Lumaktaw sa pangunahing content

When In Tawiran 09: RED


Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:15 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:16 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 16 / Fri, 6:18 PM)


o-O-o


Mga ilang tala (2017 06 16):

  • Sa may Paliwas (habang ako ay naka-bike), sinabihan ng ale ng "pogi" (hindi ako lol) yung sanggol na karga ng kakilala niya; sabay sabi nitong "babae ito," so, akala niya lalaki iyon, hindi pa kasi masyadong mahaba ang buhok ni baby.
  • Sa palengke ay nasalubong ko si Pau (dati kong student), pa-bike-bike na lang daw ako.
  • Ito ang unang pagkakataon na nakita kong PULA ang araw sa may tulay ng Tawiran. May mga pagkakataon na mapula ang langit habang papalubog ang araw, pero ngayon ko lang nakita na ang mismong araw lamang ang mapula.
  • Naalala ko si Kurapika (at ang kanyang mga pulang mata); batang 2000's hindi 90's lol.
  • Ang daming tao sa may tulay; hindi lang ako ang kumukuha ng larawan ng "pulang araw" halos lahat ng naroon; at napakabilis din maglaho ng papalubog na araw.



Mga Komento

  1. Antaray may ganitong view malapit sa inyo. Lakas maka drama at emo emo hahahah

    dito ko na lang explain un social media policy eklaver - bottomline, bawal mag social media sa oras ng trabaho (so good as kung nag post ka, violation yun na shempre... hindi nasusunod) at obviously bawal mag post anything that would contradict / taint the reputation / insinuate anything against the organization

    madami gray areas pa din. mahirap kasi i-cover lahat sa isang policy. there will always be exemptions ganerrn..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. True! Ang sarap ding mag-relax dun :)

      Mukhang malabo nga ang policy na iyan, lalo pa't karamihan konektado na talaga ang buhay sa social media. Paano kung napa-selfie ka sa cr habang nasa trabaho at pinost mo, bawal na rin? eh break naman yun hahaha :)

      Burahin
  2. I wonder saan ito sa Bulacan, taga Meycauayan ako ang i should say there are really a lot of cool stuffs around here too. I guess rare nga ang red sun. XD nice shot!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tulay ng Tawiran, Obando, Bulacan... papuntang Taliptip. Mayroon din bang tulay dyan sa Meycauayan? Maganda rin ba ang sunset? :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...