When In Tawiran 10: last na :)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:14 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:16 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:16 PM)


Tawiran, Bulacan. (2017 06 20 / Tue, 6:21 PM)


o-O-o



Mga ilang tala (2017 06 20):
  • Sa mga larawan - (1) pagpunta ko sa gilid ng tulay, naisip kong magandang kunan ng larawan ang bangkang nakahinto sa ibaba nito; (2) lagi nang maulap ang kalangitan; (3) katatapos lang ng ulan nang maisipan kong mag-bike, kaya naman ako lang talaga ang tambay sa tulay noong araw na iyon, halos nagpalipat-lipat nga ako ng upuan hanggang sa may dulo; (4) at napakabilis maglaho ng papalubog na araw.
  • Naging madalas ang pagba-bike ko noong buwan ng Mayo at Hunyo. Mainit ang panahon noong Mayo pero may ginhawa pa ring dulot ang pagpawisan sa pagbibisikleta; putik at lamig ng panahon ang inabot ko sa pagbibisikleta noong Hunyo, pero ibang freshness naman ang hatid ng hangin ng buwan na ito.
  • Na-realize kong "timing" din pala ang aking pagbibisikleta. Na-enjoy kong manuod lagi ng sunset sa may tulay (lalo na nung summer). At iba pala sa panahon ng tag-ulan, halos walang amazing na eksena kang makikita sa kalangitan, pero enjoy pa rin ang nakaka-fresh na hangin at tanawin.
  • Halos makabisa ko na ang mga detalye ng daan mula sa amin hanggang sa may tulay ng Tawiran. Hindi na rin nangingiming makipagsabayan sa iba pang nagbibisikleta, motor o pati na jeepney; habang tumatagal nga eh nai-enjoy ko ang makalusot sa makikitid na daan kasabay ng iba pang sasakyan.
  • Sa madalas na paggamit ko ng aking bike, humina na ang preno nito, at isang araw nung Hulyo (na maulan din) akala ko ay uuwi akong guyod-guyod ang aking bisikleta dahil di pa man nangangalahati ay bumigay ang kadena; sa kabutihang palad, naayus ko naman (matapos ang nakaka-stress na tagpong yun lol) nagpatuloy pa rin ako sa pagba-bike kahit puro grasa ang dalawang kong kamay.
  • Napansin ko rin na kahit paano ay nagka-muscle yung binti ko (yung parang katulad sa mga nagta-trike dito sa amin) pero sana talaga yung tiyan ko na lang yun hahaha!
  • So, hanggang sa muling pagbibisikleta, sa summer na ulit (dahil busy na sa school) at nais ko sana sa ibang lugar naman, yung pang-malakasan at pang-malayuan :)


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento