Brainstorm (Binagyong Isip)

Lam mo yung feeling na parang binagyo na rin yung isip mo. Di ko alam kung mag-iisip ba o kung  ano ang dapat isipin, kung pano sisimulan ang mga gawain, kung dapat bang kumilos o idadagdag ko na rin ba ito sa mga tulala moments ko hahaha. (ako lang natawa)
Yang bagyo kasi na yan, nakakagulo ng isip at pagkatao. Nakakatamad tuloy sobra. Super. To the nth power of maximum infinity (may mas titindi pa ba?) :)
Anu ba? Feeling ko talaga bakasyon na hehehe.
Yan ang masama sa napapahinga ng sobrang tagal. Feeling ko tumigil na rin ang mundo. (weh?)
Pwede bang ako naman muna yung mag-aaral at sila muna yung magtuturo para maiba naman. Ako naman yung magpapasaway sa room hahaha. Namiss ko na rin mag-aral... pati mga classmates ko, miss ko na sila. :)
Kamusta na kaya sila? (kunwari ay concern hahaha, para pag yumaman na sila ako talaga ang kanilang bestfriend hahaha)
Eh kung sa mga kalokohang ganito ay kikita na ako eh di sana super yaman ko na. Di ko na kailangan pang magpagod araw-araw (reklamador?)
Kailangan ko ng bagong motto o kaya bagong inspirational quote para maipagpatuloy ang buhay sa mundong ibabaw, mamuhay ng payapa at maligaya (hahaha ang deep di ba?)

Panalo talga ang bagyong Pedring. Binaha kami, nawalan ng kuryente. Pero thank God pa rin kasi ito lang inabot namin. Maraming tao ang mas sinalanta pa talaga ng bagyo. Gusto ko sana mag-volunteer eh, yung tipong taga repack ng mga goods na ipamimigay, o kaya maging part ng rescue team. Oo gusto ko talagang gawin yun... kung wala lang talaga akong ibang gagawin na hindi ko naman ginagawa :)

Masarap talaga ang tumulong. Gusto ko ngang maging social worker. Kaya soon ay makikita na ako sa kalsadang palaboy laboy hahahaha. Ako na pala ang sindikato ng mga nanlilimos na bata haha salbahe :)

Ang sarap ng walang kausap. Napakasaya. Nakakabaliw.
Sige sana lang sumagot ang monitor hahaha. Bwiset :)



Dapat ba akong magpasampal ng ganito para magising? Di bale na :) Gising na ako hahaha.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento