Lumaktaw sa pangunahing content

#WRDD2016: World RARE DISEASE Day 2016


            Ang huling araw ng buwan ng Pebrero ay tinaguriang Rare Disease Day. Nagsimula ito noong 2008 upang makapagbahagi ng kamalayan tungkol sa iba't ibang rare diseases na mayroon sa mundo na sa kasalukuyan ay di pa rin nabibigyang lunas.

            Feb. 08, 2015 na-meet ng aming grupo ang Parco brothers na sila Peter John (18 y/o), John Paul (18 y/o) at Vicente (17 y/o) para sa isang maikling interview na may kinalaman sa ginagawa naming paper sa aming klase sa genetics. Mapalad kami na malugod nila kaming tinanggap sa kanilang tahanan para sa isinagawang panayam.

            Ang magkakapatid ay may kondisyon na tinatawag na Hunter Syndrome. Isa itong X-linked recessive na namamanang sakit kaya ibig sabihin ay mga lalaki lamang ang maaaring maapektuhan. Ang kakulangan ng enzyme (iduronate-2-sulfatase or I2S) sa kanilang katawan ay naging dahilan ng pagkakaroon nila ng coarsening facial features (tulad ng tila magang mga mata, maliit na ilong at pagkapal ng dila), malabong paningin, problema sa pandinig, mga swollen at stiff joints pati na rin hernia.

            Mahalaga para sa mga magkakapatid ang patuloy na physical therapy upang maiwasan ang pamamaga at pagtigas ng kanilang mga kasukasuan, bukod pa sa mga gamot na kailangan nila upang manatiling maayos ang kanilang kalusugan.

            Hinangaan namin ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw ng magkakapatid na Parco. At nakakatuwang malaman na hindi naging hadlang ang kanilang sakit upang sila ay makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.

            Napakalaking bagay na kahit man lang sana sa araw na ito ay makapagbahagi tayo ng kamalayan, magbigay ng suporta (moral man o pinansyal) upang dumating ang panahon na ang mga rare diseases na ito ay mabibigyan na rin ng tuluyang lunas.

            Kaya, makibahagi tayo para sa World RARE DISEASE Day 2016!

Peter John, John Paul, Vicente at ang kanilang ina na si Angie.

Denise and John Paul during the interview.

Neri, ang Parco brothers at si Denise.

Ako with Denise and the Parco brothers.

 Narito ang mga link na maaari n’yong puntahan tungkol sa #WRDD2016:


At para makilala pa ang mga Parco brothers:



Mga Komento

  1. Interesting topic. hmmm teka Bio/Science ba ang tinuturo mo Sir Jep?

    TumugonBurahin
  2. This is really interesting :) I have never come across such kind of case so far in my career as a PT though

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Need ka pala nila :)

      Humigit-kumulang 20 cases lang sila dito sa ating bansa.

      Burahin
  3. napanuod ko ito way back..
    very nice story and informative.

    good job papa jep! :D

    TumugonBurahin
  4. Never knew there is a day specifically to make us aware of rare diseases. Magandang topic yan at maraming makikinabang. At inspiring ang mga Parco brothers, karapat dapat tularan.

    TumugonBurahin
  5. You guys are blessings sent from God!! I know you really make the Parco Brothers happy!! Godbless :) Saan po sila nakatira?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...