa may dulo; (4) at napakabilis maglaho ng papalubog na araw. Naging madalas ang pagba-bike ko noong buwan ng Mayo at Hunyo. Mainit ang panahon noong Mayo pero may ginhawa pa ring dulot ang pagpawisan sa pagbibisikleta; putik at lamig ng panahon ang inabot ko sa pagbibisikleta noong Hunyo, pero ibang freshness naman ang hatid ng hangin ng buwan na ito. Na-realize kong "timing" din pa...

When In Tawiran 09: RED

Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:15 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:16 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:18 PM) o-O-o Mga ilang tala (2017 06 16): Sa may Paliwas (habang ako ay naka-bike), sinabihan ng ale ng "pogi" (hindi ako lol) yung sanggol na karga ng kakilala niya; sabay sabi nitong "babae ito," so, akala niya lalaki iyon, hindi pa kasi masyadong mahaba ang buhok ni baby. Sa palengke ay nasalubong ko si Pau (dati kong student), pa-bike-bike na lang daw ako. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong PULA ang araw sa may tulay ng Tawiran. May mga pagkakataon na mapula ang langit habang papalubog ang araw, pero ngayon ko lang nakita na ang mismong araw lamang ang mapula. Naalala ko si Kurapika (at ang kanyang mga pulang mata); batang 2000's hindi 90's lol. Ang daming tao sa may tulay; hindi lang ako ang kumukuha ng larawan ng "pulang araw" halos lahat ng naroon; at napakabilis d...

When In Tawiran 08: cloudy pa rin

Tawiran, Bulacan. (2017 06 12 / Mon, 6:23 PM) o-O-o Habang palapit na ang pasukan, unti-unti na ring nagiging maulap. Patapos na ang summer, parating na ang tag-ulan. Ang sabi ni Roger Miller, "Some people walk in the rain, others just get wet." Basta, bring an umbrella.

When In Tawiran 07: cloudy

Tawiran, Bulacan. (2017 06 03 / Sat, 6:38 PM) o-O-o Medyo nahuli ako ng pagdating sa tulay; at saka maulap pa. Hindi masyadong ginalingan ng langit; pero dramatic pa rin naman. Ang sabi ng kapitbahay naming si Jane Lynch - "You can't make a cloudy day a sunny day, but can embrace it and decide it's going to be a good day after all." At alam nyo ba kung anong nangyari sa kapitbahay naming si Jane Lynch? Ayun pina-barangay siya, eh kasi english ng english eh! Lols.

When In Tawiran 06: _ u _ or _ u _ _ _ ?

Tawiran, Bulacan. (2017 05 31 / Wed, 6:11 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 31 / Wed, 6:22 PM) o-O-o Hindi nakakasawang manuod ng sunset sa may tulay ng Tawiran. Naisip ko tuloy, sa "past life" baka dati akong "sun"? or "tulay"? lol. Ang nakaka-amaze ay kung paanong kaybilis magpabago-bago ng kulay ng kalangitan tuwing sunset; bakit hindi ganun sa tanghali o sa hapon? (para amazing din diba) Oo na, baka dati nga akong "tulay", hindi talaga "sun" :)

When In Tawiran 05: silweta

Tawiran, Bulacan. (2017 05 24 / Wed, 6:16 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 24 / Wed, 6:17 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 24 / Wed, 6:17 PM) o-O-o

When In Tawiran 04: binary sunset

Tawiran, Bulacan. (2017 05 22 / Mon, 6:39 PM) Namangha ako noong araw na iyon dahil sa tingin ko ay dalawang papalubog na araw ang pinapanuod ko; sa kapal kasi ng ulap, nahati nito sa dalawa ang liwanag ng papalubog na araw. Ginoogle ko yung term na "twin sunset", ito kasi yung naisip kong ilagay na caption sa instagram , pero wala atang ganun. Ang term na "binary sunset" ang lumalabas; at ito rin ang pamagat ng soundtrack ng Star Wars (na hindi ako masyadong pamilyar). Ang " Tatooine " ay isang fictional na planeta sa pelikulang Star Wars na may orbit sa isang pares ng binary stars. Ang sabi, naging iconic image ng film ang kuhang binary sunset nito. Fictional man ang planetang "Tatooine", ang tawag pala sa mga ganitong planeta ay " circumbinary planet " at merong mga nag-i-exist na ganito sa sansinukob tulad ng PSR B1620-26 , HD 202206 , HW Virginis at iba pa.

When In Tawiran 03

Tawiran, Bulacan. (2017 05 15 / Mon, 6:29 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 15 / Mon, 6:32 PM) Tawiran, Bulacan. (2017 05 15 / Mon, 6:37 PM) o-O-o 1. Hanapin si buntis, si ate, at si nene sa unang larawan. 2. May nasamang mahabang nakatulos na kahoy sa ikalawa. 3. Nakaka-kalma manuod ng sunset! :)

When In Tawiran 02

Tawiran, Bulacan (2017 05 11 / Thu, 6:15 PM) Tawiran, Bulacan (2017 05 11 / Thu, 6:16 PM) Tawiran, Bulacan (2017 05 11 / Thu, 6:17 PM) Ito ang ikalawang beses ng pag-bike ko sa may Tawiran, Bulacan. Sayang, hindi ako nakapagtala. Basta ang alam ko lang, masarap manuod ng sunset sa may tulay.

When In Tawiran

Sunrise at Tawiran, Bulacan (2017 05 01 / Mon 6:05 AM)                 Sa Lanzones lang dapat ang overnight swimming ng grupo, pero napakaraming tao para sa isang maliit na resort. Nauwi sa Villa Elena kung saan huling nakapag-swimming na kumpleto ang barkada (taong 2013 pa).                 Naka-bike kami ni Olan, nag-jeep naman ang iba; sa daan ay napatigil ako sandali para kunan ang pagsikat ng araw sa may Tawiran. 2017 05 01

bike

                May mabuting dulot din ang mag-bike kahit pa isa o dalawang beses lang sa isang linggo. Dati ay hingal ko pang mararating ang tulay ng Tawiran at haggard na manunuod ng sunset; pero ngayon napansin ko na nakakuha na ako ng tyempo sa pagba-bike, hindi na ganun kahingal o kapagod. Natutunan ko na ring mag-adjust sa kalsada, pamilyar na kumbaga sa mga lubak at sa mga pababa o pataas na daan pati na sa mga tao at sasakyan, pinakamahirap sa bandang palengke ng Paco dahil doon laging maraming tao.                 Malalaman ko na maganda ang makikitang sunset sa tulay kapag narating ko na ang palaisdaan na may matataas na tulos ng kawayan; kapag doon pa lang ay halos humihiwa na sa mga siwang ng ulap ang liwanag ng araw, siguradong dramatic iyon pagdating sa tulay; o kaya naman ay kapag nakita kong namumula na ang langit ay...