Topaz :)


          Kahit pa napakadali nilang matunugan kasi sabi ni Aubrey (ang class president) –

          “Sir, mag-oovertime daw po si Ma’am DG, mga 10 mins,” (habang nasa faculty)…

          “Ok!” lang ang tangi kong sinabi. Kahit pa alam ko na di naman talaga nag-oovertime si Ma’am DG… o kung mag-overtime man, di naman na kailangan pang ipagpaalam.

          Tapus sumegunda pa ng sundo si Eloisa (ang vice president ng klase) –

          “Sir, punta ka na sa klasrum, sila Justin po kasi, nagkakagulo sila,” pero nakangiti nyang sinabi. At alam ko rin naman na kung magkakagulo sila ay sila pa nga ang hindi agad magsasabi dahil ayaw nilang mapagalitan.

          Bitbit ang aking gamit, habang papalapit ay natanaw ko na sila sa klasrum. Nakagilid ang mga upuan at naka-formation sila sa harapan. May gitara at beatbox pang props –

          “Bakit may formation?” tanong ko kay Eloisa. Tapus puro ngiti na lang s’ya kasama si Walter na nagvi-video…

          At heto na nga – kantahan, maraming smiles, tawanan, pagbabasa ng mga mensahe at piktyuran! Dahil sa kanila, naiba na ang tingin ko sa February 15… nadaig ang Feb. 14!


Ako at ang Grade 10 - Topaz SY 15-16.
Feb. 15, 2016


***Ang larawan ay kinuha nang walang paalam sa FB post ni April (ang secretary ng klase). Hehehe.


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento