(1) Kauuwi ko lang. Amoy usok pa ng kalsada.
(2) Nag-team work kami sa statistics kanina. Hindi naman
ganun kahirap, ang dami lang kailangang proseso para makapag-solve, sayang
naman kung magkakamali ka (ng kahit na isang data) dahil mapupunta sa wala
lahat ng effort mo. Sa mga tagpong ganito, kailangan ng friendship-thingy para
ma-check kung tama ba yung mga values na nako-compute mo. Paglilinaw – hindi
kami nagkokopyahan, nagso-solve kami ng kanya-kanya tapus nagtatanungan kung
parehas ba ang aming nakakalkula. Checking ang tawag dun. Ganyan. Lol.
(3) Bago umuwi, dumaan muna kami nila Eldie at Neri sa San
Sebastian Church. May nakita kaming sasakyan na may bulaklak sa unahan, akala
namin may ipinagmimisang patay… nung nakalapit kami sa may bukana ng simbahan,
iyun pala ay kasal. Laughtrip! Nauwi na lang tuloy kami sa pagtitirik ng
kandila.
(4) Hindi ko alam kung ano ang ipinag-panalangin nila Eldie
at Neri matapos kaming magtirik ng kandila. Basta yung sa akin, ang ipinagdasal
ko ay isang bagay na korni.
(5) At syempre ginabi na naman kami ng uwi. Pakana ko na
naman. Damay ulit silang dalawa. Ang motto ko kasi, kung aalis ako ng bahay na
may araw, dapat uuwi ako ng gabi... and vice versa. Hahaha.
2016.02.13
(Sabado, 7:34 PM)
Pag umalis ka pala ng gabi, umaga na uwi mo, so saan ka natulog? Sa haus ng fren, sa motel or sa kalye! Choose one or all. Nag tirik ng kandila at humiling ng something corny, hmmm...makapag chat nga nang malaman!
TumugonBurahinMay nalaman ka ba :)
BurahinWala!
BurahinButi naman hahaha :)
BurahinHmmm :) Paano na si Mister RIght?
TumugonBurahinYan ba yung kanta ni Kim Chiu? :)
BurahinAysus.. Pinagdasal mo ba ang world peace? Corny yun eh. Hahaha..
TumugonBurahinAko naman lalabas ng umaga, uuwi ng gabi, lalabas ng gabi kelangan madilim pa rin kapag nakauwi ng bahay. Hahaha...
Stat is pretty easy with all the basic math ops involved, kelangan lang talaga tama ang proseso or else, maglaslas ka na lang ng pulso. Badtrip diba? Pinapacheck ni tita sakin yung interpretation nyan sa Dissertation nya, nag-away na lang kami. Hahaha.. Sabi ko, aykenat. Aykenat. Hahahaha..
Yup! World peace talaga ang hiniling ko :)
BurahinAng shala ni tita nag-dissertation na, pwede na nya tayong ilibre ng dessert (mai-ryhme lang lol)
Pricipalia ang drama ni tita in life... She had her career path drawn out to be that. Isa syang living legend sa aming munting bayan. Ayun nga lang, kapag kinakausap nya ko, wala na syang ibang sabihin kundi, magpa-rank na ko at nang may mautusan sya ng mga bagay-bagay... Aykenat talaga! Haha...
BurahinAng hirap nyang kunan ng career advice.. Yun lang ang masasabi ko.
I agree with your tita... magpa-rank ka na :)
Burahinako ang ginagawa ko pag ginagabi ako ng uwi or inuumaga, dapat may "dala" ka.
TumugonBurahinyun ang golden rule na di ko kinakalimutan. hahaha
mas less severe at hindi malala ang award pag may pasalubong. lol
Hindi pa ba sapat na bitbit ko ang aking sarili na buhay lol :)
Burahinhindi kasi pag yan ang sinagot ko baka patayin ako.
Burahinligtas nga akong umuwi sa bahay naman ako nategi. hahaha
at least kapiling mo pa rin sila, buhay man or tegi lol :)
BurahinButi naman at hindi naiinis sa'yo sina Eldie at Neri.
TumugonBurahinHindi pa naman (sa tingin ko lang) hahaha :)
Burahin