11 February 2020 (Tuesday)
Ngayong araw, napag-desisyonan kong
magre-resign. Masyado na nagiging predictable ang routine ng aking buhay; umaabot
sa punto na alam ko na kung ano specifically ang mangyayari sa bawat oras.
Parang ang lahat ng bagay ay lumilipas na lang. Walang nang element of
surprise, o kahit na katiting na layunin para magpatuloy pa.
Naisip kong mag-resign kasi gusto ko naman
na magkaroon ng ibang trabaho; o kaya magkaroon ng iba pang pananaw sa mundo.
Bagong workplace o environment, ganun. Wala lang… dinadama ko lang ang aking
pag-iisa; dinadama ko lang ang pagiging burned-out ko or kung ano man ito.
Gusto kong magbasa. Gusto kong ma-enjoy
ang sikat ng araw. Gusto kong maglakad-lakad man lang kung saan. Ano ba ang
silbi ng lahat ng kaabalahan natin sa mundo? Para ba ma-stress? Para makatanggap
ng validation? Hindi naman siguro tayo ipinanganak para lang sa mga bagay na
ito.
- - - - - - -
Isa lang ito sa mga kadugyutan ko, charot.
Sampung taon na ako nagtuturo. Kaya mula nang pumasok ang taong 2020, inumpisahan
ko na ang pagtatara kada pagtatapos ng araw ko sa eskwela; mananatili ba ko o
magre-resign na? Ang chaka ko lang, kasi takot akong ilista ito sa papel; dahil
natatakot ako na kapag mas marami ang sagot kong “mag-resign” eh baka tuluyan
ko ngang gawin. Naaalala ko yung mga linggo na 3 out 5 ay ginugusto ko
na talagang mag-resign. Pero heto, nandito pa rin naman ako. (06 April 2020 / Monday
3:23 PM)
" mananatili ba ko o magre-resign na?""
TumugonBurahin- Usap tayo. Wait, hindi ako financial adviser at mag-aalok ng insurrance ha ahahhahahaha Kuhang kuha ko ang hugot mo. Kwentuhan tyo minsan
networking? charot!
Burahinsure! sana magkasalubong tayo sa isang very random na tagpo, like IMBF or BBW, Intramuros? yun lang naiisip kong common place na posibleng naroon ka at ako rin, hahaha!
try naten un Intra, magsama ka ng friends mo, tour ko kayo :)
Burahinwhy not! :) (galang-gala na, hahaha)
Burahin