Lumaktaw sa pangunahing content

read at your own risk.



Naalala ko lang. Sabi ng isang kaklase ko noong kolehiyo, kung bibigyan siya ng chance to live another life ang pipiliin niya ay ang maging isang porn star! Syempre, alam naman namin na  nagbibiruan lang kami sa usapan na iyon, kaya tawanan na lang kami like ‘wtf ano yang pinagsasabi mo.’

Tapus, may isang tagpo noon na hinayaan niya kaming basahin ang isinulat niyang kwento na medyo erotic; yung parang katulad ng nababasa sa mga tabloid, mala-xerex ang genre ganun. Pinabasa niya sa namin yun para malaman niya kung mahusay na ba ang kanyang pagkakasulat (peer review ba, char). Yun ang pinagkakaabalahan namin habang naghihintay na magsimula ang klase. Di ko na matandaan kung tungkol saan ang kwento, pero hanggang ngayon ay tanda ko pa rin yung ilang words / metaphor na ginamit niya roon, tulad ng 'ice cream', ‘hindi nauubos na ice cream’ – mga double meaning. Nakasulat lang yun sa isang pilas ng papel. At ang eksena pa, habang binabasa ng isa, maku-curious yung iba, hanggang sa saglit mo pa lang na hawak yung papel eh aagawin at uusisain na ng iba, tapus tawanan! Hanggang sa wala na, simula na ng klase, may prof na.

Ano ba’ng meron sa amin noong kolehiyo? Stress ata kami sa acads noon… pero parang ‘di naman. Minsan maiisip ko na lang na dahil ba science major kami or sadyang marurumi lang kami mag-isip, or wala lang talagang mapaglagyan ang likot ng isip namin. Pero, nag-aaral naman kaming mabuti noon, pramis!

At bakit ba sa dami ng alaala noong kolehiyo ay ito pa talaga ang naalala ko ngayong araw? (29 March 2020, Linggo 1:55 ng hapon). Anyway…

Minsan, naiisip ko na bakit ‘taboo’ pag-usapan ang porn / pornography? Alam ko naman na masalimuot ang topic na ito, kaya susubukan kong talakayin ito sa ibang perspective (taray, lecture?).

Sa ibang bansa gaya ng Japan o USA, ang pornography ay isang industriya. Minsan nakapanuod ako ng interview ng isang porn star (pero sandali lang ah, lilinawin ko lang na ‘interview’ yung napanuod ko, so walang kahit na anong calisthenics na ganap doon, interview talaga). Ang interview na iyon ay hindi tungkol sa 'porn' itself; ito ay tungkol sa mga taong nasa industriya ng pornograpiya (yung ‘allowed’ or ‘permitted’ na gawin sa kanilang bansa). Nalaman ko sa interview na si porn star sa totoong buhay ay may bachelor's degree sa anthropology at may master's degree pa sa fine arts. Sa case nya kasi, isa sa dahilan kung bakit pinasok niya ang porn industry ay para masuportahan ang kanyang sarili sa pag-aaral. Kaya ngayon, iniisip ko tuloy kung ganun din kaya ang dahilan ng kaklase ko kung bakit niya nasabi yun noon, charot. At dahil nga si porn star ay may master’s degree sa arts, gumawa siya ng kanyang sariling studio / production para ma-express in a creative / artsy manner yung ginagawa niya –  hindi talaga yun porno-type ah,  parang isang kakaibang palabas lang, mala-drag ganun. Nakaka-amaze ‘di ba? or hindi rin.

Dati ay may sinusubaybayan akong blog ng isang phd student (foreigner siya, at working professional) at yung blog niya actually ay parang koleksyon ng mga hinaing o pahayag ng mga tulad niyang phd students na nakararanas ng diskriminasyon sa trabaho / unibersidad lalo na kung malalaman na sila ay mga 'sex workers' (sa blog niya ay may iba rin namang tinatalakay na issue tulad ng racism at iba pa).

Kung ilalapat sa kultura natin or kahit sa komunidad na lang kung saan ako naroon, baka hindi talaga maging very acceptable (?) ang mga ganung uri ng sitwasyon – phd student na working professional na sex worker. Yung ilan sa kanila ay nasa academe habang tinatapos ang kanilang doctoral degree, idagdag pa na hindi sila takot na ihayag ang sarili sa iba na sila ay 'sex worker'. Alam ko marami talaga ang magtataas ng kilay. But we have to take note na may mga lugar sa mundo na legal ang prostitution or ang pagiging sex worker.

Meron ding iba pang kahulugan ang pagiging sex worker; hindi lamang ito nakakulong sa gawain ng pagbibigay aliw.

Sa iba pang pananaw, may mga sex worker na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng ‘therapy’. May napanuod ako dati na isang docu tungkol sa isang babaeng sex worker / therapist na may isang client na lalaki. Sa mga sessions nila magpapanggap yung babae as if wife siya nung client na lalaki, kaya may mga tagpo sa sessions nila na magiging intimate sila or sweet sa isa’t isa. Ang objective ng sessions ay para turuan niya yung client na lalaki sa kung paano niya maha-handle ang sarili sa ganuong uri ng sitwasyon; mala-simulation activity (practicum level, char). Sa isang tagpo sa docu, sinabi ng lalaki na yung mga sessions nila ay makatutulong sa kanya para maging mas confident sa kanyang sarili. At wait ulit ah, ang napanuod ko ay isang 'docu' na may censorship, walang halong gymnastics.

May mga sex workers din na ang kanilang kliyente ay mga persons with disability. Ito ay para maisakatuparan ang pangangailangan nila sa intimacy / sex. Paglilinaw na hindi sila yung nakikipagtalik sa client. Isa rin itong docu, ang dami kong time manuod noong mga panahon na iyon di ba. Well, una dahil sa wala pa ako noon sa public school na maraming paper works, char! Pangalawa, di naman kasi ako mahilig manuod ng mga series ganyan, or mga telenovela kaya madalas talaga mga docu ang pinapanuod ko. At saka panahon ito noong kasagsagan ng mga docu sa Pilipinas, kaya minsan tumitingin din ako ng mga gawang docu sa ibang bansa, like ano kaya ang kaibahan ng content ng mga docu nila sa atin, ganun. Anyway.

Gaya nga ng nasabi ko, yung isa pang napanuod kong docu ay tungkol sa mga tao na ang trabaho ay pagbibigay ng ‘assistance’ sa mga pwd couples para makapag-perform din ng sexual activity. Karapatan din nila yun, at pangangailangan din nila iyon. Halimbawa, dahil sa parehas silang pwd, bedridden ganyan, may mag-a-assist sa kanila tulad ng mailapit sila sa isa't isa, mai-posisyon nang tama atbp para magawa nila ang bagay na iyon. At syempre hanggang dun lang talaga yung pinakita sa docu, may censorship din ito natural. Pero alam kong kahit ‘di na pinakita ang iba pang ganap eh understood na yun di ba. Privacy is the best policy! Sa dulo ng panunuod ko, hahanga na lang ako sa mga pwd na hindi takot na ipaalam, ipa-realize sa mga tao na tulad ng mga walang kapansanan sa buhay ay mayroon din silang mga pangangailangan.

Ayan, wala na akong maisip or maalala. Or kung meron, nsfw na, charot!

Bakit ba ganito ang hanash ko ngayon? Nanuod lang naman ako ng sports kagabi, Korea vs USA - 2012 London Olympics – Women’s Volleyball. Galing ni KYK dito, talo nga lang sila.



Mga Komento

  1. Ewan ko sa yo Jep, pinilit mo pa i-link yan volleyball game sa thoughts mo Hahahahahah
    Pero seryoso, kahit 2020 na, mahirap pa din i-deal nag topic ng sex as an art and pornography. Ang dami nag-interplay na factors, nandyan ang religion, culture, sama mo na din yung naglalaban laban na school of thoughts ng each field of discipline. Iba ang pananaw ng Psychology, isama mo pa ang Theology, iba din ang sinasabe ng batas, so good luck naman. Laging nasa perception na lang ng receiver ang topic na 'to

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. truth! kaya siguro ang hirap din pag-usapan. pero di ba kung titignan muna natin ang bawat anggulo malay mo makagawa ng synthesis mula sa magkakaibang pananaw, paniniwala, kultura, batas, idea o konsepto. pero oo, sa dulo nasa tao na lang talaga.

      Burahin
  2. Hindi naman tayo magkaklase nung college diba? HAHAHA! Nakaka-relate ako sa classmate mong iyon! Pinangarap ko ring maging erotica writer, naisipan ko pa ngang mag-enrol noon sa weekend lessons sa UP Diliman noong nagtatrabaho pa ako sa Pilipinas. Guilty pleasure ko pa rin ngayon ang pagbabasa ng mga General Fiction sa Wattpad! <3

    Makikita naman kung anong progreso meron ang mga bansang tanggap ang legalidad ng sex jobs at ang antas ng health care meron sila. Tinamaan lang talaga ng COVID-19 (naipasok lang. LOL)

    Andami ngang interplaying factors, ang hirap kasi lahat gusto i-dominate ang thoughts on sex and the practice itself. Sadnuh.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Baka lang magkamag-anak pala kayo ng klasmeyt ko, cher kat #char
      Di pa ako naka-try magbasa sa Wattpad, sumasakit kasi yung mata ko 'pag babad sa screen eh.

      Ibig sabihin maaaring may correlation between sa kaunlaran ng isang bansa at sa kung paano nito hina-handle ang mga usapin sa sex, pornography, prostitution etc.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...